15

6.5K 139 20
                                    

Kasama nya ako, December na ngayon at nasa TV siya para ipromote ang kanilang gaganapin na movie. Marami nga ang na nasayahan dahil sa movie trailer can't wait daw!

Kaya nandito ako sa backstage nakikipag kwentuhan sa ibang staff habang nag interview sila dun sa labas.

"Kaya nga besh! Hindi ko rin type ang ugali nyang si Miss Brianna, aba. Nung hindi ko lang makita ang script nya saglit nanigaw na agad! Kesyo boba daw ako at walang silbi." Reklamo naman naman ni Erica, she is gay, and napaka friendly nya. Ang dati nya raw pangalan ay Eric so ayaw naman daw nya malayo yung binigay na pangalan mga magulang nya kaya Erica daw. Ayun din kasi ang ipapangalandaw sakaniya nung pinag bubutis palang sya ng mama nya. Kung babae daw, kapag lalaki Eric.

"True! Tas yung nasa photo shoot nga sila keme keme! Aba sis! 7 palang tapos na yun." Napa isip naman ako dahil 8 sakto simula nung runaway.

"Napaka pick me pa nyan gurl, lalo na kay Nicholas, mag pasalamat nalang sya at marunong umarta at sya naging ka partner ni Mr Nicholas."

"Ay mas bagay pa nga ang P.A ni Mr Nicholas kesa sa babaeng yun."

"Huy, ano ba baka may makarinig sainyo, matanggalan pa kayo ng trabaho." Awat ko sakanila.

"Wala kaming pakielam sis, marinig nila ang dapat marinig." Nag apir naman ang dalawa.

Nang natapos ang interview ay nasa backstage na si Nicholas at kasama ko, pinupunasan ko ang pawis nya kesa naman iba ang gumawa at P.A nya ako ano.

"I'm so tired." Bulong niya at tapos na akong mag punas ng pawis niya. Inilagay ko sa basurahan ang mga tissue.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ko.

"No, ikaw ang umuwi. May pupuntahan pa akong celebration." Napatango ako.

"Nicholas!" Masayang tawag ng director.

"Yeah?"

"Are you ready? Isama mo si Hazel." At hinawakan ng direktor ang balikat ko, napatingin si Nicholas dun at hinawi ang kamay ng direktor sa balikat ko.

"Yes, isasama ko." Ang sabi niya at muling tumingin sa salamin.

"See ya!" Agad naman itong umalis at sinara ang pinto.

Tumayo si Nicholas at pinaupo ako sa inuupuan nya. "Stay here, babalikan kita dyan." Umalis siya at kinuha ko naman ang make up ko sa bag ko.

Mabuti at nakapag ayos ayos ako ng suot ngayon kaya nag nag apply uli ako ng make up sa mukha ko at inayos ang aking buhok. 20 mins na ang lumipas at wala padin sya, baka iniwan na nya ako.

Bumaksak ang balikat ko at nag laro nalang sa upuan dahil umiikot ito kaya pinaikot ikot ko nalang. Bigla may nag patigil at pag mulat ko ng mata ko ay si Nicholas, Pinatigil niya ang upuan. Naka lagay ang dalawa nyang kamay sa mag kabilang gilid kaya para tuloy naka patong sya sakin.

Nang tumigil ay tumayo sya ng ayos.

"Let's go, pinapairal mo yang kaisip bata mo." Agad naman ako tumayo, nahilo pa nga ako pero nag panggap nalang ako na hindi.

Nakasunod lang ako kay Nicholas at may nakabunguan akong lalaki, matangkad kaya nauntog ako sa dibdib nya.

"Sorry sorry!" Agad ko naman pag hihingi ng patawad at napahawak sa noo.

"Ayos ka lang ba?"

"Anong nangyari?" Tanong ni Nicholas.

"Nauntog po sya sakin."

"Ayos lang ako." Nag thumbs up nalang ako dahil dun, naka hinga ako ng maluwag nung nasa sasakyan na kaming dalawa.

Nakakahiya naman yun.

"Nag pa hilo ka pa kasi e." Para bang reklamo nya sakin kaya napairap nalang ako.

At dumating na nga ang paskuhan, si Gio at Anna ay bumalik ng Australia para dun mag pasko kasama pamilya nila, habang ako ay kasama mag pasko sila mama, syempre kasama ko din si Nicholas papunta punta din ako sa mga magulang nya.

Malapit na mag new year, nanatili nalang ako sa bahay dahil sobrang boring, ayaw manlang ako kausapin ng lalaking ito, boring ng pasko ko aba.

Ayoko din panoodin ang movie nya dahil masasaktan lang ako oo. Ang kulit din nung Brianna at niyaya si Nicholas na mag spend ng new year with her, asa sya!

"Gusto mo bang pumasyal pasyal?" Nagulat ako nung bigla nya akong tanungin, ako naman ay agad na tumango.

Pumunta kami sa hindi mataong lugar, kinakabahan ako kasi baka may makakita nanaman saming dalawa. Ako na ulit ang nag order at nasa 3rd floor kami ng restaurant kaya wala masyadong tao dito.

Nakuha kona ang order namin at tsaka kumain. Habang kumakain ay nag tanong na ulit sya.

"May gusto ka pa bang puntahan?" Tanong nanaman nya.

"Ah, baka may makakita satin." Ang sabi ko at sabay subo ng pagkain.

"12 na, imposible." Pumayag nalang ako, ewan ko ba pero parang iba sya ngayon. Nag kwentuhan kami sa mga bagay bagay. Tungkol sa showbiz nya ganern.

Pero pinigilan ko ang sarili ko na mag sabi about sa past namin kahit gustong gusto ko na talaga, pero baka sumakit ang ulo nya natatakot ako...

Habang nag sasalita sya ay hindi ko maiwasang mamangha sa kagwapuhan nya, sa boses nya.

Mabait naman talaga sya, pero hindi ko alam kung ano na ang nangyari bakit sya nag ka ganyan. Alam kong mabait padin sya. Pero napapaisip ako, paano kung naalala pa nya ako. Ganito padin ba ang trato nya sakin, baka mahal na din nya ako.

Nasa 7/11 kami ngayon at hindi nag tanggal si Nicholas ng shades nya at jacket, ako din ay naka jacket dahil malamig. Bumili kami ng ice cream at kinain ito sa sea side. 2 na ng umaga at nandito padin kaming dalawa.

I lay may head on his shoulder, akala ko ay mag rereklamo sya pero wala syang sinabing isang salita. Nagulat nalang ako nung isandal din nya ang kaniyang ulo sa ulo ko. Hindi ako naka galaw, kahit malamih ang panahon, ang tanging nararamdaman ko lang ay init.

Gusto kong sabihin ang salitang mahal kita, pero natatakot ako sa magiging resulta, baka mamaya ay alisin nya ang pag kaka sandal ng ulo ko sa balikat nya.

"Mahal kita."

Ang tanging narinig ko lang ay pag buntong hininga nya, hindi niya inalis ang pag kakasandal ko sakanya at ang pag kakasandal ng ulo nya sakin.

Nagising ako ng umaga na yun na naka unan sa balikat nya at mag katabing natutulog sa upuan, inalis ko nalang ang sarili ko sa pag kaka unan sakanya dahil natatakot ako sa magiging resulta at baka magalit pa sya sakin pag sya una nakakita.

Natapos ang new year, February na, hindi ko maintindihan, hindi tumatanggap ng mga projects si Nicholas, sa march na din ang birthday nya at malapit na din. Baka hindi sya dito mag birthday. Baka sa mga kaybigan ulit nya at naiintindihan ko naman.

May bigla namang tumawag sakin. Agad ko naman sinagot yun dahil si Gio pala.

"Hazel, pwede ka bang makausap?"

"Kausap mo na nga e."

"No, I mean sa personal, ngayon?"

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now