7

6.8K 156 19
                                    

CHAPTER 7

And there's Gio, sending some text again.

Mr. Dominus:
Good morning Hazel. It's been week, busy ka pa din ba?

Oonga, hindi na ako nakasama sakanilang dalawa ni Anna, Pakiramdam ko ay napaka sama ko ng tao.

Tinignan ko ang schedule ni Nicholas sa cellphone ko at wala naman pala silang taping ngayon. Huminga ako ng malalim at nag reply na kay Gio.

Hazel Herganda:
Available na ako ngayon. Saan ba tayo?

Ang hirap pala talagang maging P.A simula nung gabi na katok siya ng katok sa pinto ko ay wala na kaming pansinan na dalawa. Kakausapin niya lang ako kapag may kaylangan siya or ipapagawa. Kakausapin niya lang ako kapag uuwi na kaming dalawa.

Masyadong issue ang mga tao ngayon, lahat nalang pinapansin dahil nga ay sa kotse ako sumasakay ni Nicholas, pero madali niyang nagawa ng paraan at nag paliwanag agad sa media na wala lang yun at nagiging mabuting tao lang siya. Hindi yun yung sinabe niya pero parang ganon yung sinabe niya.

Mr. Dominus
sa ano! tabi tabi lang ano sasama ka?

Hazel Herganda
Oo! Wala ako magawa sa bahay e

Mr. Diminus
o.m.y! I mean kami ni anna on we way charot! hahahahahaha

Siraulong lalaki. Tumayo ako sa kama ko at agad na pumunta na sa kwarto para mag handa. Ilang minuto din ako sa CR, pinatuyo ko ang buhok ko at inayos ito. Syempre nag damit din ako ano ba.

Bumaba ako sa hagdan habang inaayos ang manggas ng damit ko.

Nung naka baba na ako at papunta na sa may pinto ay nag salita ang bunggok na ito. Sino pa ba edi si Nicholas.

"And where are you going?" Masungit na tanong niya kaya humarap ako sakaniya. Hay nako nakalimutan ko mag paalam sa boss.

"Sa tabi tabi lang."

Tinignan niya lang ako, naka sando lang siya kaya kitang kita ko ang kaniyang braso, maskulado kasi ang kaniyang katawan. Hindi naman yung maskulado na maskulado, tama lang.

"Tabi tabi means boys." Napahampas ako ng mahina sa noo ko dahil dun.

"Sabihin mo lang sa akin kung nag seselos ka. Selos means mahal mo ako." Kumunot ang kaniyang noo. Humigop siya ng kung ano man iniinom niya bago sumagot.

"Nag aalala lang ako sa career mo, i mean sa mama mo. Kapag nag ka anak siya ng isang cheater." Ngumisi ako dahil dun.

"Hindi naman babaksak ang career ng pamilya ko, kasi hindi ako mag c-cheat, tsaka secret lang naman itong kasal natin. Even your cousins doesn't know me." Ngising paliwanag ko sakaniya. Nag iwas siya ng tingin sa akin.

"Just go! Ang dami dami mo pa sinasabe dyan. Pumunta ka na sa pupuntahan mo." Masungit niyang sabi. Tumalikod nalang ako.

Gusto niya ba ako, bakit siya nag iisip ng mga ganyan kung hindi niya ako mahal. Napa iling ako, mahirap kumpirmahin na gusto niya talaga ako. Madaming pumapasok sa utak ko na baka hindi talaga, baka may mga rason siya kung bakit—

Natigil ako sa pag iisip nung may bigla nag text sa akin,  nandito na din kasi ako sa daan, hihintayin ko sila Anna.

Mr. Dominus
Hoy!!!! Anna this! Nandyan na us ni Gio, wow ah kita ko text ni Gio

Hazel Herganda
Chismosa talaga!!

Mr Dominus
Hazel Herganda HAHAHAHAHAHAHAHAHA

Pakiramdam ko naririnig ko ang mga tawa ni Anna dahil sa text niya sa akin. Wala. Pang limang minuto ay nakikita ko na ang pulang kotse ni Gio. Yung mga kasabay ko mag lakad sa daan ay napapatingin sa napaka garang sasakyan ni Gio. Nakakaagaw talaga ng pansin. Tumigil sa tapat ko ang kotse niya at kusang bumukas ang bintana nito.

Nakita ko si Anna mula sa backseat. Sinabe na niya ang dahilan kung bakit ayaw niya katabi si Gio sa passenger. Basta ayaw niya lang katabi dahil naiinis siya sa mukha ni Gio.

Tumabi ako kay Anna sa backseat.

"Wow, saan po tayo mga ma'am?" Pabirong tanong samin ni Gio.

Napunta kami sa isang magarang kainan. Syempre, sagot nanaman ni Gio kahit nag sabi na kami ni Anna na hati hati kami sa babayadan namin sa mga nakain namin.

Ang kaso ayaw pumayag ni Gio.

"Parang third wheel ako dito ah, ako na nahiya." Natatawa niyang sabi. Mahina kong sinangi ang kaniyang paa sa ilalim ng lamesa dahil dun. Si Anna lang kasi ang nakakaalam sa relasyon namin ni Nicholas. Bukod sa pamilya namin.

Nahuli niya kasi akong kausap si Nicholas sa cellphone, yung araw kasi na yun ay inaaway ako ni Nicholas nun sa cellphone. Tapos narinig niya yung boses ni Nicholas sa cellphone syempre may taglay siyang kachismosa. Tas hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya nakikinig.

"Wag ka makinig kay Anna, matagal mo na siyang hindi nakikita. Kung ano ano na lumalabas sa bibig." Ngiting paliwanag ko.

Mag sasalita sana si Gio pero tinawag siya ng isa sa mga waitress ng kinakainan namin ngayon. Pinapatawag daw siya ng manager. Gusto daw makipag meet kung pwede kaya pumayag na din itong si Gio.

"Ano ba Anna, wag mo ako iano dyan kay Gio. May asawa na ako." Sabi ko sakaniya at tanging sagot niya ay tawa. Hindi kasi ako pinapasuot ni Nicholas nung singsing namin.

"Asawa pa ba yun? Ang asawa dapat mahal ka. Inaalagaan ka. Ikaw lang nag mamahal e! Kaya kung ako sayo mag hiwalay na." Hindi ako sumagot at nag iwas ng tingin. Minsan ay iniisip ko na mahal ako ni Nicholas dahil sa minsan na mga ginagawa niya sa akin katulad ng pag luluto. Pero agad namang nababawi dahil nasasaktan din ako sa mga sinasabe niya.

Pero mahal ko siya, hindi ko siya mabitawan. Ang hirap diba, pero nag mahal ako sis.

"Hey. I'm back." Masigla na bati sa amin ni Gio mula sa likod kaya parehas kami napatingin sa likod.

"Malapit na yung order." Sabi ni Gio habang papunta na sa upuan niya.

"Ano pinag usapan niyo nung manager?" Tanong ni Anna, hay nako. May taglay talagang kachimosa.

"Wala, nag offer lang siya sa akin. Malaking tao pala ang may ari ng nito, ang yaman. Kung gusto ko ba daw na maging model para sa photo shoot dun sa kainan nila sa ibang bansa." Parehas nanliwanag ang mga mata namin ni Anna dahil dun.

"Talaga?"

"Oo."

"Pumayag ka ba?" Tanong ko naman.

"Pag iisipan ko pa, sa ibang bansa kasi gaganapin yung photo shoot na yun. Mag isip pa daw ako kasi matagal pa din naman gaganapin. Binigyan niya ako ng calling card if ever na tanggapin ko yung offer." Paliwanag niya ulit.

"Wow, iba talaga kapag sikat." Komento ni Anna.

"Well, i think next 5 months pa yun or more. Sinabihan niya lang ako dahil nandito na ako at baka hindi na makita ulit." Natatawang sabi ni Gio. Ang yaman na ni Gio at sikat pa. Tama nga si Anna. Iba talaga kapag sikat. Lalo na si Nicholas. Kinakabahan tuloy ako at malulunod na ako sa sandamakmak niyang schedule. Pero kakayanin ko naman kung si Nicholas ba e.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now