Chapter 30

476 12 0
                                    

"Sigurado ka ba hija? Pag-isipan mo itong mabuti. Nakasalalay sa 'yo ang mga ari-arian ng lolo mo."

Tumango ako. "O-opo, I just need time..."

Niyakap niya ako. "Magsabi ka lang kung may gusto ka pang itanong. Please hija, don't pressure yourself...masyado ka pang bata."

Ngumiti ako ng pilit at nagpaalam na na aalis. I heard her sigh and she tapped my shoulder.

"I'm sorry for bursting, masyado ata kitang nabigla. Hindi ko na rin alam kasi kung paano sisimulan kanina hija. Pasensiya ka na."

Umiling ako. "It's fine po...una na p-po ako."

Nakapikit ako habang nakatitig sa kisame ng dormitory. Masyado akong nawindang sa nalaman.

Magkapatid kami ni Hiro.

Lolo ko si Antonio Rigar.

Anak kami ng ama ni Hiro.

Kung kapatid ko si Hiro...maling-mali ang pagkakagusto ko sa kanya! Tapos...hinalikan niya pa ako. Baka naman pati siya ay walang alam?

"Hija, nakalahad sa last will na dapat ay roon ka tumira sa bahay ng lolo mo."

"Dapat ding ikaw ang mamahala sa mga naiwan na ari-arian ng lolo mo. Walang pwedeng gumalaw n'on kung hindi ikaw."

Iyon ang sabi ni Tita Naih, as she insisted to me to call her again on that name.

Nakatulugan ko ang pag-iisip, kinabukasan ay buong araw lang akong nasa dorm.

Ngunit nang maghapon ay hindi ko na makayanan dahil sumasakit ang ulo ko. Kapag ganitong masakit ang ulo ko ay mas pinipili kong umalis kaysa tumambay sa dorm, kung may mangyari man sa akin sa labas ay may makakakita pero kung andito lang ako sa loob ay mamamatay akong mag-isa.

Napapikit ako at nakaramdam ng sakit sa ulo. Hindi ko alam kung dahil ba sa nalaman o dahil masakit lang talaga, kagabi pa ito.

Tumayo ako at tumungo sa kusina, kumuha ako ng gamot at uminom. Pero agad akong nasuka kaya naman agad akong nanlata. Umupo ako sa counter at kinuha ang cellphone. Tinawagan ko si Chandria.

"Hello?"

"C-chan...can you come over?" I just want to have someone to talk to. Gusto kong gisingin nila ako.

"Hey! Are you okay?"

Suminghap ako. "Can you come here?"

"Sure! I'll just call Sunshine, wait for us there okay?!" She ended the call.

Mabuti na lang at pasulpot-sulpot ang sakit ng ulo ko kaya nakarating ako sa malapit na café, tinext ko na lamang ang dalawa na rito ako kitain.

"What happened ba? You're pale!"

Napahawak ako sa labi ko bago marahang kinagat 'yon. Nakatitig sila sa akin at mga nag-aalala.

Suminghap ako. "I have something to share and I want you to wake me up...sobrang hindi makatotohanan." Mahina kong sabi.

Nagtataka nila akong tiningnan.

"What it is? Anak ka ng mafia?"

Binatukan ni Sunshine si Chandria.

I sighed, hindi ko magawang sumabay sa harutan nila.

"More than that...what is the name of Hiro's father?"

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now