Chapter 25

474 12 0
                                    

Simula noong nangyari sa graduation day ko ay para na akong nababaliw dahil tago ako nang tago huwag lamang makita ulit ni Hiro.

Kahit dito sa La Isla Prinsesa ay para akong tanga dahil kahit alam kong hindi naman na siguro rito magbabakasyon sina Hiro ay pilit pa rin akong napaparanoid. Kapag umaalis at gumagala kami ni Sunshine ay lagi akong napapatingin sa paligid.

"Hija? Ikaw ba 'yong anak ni Samantha Quintero?" Tanong ng ale nang minsan akong lumabas at mamili sa merkado.

Tumango ako at ngumiti nang tipid.

"Nabalitaan mo ba? Andito raw sa Isla ang mga taong naghahanap sa mga magulang mo. Ewan ko rin kung anong issue niyang mga magulang mo at hinahanap ng mga tycoon sa negosyo."

Napakunot noo ako. Hindi ko alam ang bagay na ito. Ang alam ko lang namatay sila noong mga bata pa kami ni Kierra. Iyon lang ang nakatatak sa utak ko dahil hindi naman kami kinukwentuhan nina Tiyang at Tiyong.

"Alam mo bang muntik nang ipakulong ang mga magulang niyo noon? Kaso sa kasamaang palad, namatay ang mga magulang ni--"

"S-salamat po." Sabi ko at agad umalis bitbit ang mga pinamili.

Napasinghap ako at pinilit pinapatahimik ang puso dahil sa sobrang lakas ng kabog. Ano raw? Totoo ba ang mga sinasabi niya?

Kung totoo man 'yon dapat kong itanong kina Tiyang...pero kaya ko ba ulit na humarap kina Tiyang? Sila ang dahilan nang paghihirap ko ngayon...kahit ba pinalaki nila kami ni Kierra ay tanim pa rin sa isipan ko ang mga pasakit nila sa akin.

Lakas loob akong bumyahe patungo kina Tiyang ngunit halos matumba ako sa kaharap kong tao nang sabihin niya ang balita.

"Patay na ang Tiyang mo, Haina hija." Ani ng matandang ale. "Nakulong naman ang Tiyong mo. Saan ka ba nanggaling, hija? Dios ko po, noong umalis ka ay sobrang gulo rito! May mga pumuntang mga hindi namin kilalang mga tao. Pilit pinapalabas sina Carlo at Sarah! Hindi namin alam kung ano ang gagawin dahil nagkakagulo't wala rin naman kaming maitulong sa dalawang 'yon."

Napasinghap ako at nangilid ang mga luha. Anong nangyari noong umalis ako? Dahil ba sa mga ginagawa nilang illegal o may iba pa? Bakit...

"Mukhang mga mamayaman ang nag-utos, santisima! Kinabukasan narinig na lamang namin ang balita na nagpakamatay ang Tiyang mo...hindi namin alam kung may pinagdadaanan bang problema o dahil may iba pang dahilan, hija, baka malagay rin sa peligro ang buhay mo. Sana'y hindi ka na gumawi sa baryong ito." Nag-aalalang sabi ng matanda.

Hindi pa kayang iproseso ng utak ko ang nalaman tapos malalaman kong delikado na ang buhay ko? Bakit? Madadamay ba ako dahil sa kanila ni Tiyang?

"Sige na," tinapik ako ng matanda sa balikat bago hinaplos 'yon. "Mag-iingat ka ha. Huwag ka agad magtitiwala sa mga tao. Lalo na't balita ring sikat na mga tao ang mga sumugod sa mga Tiyang mo. Masyado silang makapangyarihan para sa ating mga mahihirap. Mag-iingat ka lalo na sa Manila ka pa nag-aaral, anak. Dios mio, huwag ka sanang ilapit sa peligro. Kung may kasalanan man ang mga Tiyang at Tiyong mo ay sana'y hindi ka madamay."

Tulala ako habang nasa byahe. Hanggang sa makarating sa resort nila Chandria. Wala kasi sina Chandria dahil isang linggo raw silang magbabakasyon sa Spain, sinasama nga niya kami pero ayaw ko, mas gusto ko rito. Sobra na nga na pinatira niya kami rito sa resort nila ng libre tapos sasama pa kami sa Spain?

Sikat na mga tao? Artista? Negosyante? Ano ba talagang kasalanan nina Tiyang para magpakamatay siya at makulong si Tiyong? Masyado bang illegal at hindi niya nakayanan kaya nagpakamatay siya? Pero...bakit ako madadamay? Magdadalawang taon na akong wala sa puder nila mula nang mamatay si Ke. May nakakakilala ba sa akin? Kilala ba ako ng mga nagpakulong kay Tiyong?

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteWhere stories live. Discover now