Special Chapter 1

5.4K 73 7
                                    

SPECIAL CHAPTER

NICHOLAS' POV

Kabado ako, sana wag niya ako takbuhan. Kabadong kabado talaga ako.

Sa ngayon, hindi sa simbahan isang garden wedding napili ni Hazel at sa may tapat pa ng magandang view.

Kahit sa lahat ng paraan papakasalan ko siya.

And now, she's walking kasama ang papa niya. She's wearing her mother's wedding dress. Napaka ganda niya, napaka ganda niya.

Nang lalabo na nga ang mga mata ko, pinipigilan ko lang ang luha ko na wag tumulo. She's stunning.

Nang makarating na siya dito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na wag umiyak. Narinig ko naman ang mga tao na natotouch sa reaction ko.

Hindi na secret wedding, sa harap na ng maraming tao.

Tinignan ko naman at napaka saya niya din. Humarap na kami kay father at binless niya muna kami at nag tanong sa mga tao.

"Bago simulan, meron bang gustong tumutol sa pag iibigan ng dalawang ito." Napaharap ako sa mga tao ay isang tumayo kaya nanlaki ang mga mata ko.

It's Mark.

"Wala!" Tinaas pa niya ang watergun na may kulang blue at red. Nag tawanan naman ang mga tao dahil dun kami din dawala. Nang umupo na si Mark ay nag simula na si Father sa aming kasal.

Tinanong niya kami ng mga tanong hangang sa dumating na ang momento na mag papalitan na kami ng mga pangako sa isa't isa. Habang sinusuot ang aming sing sing, amg pamangkin naman ni Hazel ang nag dala nito sa amin.

Si Hazel muna ang nag salita habang sinusuot ang singsing sa kamay ko.

"Pinapangako ko na magiging tapat mabuti at mapag mahal mong asawa sa habang buhay, nangangako din ako na ako ang magiging gabay mo sa kadiliman isang nakakainit na kaginhawahan sa lamig at isang balikat na nasasandalan mo. Nanngangako ako na mamahalin kita habang buhay mahal kita." Ngumiti ako sa sinabi niya sa akin at huminga ng malalim bago ko sinulan ang sa akin.

"Hazel, pinapangako ko na mamahalin kita habang buhay at aalagan kita higit pa sa buhay ko. Ikaw ang buhay ko. Magiging tapat akong asawa mo, at hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit o ikakatampo mo."

Nginitian naman niya ako, halos 6 months din bago mangyari ang pinaka masayang araw na ito.

"You may now, kiss the bride."

Kinuha ko ang kaniyang bewang para lumapit siya sa akin at hinalikan ko siya ng napaka lambot.

"Hazel Lazaro." Bulong ko sakaniya at niyakap siya pag tapos ng halik namin.

"Sabi ni Papa, pangarap daw niya ako mahatid habang kinakasal sa maraming tao." Sabi sa akin ni Hazel habang inaayos niya ng higa ang mahimbing na natutulog na si Adam.

"Really? Wish come true." Narinig ko naman ang pag tawa niya at humarap siya sa akin.

"Pangarap ko din yun." Anas niya at nilapitan na ako. "Tara na ulit dun?" Aya niya sa akin at hinila ako paalis.

"Hindi padin ako makapaniwala na nangyari na ang lahat ng ito." Tumigil siya saglit at binigyan ako ng mapang asar na tingin.

"May mangyayari pa mamaya." Kindatan niya ako at hinila na ako papunta dun ulit.

Nag sasayawan na ang lahat, ang iba naman ay nag kakainan, nag uusapan mayamaya lang ay kaming dalawa ni Hazel ang sasayaw.

Nang makarating ulit kami ay sinalubong na ako ng iba kong kaybigan para mag congrats sa akin.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now