Chapter 29

393 12 2
                                    

"May naghahanap sa 'yo, Haina."

Sumilip ako sa labas at nakitang mga nakauniform na pang bodyguard ang tatlong lalaki na naroon. Nagtataka kong tiningnan ang kaklaseng nagsabi, nginuso niya ang mga tao sa labas.

Tinigil ko ang pag-aayos at nilabas ang tatlong lalaki. Tumingala ako at tiningnan silang tatlo, walang nagtangkang tumingin sa mga mata ko pero agad namang nagsalita ang isa.

"We're sorry for bothering, Miss Quintero but we would like to inform you that we want you to come with us."

Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ako sasama sa inyo?"

Nakatindig lang silang tatlo at parang kumakausap sa hangin dahil mga hindi man lang ako tinatapunan ng tingin!

"Utos lang po."

"Kidnapping ba 'to? Bakit naman kayo nagpapaalam?"

Narinig ko ang mahinang pagbuga ng hangin ng lalaki at tila'y hirap na hirap sa pagkausap sa akin. Ako rin naman sa kanya ah!

"This is not a kidnapping Miss Quintero--"

"Wala po akong panahon sa prank ngayon. Kung wala po kayong magawa sa buhay niyo ay huwag niyo po akong idamay."

He sighed. He was about to look at me but the other guy poked him.

"Hindi po talaga ito prank Miss Quintero."

Tumitig ako sa kanya habang nanliliit ang mga mata, tinitingnan kung seryoso ba sila. Mukha naman silang matitino pero baka naman kidnapper 'tong mga 'to! Pero sino ba namang matitinong mga kidnapper ang nagpapaalam?

"Sige nga kung hindi prank, pakausap nga ng boss niyo." Sinasakyan ang sinasabi niya.

Napakamot ito sa batok at may tinawagan. Napaawang ang labi ko. Talagang tinawagan niya? Hindi ba sila natatakot na baka isumbong ko sila sa police? Ang weird nila.

Inabot niya sa akin ang cellphone. Napatitig ako roon, nagtataka ngunit inabot ko rin at sinagot. Hindi ako nagsasalita habang nakatapat sa tenga ko ang cellphone.

"Hello, is this Haina Syria?"

Kumunot ang noo ko at pilit kinikilala ang boses pero hindi ko talaga makilala. Babae ang boses, wala naman akong inaasahang gustong makipagkita sa akin na mayaman! Sosyal nga at mga bodyguard pa ang sumundo sa akin.

"Oho, sino po sila?"

"This is Naih Saldivar, if you can still remember me I am the mother of Akihiro...sorry to disturb you hija, pero may kailangan lang tayong pag-usapan. Ako sana ang mismong susundo sa 'yo pero may nilakad ako saglit, I hope you don't mind being fetch by my guards. They are harmless, hija."

Napaawang ang labi ko. M-mommy ni Hiro? Anong kailangan niya sa akin? Ang tagal na mula noong nagkausap kami at sobrang ikling panahon lang 'yon!

Nakatulala ako habang nasa sasakyan, ipinagpaalam na rin ako ng mga bodyguards kay Ma'am Jas at nagulat ako nang pumayag ito!

"Wala naman po siguro akong kasalanan kay Ma'am Naih 'no?" Medyo kinakabahan kong tanong.

Tumawa ang isa sa mga lalaki kaya agad itong binatukan ng isa.

"Wala po Miss Quintero."

Napanguso ako. "Wala naman po siguro si Akihiro po roon 'no?"

"Hindi po siya roon nananatili po ngayon. Nakabukod po siya."

"Talaga?"

"Opo."

"Bakit? Nagpapaka-independent siya? Baka gusto nang mag-asawa, sa tingin niyo po?"

"Baka nga po--aray!" Binatukan naman ito ng isa.

"Huwag ngang kung ano-anong kinukwento niyo kay Miss Quintero." Seryosong sabi ng isa na ngayon lang nagsalita.

Nakarating kami sa bahay nila Ma'am Naih, kung tutuosin ay pwede siyang pangalanan na mansion. Sobrang laki, daig pa ang malacañang sa laki nito.

Pagpasok pa lang ay mga nakahilerang mga kasambahay ang sumalubong sa amin, mga nakayuko at hindi ko alam kung para saan eh ako lang naman ang pumasok! Nakakahiya.

"Magandang hapon, Senyorita."

"Huh?" Taka kong tanong sa bati nila sa akin. Senyorita raw? Bakit iba ang dating sa akin.

Nahihiya akong nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa living room ay naabutan ko si Ma'am Naih na nakatitig sa papel na hawak.

"Magandang hapon, Senyora. Andito na po si Miss Quintero."

"Hija!" Malakas na sigaw nito at nilapitan ako. Agad akong yumuko upang magbigay galang.

Hinawakan niya ang braso ko at pinapaupo sa upuan bago tumabi sa akin. Medyo kinakabahan ako pero alam ko namang mabait si Ma'am Naih kaya kampante akong walang masamang mangyayari.

"What do you want to eat hija? Or do you want coffee, tea or juice?"

Umiling ako. "A-ah ayos lang po. Bakit niyo nga po pala ako pinapunta rito?"

Tumikhim siya at umayos ng upo. Tiningnan ko ang hawak niyang papel kanina pero agad niya 'yong tinaob at ngumiti sa akin.

"Pasensiya ka na hija ha? Biglaan kasi at...sobrang kailangan mo itong malaman. This is for your sake and...I want you to know this first hand."

Kumunot ang noo ko pero nanatili pa rin akong nakatingin kay Ma'am Naih at handang makinig.

"Hija...have you heard about your grandparents from your mother's side?"

Umiling ako. Mula nang magkamulat kami ni Kiera ay walang nababanggit sa amin sina Tiyang.

She sighed heavily and looked at the paper she's holding. She closed her eyes quickly and handed me the paper, nanginginig pa ang mga kamay niya.

Napalunok ako at inabot ang papel, kahit nagtataka ay kinuha ko 'yon at binasa.

"Last will? Sino po si Antonio Rigar?"

Napasinghap siya at hinawakan ang kamay ko.

"S-siya ang lolo niyo, hija. Ama siya ng ina niyo. K-kung hindi nabanggit sa 'yo ng mga kumupkop sa inyo."

"Po?" Gulong-gulo kong tanong. Bakit parang...

Rigar? Lolo ko? Paanong...

"He's your grandfather. He left this last will to my late husband...I'm sorry, I just saw this yesterday and I am still processing everything. I'm still in shock, I didn't know that my husband has a secret..."

Nangilid ang luha niya at agad akong nagpanic. Pero hinigpitan ko na lamang ang pagkakahawak sa kamay niya.

"T-this must be shocking but...you and your twin was left to a married couple in La Isla Prinsesa by your grandfather..."

Nangilid ang luha ko. Sina Tiyang ba ang tinutukoy ni Ma'am? Sa kanila kami namulat.

"After he left you and your twin...y-your grandfather crashed into an accident, dead on arrival."

Nanginig ang mga labi ko. Lumuwang ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ma'am Naih kaya siya naman ang humigpit ang hawak sa akin.

"I-i'm sorry...if I figure it out late."

Wala akong imik habang ninanamnam ang sakit sa dibdib ko. I haven't felt this feeling before...is not as if I've seen my grandfather but hearing those revelation keeps my heart hurts.

"H-hija...you're my husband's daughter."

"W-what?"

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteDove le storie prendono vita. Scoprilo ora