Chapter 14

557 11 0
                                    

"Kumusta naman po 'yong minamanmanan mo?" Pagbubukas ko ng topic habang naglalakad palabas ng building ng condominium nila Chandria.

Masyado kasing tahimik at feeling ko ang bigat ng atmospera, para bang kay hirap huminga.

"She's fine, still breathing." Malamig niyang sabi.

Tumango ako nang marahan. "Nagtetext kayo?"

"Still not," Narinig ko siyang suminghap. "But I'll get her number though, maybe next time when we meet again."

Hindi ako umimik, hinayaan kong nanmnamin ang lamig ng gabi. Narinig ko ang marahan niyang paghinga, sobrang lapit niya pala sa akin. Medyo nauuna ako nang konti sa kanya.

"How about that guy earlier..." Huminto siya saglit bago nagpatuloy. "You would reply if he'll text you?"

Natawa ako nang mahina. "Wala ko akong load. Pero kung tawag naman po, sasagutin ko naman p--"

"You're busy and...mag-aaral ka 'di ba?" Agap niya sa sasabihin ko pa.

Napatango ako nang marahan. "Ah oo nga pala. Pero kung importante naman, sasagutin ko."

Hindi na siya kumibo. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya bago siya umikot.

Habang nasa byahe ay mabagal ang patakbo niya, palingon-lingon pa siya sa akin na para bang mawawala ako maya't-maya.

"You will have your vacation at your province?" Bigla ay tanong ni Hiro.

Mabilis akong napabaling sa kanya.

"Oo, ikaw ba?"

Nagkibit balikat siya. "Maybe...in some vacation island."

"Sa ibang bansa?"

"No."

Ang swerte talaga ng mga mayayaman 'no? Konting kalabit lang makakapagbakasyon na sila sa mga lugar na gusto nilang puntahan, maba-abroad man o rito sa Pinas. Hindi kasi problema sa kanila ang pera pero sa ating mga mahihirap? Ilang kendeng pa siguro ang magagawa natin bago makapagbakasyon kahit man lang sa panig ng Pinas.

"Naisip ko lang..." Ngumiti ako ng mapait. "Ang swerte niyong mayayaman."

Sobrang taas ng pangarap ko--namin ni Kiera kaya naman kahit gaano kahirap ang panahon, kakayanin ko. Kahit ako lang mag-isa gusto kong magsumikap. Hindi naman hadlang ang kahirapan dahil marami namang paraan para magkapera, ngunit sa mahihirap na paraan nga lamang. Ubos ang lakas at oras mo pero ayos lang dahil hangga't kaya mas malaki ang tansiyang mabilis mong makakamit ang mga pangarap mo.

"Hmm?"

Tumawa ako nang mahina. "Gaya mo, may sasakyan ka at nadadala mo kahit saan mo gusto. May mga bagay kang nabibili dahil mayaman kayo. May mga lugar kang napupuntahan na para sa aming mga mahihirap ay nakalista pa lamang sa pangarap namin."

"Pero alam mo..." Pagpapatuloy ko. "Nang dahil sa mga mayayaman, nainspire ako. Imagine kapag nakapagtapos na ako at may trabaho na, kaya ko na ring bilhin ang mga bagay na hindi ko mabili-bili ngayon, kaya ko nang mangibang bansa. Ang taas-taas ng pangarap ko...kaya kahit gaano kahirap gusto kong magtapos."

"Makakapagtapos ka." Malamyos ang boses niya nang magsalita siya.

Tumango ako. "O-oo, makakapagtapos ako..."

Kahit gaano man karaming problema ang dumating sa akin ay kakayanin ko, ano pa't kinaya kong mag-isang mamuhay mula nang mamatay si Kiera. Ano pang saysay kung hindi ko kakayanin? Kung panghihinaan ako ng loob dahil sa mga bagay na iniisip kong hadlang sa mga pangarap ko ay ano pang saysay ng buhay ko?

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now