28

6K 115 6
                                    

Hindi tumigil si Nicholas, iniiwasan ko siya, para saan pa ang mga paliwanag niya kung hindi na ako babalik sakaniya. Waste of time.

Habang nag aayos ng mga tela ay tumunog ang bell na hudyat na may costumer na dumating. Agad nag laho ang aking ngiti nang si Brianna ang dumating kasama na naman niya si Nicholas.

Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng masayang ngiti, hindi ako bumaling kay Nicholas.

"Kasama ko ulit si Nicholas, nag kita kami dyan lang kaya nag pahatid ako." Paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong.

Dating gawi, sinamahan ko ulit siya na mamili ng mga damit para sakaniya, hindi ko naman maiwasan na bumaling kay Nicholas ng tingin. Nakatingin siya sakin at pinapanood ang galaw ko. Nag iwas ako ng tingin at nag iwas sakaniya ng tingin.

Nang matapos siya ay nauna siyang umalis kesa kay Nicholas, tinawag ko si Nicholas, para siyang nabuhayan dahil tinawag ko ang kaniyang pangalan.

"W-what?" Tanong niya, ang sabi ko ay sa Cafe kami mag usap, para naman may privacy nga kaming dalawa.

May ibibigay ako sakaniya, importante ito.

Hindi ko ginalaw ang order niya saming dalawa at tinitigan lang siya, may mga taong nag titinginan saming dalawa ngunit hindi niya yun binigyan ng pansin.

Kinuha ko sa bag ko ang mahalagang bagay na yun at inabot ko sakaniya, nag abot din ako sakaniya ng ballpen.

Kinuha niya ang papel at binasa ito, ang mga ngiting nasa labi niya kanina ay bigla nalang nawala, agad nag bago ang kaniyang ekspresyon dahil lang sa isang papel na binigay ko.

"Ito ulit?" Dismaya niyang tanong.

"Pirmahan mo na, please." Pag mamakaawa ko, napatingin ako sa mga mata niya, halata ang lungkot pero hindi ko na yun inisip pa.

Umiling siya sakin at binigay ang papel at ballpen. "Nicholas, please. Hayaan na natin ang isa't isa. Hindi ko alam ang buong plano mo, please sign." Hindi siya sumagot at iniba ang topic namin.

"M-masarap yung chocolate c-cake nila dito." Bumaksak ang aking balikat.

"Nicholas, pirmahan mo na."

"Gusto mo ba mag take out? Punta tayo sa park pag tapos nito." Natigil ako. Ayaw niya mag patalo, kaylangan na niyang pirmahan ito. Ayoko na sakaniya.

"Nicholas, please. Hayaan mo na ako, hayaan mo na akong mabuhay mag isa. Sa ibang babae mo nalang ilaan lahat ng effort na ginagawa mo ngayon, kasi wala nang kwenta para sakin yan..." Napa patong ang kaniyang dalawang siko sa lamesa at sinalo naman ng kaniyang dalawang palad ang kaniyang mukha.

No, wag kang maawa Hazel.

"N-no, I love you." Iyak niyang sabi, namilog ang mga mata ko dahil dun, sa unang pag kakataon ay nakita ko siyang umiyak.

"I-i don't love you anymore." Ang sagot ko.

"How about our past---"

"Hindi na tayo bata Nicholas, tumigil kana, tigilan mo na ako." Kinapa niya ang tissue upang punasan ang luha niya.

Habang naka yuko siya ay pinag mamasdan ko lang siya, naririnig ko ang maliliit niyang pag hikbi, dahil sakin yun.

Hindi dapat ako maawa sakaniya. Kaylangan na niya akong tigilan para hindi na siya ulit umiyak sa harap ko.

Nang makapag punas siya ay bumungad sakin ang namumula niyang ilong, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, hindi ko dapat ito maramdaman ngayon. Hindi dapata ko maawa sakaniya.

Tinago ko nalang ulit ang papel at ballpen sa bag ko. Sininakbit ko na ulit sa aking balikat.

"Aalis na ako."

"Hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo---" Tumayo ako bigla at umalis sa harap niya.

Bakit siya ganyan, mahal ba talaga niya ako kaya hinahabol habol niya ako ngayon, o baka dahil sa kumpanya lang nila kaya ganito.

Habang nag iintay ng taxi ay hindi ko na din mapigilang umiyak, ayoko na mag pakatanga ng dalawang beses, kahit nilalamon na ako ng aking konsesnsya, kaylangan ko tatagan ang loob ko para hindi mahulog kay Nicholas ulit.

Napag pasyahan ko na mag lakad nalang, punas lang ako ng punas ng aking luha, sana ay tumigil na ito. Ayoko na makaramdam ng ganito ulit,  ano bang meron, bakit siya dumating. Ginugulo na naman niya ang puso at isip ko.

Nang makapunta sa shop ay dali dali akong pumasok sa CR at dun binuhos lahat ng aking iyak, tuwing naalala ko ang pag hikbi ni Nicholas ay naiiyak lang ako at sumisikip ang akinh dibdib.

Nang makalabas ako ay nakita ko si Adam dito at agad naman niya akong niyakap.

Kakatapos lang siguro niya sa kaniyang tutor ngayong araw at dumiretsyo siya ng yaya niya dito.

"Oh, how's your day?" Masaya kong tanong sakaniya.

Kinwento niya sakin ang mga tinuro ng kaniyang teacher sakaniya, marunong na daw siya mag spelling at kaya na talagang mag basa ng mahahabang english words.

Mabilis naman daw matuto si Adam at gusto talaga niyang matuto, kaya hindi mahirap para sa tutor niya.

Gabi na, hindi ako pinapatulog ng kunsensya ko, hating gabi na at nandito ako sa balcony namin habang iniisip ang lalaking yun. Ano kayang ginagawa niya.

Naalala ko nanaman ang maliliit niyang hikbi kanina, nakukunsensya talaga ako pero sa ikakabuti din naman naming dalawa ang annulment.

Linggo ang lumipas, panay padala lang si Nicholas ng kung ano ano sakin, hindi niya alam na bawat padala niya sakin ng bulaklak ay tinatapon ko lang ito, at may pa letter pa siya.

"Mahal na mahal kita Hazel Lazaro, have a great day my love."

Sa isang bulaklak naman ay:

"Wag mong isipin ang nararamdaman ko, pag-hihirapan kong mapunta ka ulit sakin."

Muli kong tinapon sa basurahan at nag focus sa mga bumibili, good thing hindi siya nag papakita sakin ngayon kaya mas maganda oo! Pero at the same time parang disappointed ako.

Nakailang buntong hininga na ako, si Adam lang ang nag papagaan ng aking loob, sa tuwing pag mamasdan ko si Adam ay nakikita ko sakaniya ang batang Nicholas.

Ano pa ba ang mga paraan para maitago ko si Adam mula sakaniya.

Hay nako, maging masaya nalang siya, ayan naman ang gusto niya dati pa e, ang mawala ako, ngayon ay habol siya ng habol sakin. Kung mas maaga niyang inayos, edi sana isang buong pamilya na kami.





A/N

Hello, po add or visit my fb account for more updates po! Eugene Nagaaralngmabuti.

Sensya na sa fb name hahahaha thank u.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now