Nakita nyang gising na ang dalaga.

"Yassi how do you feel? Thanks God gising ka na."

"Okay lang Sir Sandro. Masakit lang ang ulo ko saka katawan." mahinang sagot ng dalaga.

"What did the doctor say?" kay Simon tumingin si Sandro nang itanong yun.

"She just need to rest. Her MRI, CT-scans and x-rays showed good results."

Tumango tango si Sandro.

"Get well soon Yassi. I already informed your family about your accident. Tomorrow nandito na sila."

"Salamat Sir Sandro."

Nasa ganoon silang tagpo nang biglang pumasok si Marianna.

"Oh at gising na pala ang atribida na nagdrama kagabi. I wonder how you able to escape that kind of accident. I believe talaga na kapag masamang damo matagal mamatay." nanlilisik ang mga mata nitong sabi.

"Shut up Yanna!" pigil ni Simon.

"Take her away Si!" galit na utos ni Sandro sa kapatid.

Walang nagawa si Simon kundi ilabas ang nagwawalang babae.

Tumulo ang mga luha ni Yassi.

Nag-alala si Sandro.

"Shhhh... Don't take her seriously. Tahan na."

Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ng dalaga. Matapos syang maaksidente makakarinig pa sya ng masasamang salita.

Sandro wiped her tears.

Bumuntong-hininga ang binata.

Niyakap ni Sandro si Yassi upang palubagin ang loob nito. Sa bisig ni Sandro ay inilabas ng dalaga ang lahat ng sakit ng loob na nararamdaman.

Papasok na sana sa silid ni Yassi si Simon ngunit natigilan sya sa nakita.

Yassi is crying and his brother is comforting her. Nakasandal si Yassi sa dibdib ng kanyang kuya habang ito naman ay nakayakap sa dalaga.

Napaatras sya at di na itinuloy ang pagpasok. Dahan dahan na lamang nyang isinara ang pinto. Kumikirot ang kanyang puso sa nakita.

He got a call from his mom saying na sumasakit ang tiyan ni Marianna. Nasa E.R. daw ito ng hospital.

Napalatak ang binata.

Sinamahan na nga nya ito sa parking lot para umuwi na ito sa kanyang condo. Bumalik din pala sa loob ng hospital. Idinahilan pa ang pagsakit ng tiyan nito.

Nakuyom nya ang mga kamao nya sa sobrang pagpipigil ng emosyon.

Paano nya mababantayan si Yassi kung may umaagaw ng atensyon nya?

Bakit hindi sya masaya na magiging ama na sya?

It was one of his dreams na bago sumapit ang 28th birthday nya sana magkaroon na sya ng anak. Ayaw nyang tumulad sa kanyang ama na edad 35 na ito nagkaroon ng panganay.

Bakit hindi sya masaya?

Dahil ba hindi ang pangarap nyang babae ang ina ng magiging anak nya?

Bumukas ang pinto ng silid ni Yassi. Sabay napatingin sina Sandro at Yassi roon.

"Mom! Dad!"

Lumapit ang dalawang matandang Marcos sa kinaroroonan ni Yassi.

"Kumusta ka hija?" tanong ni Don Fernan.

"Mabuti naman po." mahinang sagot ng dalaga.

Bumuntong-hininga si Donya Luisa. Ginagap nito ang kamay ni Yassi.

Silent PainWhere stories live. Discover now