Chapter 45

413 7 0
                                    

"Miss Quintero, saan ka na raw po?"

Huminga ako nang malalim at inayos ang bag ko, I felt the man beside me moved. Inalis niya ang kamay na minsang nasasagi ang hita ko. Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. Patay malisya itong tumingin sa bintana. Sinasadya niya ba 'yon?

"Miss Quintero?"

Napakagat labi ako at umusog palayo sa lalaki. Lumingon sa akin ang lalaki at nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya. Ang tanda-tanda na pero kung makatingin ay akala mo'y kinagwapo niya ang pagkagat-kagat sa labi at pagdila roon!

"Are you okay Miss Quintero?" She asked again in the other line. I gulped and grip my cellphone that is attached on my ear.

"I-i'm sorry, I'll be there in a minutes." Mahina kong sabi, iwinawala ang pagkakabahala sa lalaking katabi.

"Where are you po?"

Napasinghap ako at tiningnan ang dinadaanan. Malapit na ako, isang hintuan ma lang.

Hindi ko na nilingon pa ang lalaki pero naramdaman ko ulit ang pag-usog ng lalaki. Pinatay ko na ang tawag at tiningnan ang lalaki.

"May problema po ba kayo?" Magalang na tanong ko pero nagtitimpi na talaga ako. Parang nakakabastos kasi, ang lawak sa kabila niya pero ginigitgit niya ako. Nasasagi niya pa ang hita ko, hindi naman sa maarte ako pero kasi bakit parang sadya na?

"Wala naman, ikaw may problema ka?" Maangas na tanong nito.

Napaawang ang labi ko. Kinakabahan ako pero mas pinanatili kong kalmado ang sarili.

Nakahinga lang ako nang maluwang nang makababa. Sinulyapan ko ang lalaki na agad akong napanganga, he raised his middle finger at me! Ang bastos...

"You're late."

Hindi iyon ang dahilan kung bakit nabitawan ko ang hawak na envelope. Hindi dahil sa lamig ng boses niya. Hindi rin dahil sa nakakagulat niyang presensiya...kundi dahil siya, siya ang pinakahuling ayaw kong makita rito sa La Isla Prinsesa.

"H-hiro," mahinang sambit ko. Malamig ang titig niya sa akin. Napakurap-kurap ako. Kinakabahan kong pinulot ang envelope at tiningnan ulit siya. Walang nagbago sa tingin niya sa akin, he looks like he's looking to someone he don't know.

Parang tinatambol ang puso ko dahil sa sobrang kaba, nanginginig ang kamay, labi at mga tuhod ko. Nanlalamig ako hindi dahil sa air conditioner ng restaurant kundi dahil sa lamig ng titig ni Hiro sa akin. Expected ko naman ang galit nila...pero bakit parang iba naman ang pakikitungo sa akin ni Hiro? Bakit parang hindi na niya ako kilala?

"Take a sit, Miss Quintero." Seryosong sabi niya at minwestra ang upuan na nasa harapan niya. He looked away and get the menu.

"You're late. I really don't have time of meeting people right now, I'm leaving."

Napaawang ang labi ko nang ibaba niya ang menu. He took his coat and looked at me.

"P-pero Sir..." Angil ko agad at tumayo na rin. "M-may ipapapirma po ka--"

"And you're late, I won't accept and sign that because you wasted my time. I'm a busy person, Miss Quintero."

Napatingin ako sa secretary niya na umiling lang sa akin, wala rin ata siyang maitutulong.

"K-kahit saglit lang po--"

"No, I'll let your clothing line make my suit but that's all. I will not going to inve--"

Nataranta agad ako. Bakit? Dahil late ako? Alam ko namang mali pero...

"S-sir..." Mababang sabi ko at pumikit. This can't be...ano na lang ang sasabihin ni Ma'am kapag nalaman niyang hindi pumayag si Hiro? Paano ang investment? Paano ako?

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now