Chapter 42

423 9 4
                                    

"Congratulations hija!" Tili ni Tita nang matapos ang graduation ceremony.

I smiled and hugged her. "Thank you so much, Tita."

She patted my back and rubbed it. "You deserve all the blessings you have, hija. Napakabait at sipag mong bata. Hindi pa rin ako makapaniwalang kaya mong pagsabayin ang pag-aaral at pagmanage ng negosyo ng Lolo mo. Keep it up, hija. Andito lang kami nina Kuya Akihiro mo at ni Brixx."

I nodded. Nangilid ang luha ko dahil natupad ko na rin ang isa sa mga pangarap namin ni Ke. Kapag nakapagtapos ako hindi ko alam kung kaya ko bang pagsabayin ang pagiging Model at pagmamanage ng company. That's our dream actually, but sadly Kiera left me...ako na lang ang magtutuloy. We dream of modelling some of big clothing line, 'yong kaming dalawa ang magkasama...

Naghanda si Tita Naih sa mansion at dahil nga rito na kami sa La Isla Prinsesa nananatili ay kokonti lang ang makakadalo...o iyon ang akala ko.

Kinalabit ako ni Sunshine na agad kong binalingan.

"Ang galante talaga ni Tita Naih 'no? Grabe, dinaig mo pa Prinsesa nito."

"Shh!" Saway ko dahil may mga nakatingin sa amin. Baka sabihin nagiging Marites(tsismosa) kami.

"At nakakaimbyerna dahil andito raw ang girlfriend ni Akihiro! Masakit ba?"

Kinurot ko ang braso niya. "Huwag ka nga'ng ganyan! Hayaan mo sila." Labas sa ilong kong sabi dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko ulit sila. Huling kita ko sa kanila ay 'yong bumisita bigla 'yong girlfriend ni Hiro rito sa mansion! Mansion ito ni Lolo at hindi siya welcome dito! Kapal ng mukha...

Napasimangot ako dahil sa naalala. Bahala nga sila! Basta ang akin lang huwag silang maglandian sa harapan ko dahil baka pag-untugin ko sila.

"I heard about this rumor that..." Nahinto si Sunshine sa pagsasalita at tiningnan ako ng seryoso. "The Tiangco's doing dirty again...like 'yong nabalita noon na hinabol nila si Samantha Rigar...that's your mother. Hindi ko alam kung anong pakulo na naman nila ngayon, knowing that old frog alam mong hindi titigil 'yon hangga't hindi napapabagsak ang Rigar Company. Alam mo namang kahit patay na ang lolo mo ay pumapangalawa pa rin ang Rigar sa industriyang ito, thanks to Akihiro, but...now that you have it ay tumutunog na naman ang pangalan nila. Just be careful okay? Even if you have Akihiro...hindi malabong umabante sila at magpakita ng motibo."

Natigilan ako. Naririnig ko rin ang balitang ito but I refused to give attention because I know they can't harm me...lalo na at andito si Hiro, I trust him so much. He also assure me that everything will be okay, as long as that rumored spread. Alam kong hindi ako pababayaan ni Hiro, lalo na ang kompanyang alam kong napamahal na sa kanya. Dalawang taon ko nang hawak ang kompanya at maayos ang naging takbo sa loob ng mga taon na iyon, dahil na rin sa tulong nila Tita at lalo na ni Hiro.

"My mother ran away because she's afraid she'll ruin a family..." Napasinghap ako. Tita Naih told me about my mother...they knew each other because they were friends before Tita Naih knew that my mom was impregnant by his husband. Malaking eskandalo 'yon because people know that Hiro and Brixx are my father's sons. Kahit ang totoo ay hindi, they didn't exposed that before because it's too scandalous and I don't think they'll expose it ever. Kung may balak man sila siguro karapatan na rin na i-eexpose ang sarili ni Hiro bilang CEO ng Riego Company. Lowkey lang ang negosyong iyon dahil na rin gusto ni Hiro, ayaw niya ngang malaman ng mga tao na anak siya ng nagmamay-ari n'on. Kung hindi lang dahil sa mabait niyang lola sa side ng ama niya ay hindi niya ihahandle nang palihim ang negosyo.

"Natatakot siyang malaman na buntis siya at ang ama ay ang pamilyadong tao."

Hinagod niya ang likod ko. "I-i'm sorry if I open this up again, Haina. Alam mo namang concern lang ako sa 'yo dahil nababaliw na naman ang mga Tiangco."

Dreamer (La Isla Prinsesa Series #1) CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon