2

9.4K 173 109
                                    

CHAPTER 2

Sinundo ako ni Anna, nag lakad pa kami palabas ng village. Mag taxi nalang daw kami papunta sa karera keme nung pinsan niya.

"Ano ba, magaling kaya pinsan ko. Sa ibang bansa sis! Tapos 7 months na siya nandito. Hindi mo siguro nakita. Nasa Billboard siya dati!" Napag-isip ako. Hindi ko naman kasi tinitignan ang Billboard keme keme na yan.

"Aba, malay koba!"

Nandito na kami, hinila niya ako papunta kung saan nandoon si pinsan niya.

Pinsan niya na hindi pa sinasabi kung anong pangalan.

"Gio, malapit na mag simula." Sabi naman nung lalaki na sumilip saglit sa pinto at agad din namang umalis.

Hinila naman ako palabas ni Anna, at pumwesto na kami. Napa tingin ako sa napaka daming tao na nag hihintay din siguro kay Gio o sa ibang kalaban nung Gio.

"Masaya to." Sabi ni Anna.

Naka panood na din naman ako ng mga karera, sa tv oo at pakiramdam ko ang boring. Nandito na ako. Siguro ay hindi na ako maboboringan kapag personal kona na panood, at first time ko to.

Maya maya ay nag ayos ayos na ang mga sasakyan nila. Nag simula na din mag ingay ang mga tao sa paligid ko. Yung announcer naman ay todo bigay sa sa pagpapakilala sa mga susubok.

"Alam mo, kaya mas naging sikat yang si Gio, kesi feeling ko ang gwapo niya." Napa iling ako at tumutok nalang sa laban.

"Anong kulay ng kotse nung pinsan mo?" Tanong ko habang tinatanaw.

"Yung kulay black! Na may blue at white!" Sigaw ni Anna dahil hindi na din kasi kami mag karinigan dahil sa mga taong naka palibot samin.

At nag simula na nga ang karera, mas lalo pang nag sigawan ang mga tao. Sinisigaw nung iba yung Dominus, Valera, puro apilido ang sinisigaw nila.

Naka ilang ikot na ang mga kotse, hindi ko na mabilang dahil ang bilis ng patakbo nila. Tuwing dadaan ang sasakyan sa harap namin ay hinahangin ang buhok ko.

Nangunguna na yung pinsan ni Anna, dahil sinabi din naman nung announcer kung sino. At hindi rin naman pala boring ang ganito. Nakaka excite at ang saya.

"DOMINUS!!!!"

Sigaw nang mga tao noong may nanalo na, mas lumakas pa ah.

"Baka kamag anak ko yan!!" Sigaw din ni Anna, kaya napa palakpak nalang ako. Kahit wala akong masyadong alam sa karera basta alam ko na na panalo yung Dominus na pinsan keme ni Anna.

Mabibingi na ata ako dito.

Nandito na ulit kami sa may room ni pinsan ni Anna. Nakikipag kamay na si Gio sa mga expensive na tao na nandito ngayon.

"Napaka galing at wala talagang makakapantay sayo Gio." Napa ngiti si Gio, tungkol dun sa sinabi ni Anna na gwapo si Gio ay totoo nga pogi nga.

Nung nawala na yung mga expensive kemerut na tao ay lumapit na si Anna kay Gio at sumunod naman ako. Nakakahiya naman pero sige na nga keri na.

"Gioo!"

"Oh, Anna. Mabuti nanadito ka." Simpleng sabi ni Gio at uminom ng tubig.

"Syempre, hindi lang ako nandito para manood. Syempre may ipapakilala din ako sayo." Nanlaki ang mga mata ko. May asawa na ako uy! At umaasa na mag babago siya.

"Since single ka pa at single din siya." Mahina kong binanga si Anna. "Charot! May gusto kasi sya so hindi sya single." Iniba naman ni Anna. Siraulo talaga ang babaeng ito.

Tumango naman si Gio.

"Gio. Hazel, Hazel. Gio." Inabot ni Gio ang kanyang kamay para makipag kamay. Hindi ako nag dalawang isip at tinangap naman yun.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now