Czheandrei: See you later, my girl.

Adrixeinna: What?! Anong kakornihan yan Czheandrei Jeya?

Czheandrei: You just call me by my first name, should I be flattered? 

Adrixeinna: Hindi, dapat mabaliw ka. 

Czheandrei: Sayo o sa kilig?

Adrixeinna: Magtigil ka nga!

Czheandrei: Paano kung ayoko?

Adrixeinna: Edi don't!

Czheandrei: Kiss muna <333

Adrixeinna: Hays CJ! Sumasakit ang ulo ko sayo!

Czheandrei: Hindi naman sasaktan ang puso mo <333

Adrixeinna: Bahala ka nga diyan! Just message me kapag susunduin mo na ako.

Czheandrei: Huwag ka nang masyadong magpaganda para sa akin ah? Hindi naman na ako titingin sa iba eh.

Adrixeinna: Loko HAHAHAHAHA!

Czheandrei: Uy kalmahan mo lang, magiging happy pill mo na kaagad ako niyan. 

Adrixeinna: Bye!

Adrixeinna Marie Victoria logged out.

7:54 AM

Naghanda na ako para sa pagkikita namin ni Czheandrei.

Nagmamadali na akong pumili ng damit at pang-sapin sa paa para makapag-ayos na agad ako ng mabilis na oras.

Naligo na kaagad ako at nagbihis ng mga outfit ko today.

Bet ko talaga mga plain shirts at minimalist lang ang design! Kabog ang mga datingan!

Nakaka-expensive ha!

Nagsuot ako ng isang white shirt na may black minimalist design pagkatapos ay isang black denim shorts.

Nagsuot din ako ng black denim jacket pagkatapos ay sinuot ko ang white sneakers ko.

Naglagay na din ako ng morning skin-care routine para naman maging presentable ang mukha ko sa mga tao.

Naglagay din ako ng perfume ko para maging kaaya-aya ang aking amoy.

Inihanda ko na lahat ng importanteng gamit na dadalhin ko mamaya.

Sa wakas, ready na akong umalis for today!

Muntik na akong mahaggard dahil sa pagmamadali ko ano? Anong oras na kaya?

Nakakahiya naman sakaniya kung male-late pa ako sa preparation.

Kinatok na ako ni Mommy at naghihintay raw sa labas si CJ para sunduin ako.

Tinitigan niya ako at nagkaroon kami ng eye contact.

"Bakit?" naiilang na tanong ko sakaniya.

"Ang ganda mo!" nakangiting compliment niya sa akin.

"Salamat. Ikaw din, you look good today!" nakangiting compliment ko rin sakaniya.

"Tara na?" nakangiting lahad niya ng kamay sa akin.

Inabot ko naman ang kamay at nag-holding hands kami papalabas ng bahay.

"Hindi ka ba nahihiya sa tuwing hawak-hawak mo ang kamay ko?" naiilang kong tanong sakaniya habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep para makapag-commute kaming dalawa.

"Bakit ako mahihiya? Hawak ko lang naman ang kamay ng pinaka-magandang babae sa mga mata ko." nakangiting sagot niya sa akin at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa akin pero hindi sa paraang masasaktan ako dahil punong-puno pa rin ito ng pagiingat niya sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Onde histórias criam vida. Descubra agora