Kinuha ko na ang wardrobe ko at pumunta ako ng bathroom para maligo. Hinubad ko na lahat ng saplot ko sa katawan at ini-on ko na agad ang shower.

Matapos kong maligo ay sinuot ko na ang wardrobe ko at ibinalot ko ang towel ko sa may ulo upang mabilis itong matuyo. 

Noong matuyo ako ay sinuot ko agad ang mga panloob kong kasuotan at school uniform pagkatapos ay sinuot ko rin agad ang medyas at sapatos ko. Nakapag-bihis na ako at nag-lagay na din ako ng morning skin-care routine ko saka lotion sa katawan.

Chineck ko ang bag ko kung kumpleto ba ang laman pagkatapos ay hinugot ko na ang phone ko sa pagkakasaksak pati ang mga powerbanks ko. Nilagay ko na din ang earphones ko sa bag. Naglagay na ako ng perfume sa katawan ko at isinukbit ang bag ko. 

6:45 AM

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko si Kuya na nagiintay sa akin.

"Ready ka na ba sa First Day of School mo? Panibagong journey na naman." nakangiting sabi sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Excited ako dahil panibagong chapter na naman ng buhay ko ang mauunlocked ko ngayong araw. Ikaw ba Kuya? Second year college ka na sa Engineering." nakangiting sagot ko kay Kuya Adrixennus.

"Nasaan nga pala sina Daddy at Kuya Adrixennon? Nauna na ba sila sa trabaho?" mausisa kong tanong kay Kuya Adrixennus.

"Ah, oo. Maaga silang umalis dahil marami raw silang aasikasuhin sa kumpanya." kalmadong sagot sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Tara na Kuya?" nakangiting aya ko sakaniya.

"Tara!" nakangiting sabi niya sa akin.

Tinawag na namin si Manong Ernesto para magpahatid kami sa school. Ipinasak ko ulit ang earphones ko sa phone ko at nagpatugtog ako ng mga SB19 playlists ko.

Nakaka-good vibes talaga ang mga kanta nila!

The best talaga ang SB19!

A'TIN lang malakas!

7:00 AM

Nakaidlip lang pala ako saglit pagkatapos ay malapit na kami sa school. Natanaw ko si Czheandrei at ang mga friends ko sa may gate na tila'y may inaantay silang dumating.

Bumaba na kami ni Kuya sa may mismong gate ng school pagkatapos ay kaagad akong sinalubong ng mga kaibigan ko.

"Grabe! SHS 12 na tayo girl, hindi pa rin ako makapaniwala na last year na natin sa Senior High School." nakangiting sabi sa akin ni Ysabel pagkatapos ay niyakap niya akong mahigpit.

"Ang bilis talaga ng panahon ng girl, mamaya-maya ay College na tayo no? Nakaka-excite!" nakangiting sagot ko kay Ysabel pagkatapos ay niyakap ko rin siyang mahigpit.

"Parang kailan lang noong graduation natin nung SHS 11 ah? Pasukan na naman." nakangiting sabi sa akin ni Chezka.

"Oo nga eh! Ang bilis ng bakasyon pero exciting naman dahil last year na natin sa Senior High. Konting push pa." nakangiting sagot ko kay Chezka.

"Tara na, pumasok na tayo sa loob?" nakangitig aya sa amin ni Nicole.

Nagsi-pasok na kaming lahat pagkatapos ay nakita namin ang mga Former SSG Officers pagkatapos ay nagkaroon kami ng mga little chit-chats.

Si Kuya Adrixennus naman ay sumama sa mga kaibigan sa building nila para sa orientation kaya napahiwalay na sila sa amin.

Pinapasok na kami sa gymnasium from SHS 11 to SHS 12 pagkatapos ay doon naganap ang aming school orientation.

Nag-umpisa kami sa isang panalangin pagkatapos ay nagkaroon ng mga speech ang mga mataas na nanunungkulan sa aming paaralan.

Nagkaroon na ng agenda ang mga tagapag-salita kaya naipahayag na nila kung ano ang mga rules and expectations sa aming school.

I'M INTO YOU SEASON 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz