33

7K 121 20
                                    

"I am super happy para sainyong dalawa, halos mag iisang taon na ata si Nicholas na nang liligaw sa 'yo. Kaylangan lang talaga ng pasensya ano?" Sabi sa amin ng kaniyang Papa, ang ate naman ni Nicholas ay pumunta ng new york.

Inimbitahan kaming dalawa ng kaniyang Ama na bumisita sa bahay for dinner. Pekeng umubo si Mama ni Nicholas at nag punas ng kaniyang labi gamit ang napkin.

"Uhmm, kaylan niyo ba kami bibigyan ng apo? Ilan ba?" Halos bumara sa lalamunan ko ang nilulunok ko pero nagawa kong kontrolin ang sarili ko at uminom.

"Ma, hayaan natin si Hazel ang mag desisyon niyan. It's her body. Ayos lang sa akin kung ayaw pa niya at kung ilang anak ang gusto ni Hazel." Anas naman ni Nicholas at napangiti ako.

Anes ka naman dyan, may anak na kaya tayo.

"Sabagay. Ready ka na ba para doon Hazel?" Tanong sa akin nito at ngumiti ako, balak ko sana na sa birthday na ni Adam ko sabihin ang lahat. Kaso nga lang ay baka masabi ko na dito, pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Ready na naman po ako." Kitang kita ko ang paglaki ng mata ni Nicholas at napa inom din ng tubig. "Anytime anywh-"

Pinutol ni Nicholas ang sasabihin ko.

"We are eating." Bulong nito sa akin.

Nakita ko naman ang pag tawa ng kaniyang mga magulang sa sinabi ko. "S-so, gusto ako ni Gels na bumalik sa pag shoshowbiz." Panimula ni Nicholas.

"Should I try again?"

"It's your choice, Nicholas. Marami rami pading fans diyan na nag iintay sa pag balik mo. Marami ka pading fans." Anas naman ng kaniyang mama.

"Yes, mag viviral agad kayo niyan ni Hazel. May asawa na pala si Nicholas Lazaro." Singit ng Papa ni Nicholas.

"Pa, no. I think wag nalang? Issue kasi yun for sure. Alam mo na. May mga taong tama ang pag iisip kaso meron diyang iba na hindi tama at madadagdagan pa ng madadagdagan yan." Tama si Nicholas.

Issue ako? Napatingin ako sa mga mata niya, alam ko ang pag arte ang nag ligtas sa kaniya sa kalungkutan noon. Halata sa mga mata niya na gusto niyang bumalik sa fasion niya.

Malaking issue kung malaman ng iba na may anak na si Nicholas kapag bumalik siya. Kapag bumalik siya, mananatili padin ba akong sikrero? Pati si Adam?

No, no. You're just over thinking Hazel, nag bago na si Nicholas. He proved him self.

"You should do vlog na lang." Ngumiti si Nicholas at umiling.

"No, hindi. Kuntento na ako sa kung ano ako ngayon. Bahala na tatanggihan ko na ang offer na yun."

Natapos ang dinner namin, at nasa condo kaming dalawa ni Nicholas, sa condo niya tumigil muna kami dito bago niya ako ihatid pauwi sa bahay namin. Naka tutok siya sa cellphone.

"Hey." Tawag ko sakaniya, inoff niya naman ang cellphone niya at humarap sa akin.

Ngumiti bago nag salita "Yes? Ano yun?"

"Halata naman sa 'yo na gusto mo bumalik sa pag aarte, I know you love your job so much." Anas ko sakaniya kahit medyo masakit para sakin.

Nilaro laro naman niya ang kamay ko at ngumiti.

"No, but yes I do love acting. Pero ikaw na ang priority ko ngayon. I want to focus on our new life, kapag bumalik ako dun, busy na naman ako at mawawalan ng oras sa bagong buhay natin." Parang naiiyak ako sa naririnig ko. Ito ang mga salita na matagal ko na gustong marinig sakaniya noon pa.

"Lalo na ready kana sa anak? Gusto ko na na mag kapamilya tayo. Happy family." Anas niya at ngumiti sa akin. Mahina ko namang hinampas ang kaniyang balikat dahil dun.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now