27

6.1K 124 12
                                    

Bumaba ako sa hagdanan, at agad pinuri na agad ako ng mga nilalang na ito, ano ba ang nasa utak ng mga ito.

Tulog na si Adam kaya hindi nya ako nakita, gusto ko nga na wag na sumama kaso kaylangan ako dun, kaylangan na kaylangan. Bakit kasi may pa keme keme pa na ganito.

Pumunta na ako dun, marami na ang mga tao, hinanap ko ang table nila Mama at nandun sila sa may bandang unahan, nag uusap usap sila ng iba pang may nag mamay ari ng malalaking kumpanya. Nang dumating ako ay pinakilala agad ako nila mama sa mga kaybigan nila.

"This is my beautiful daughter, nasa new york ang isang kong anak kaya hindi nakapunta dito." Ang sabi ni mama at nakipag kamay, ngumiiti sakin ang kaybigan nya kaya ngumiti din ako.

"Yes, i know her. Napaka ganda pala niya in person." Papuri nito sakin.

"Thank you po." Nag usap sila, pumunta naman ako sa likod dahil napansin ko ang mga dati kong classmate nung high school kakamustahin ko sila.

Nag beso beso kaming tatlo at nag usap sa mga bagay na nangyari saming pag tapos ng napakaraming taon na hindi pag kikita, at nakakagulat dahil nag tratrabaho sila samin at mataas pa ang posisyon nila.

"Una na ako Hazel, tawag kami ng ka table namin." Paalam nila sakin, nanatili lamang ako dito sa bandang likod ayokong bumalik sa table namin alam ko na dun din uupo si Nicholas, pag tapos ng pag sasabi ko sakaniya ng mga bagay na masasakit ay hindi siya nangulit sakin.

Sa tingin ko ay natauhan na siya na ayaw ko na talaga sakaniya, ganyan talaga yan, madaling sumuko ano pa ba ang aakalain ko.

Nag simula na at nanatili lang ako dito sa likod, pinapanood ko ang emcee na ipakilala ang dalawang kumpanya na maging partner ulit, napangiti ako nung narinig ko na ang pangalan ng dalawang kumpanya.

"I'm glad you're here Mrs. Lazaro." Natigil ako sa boses na narinig ko mula sa katabi ko.

"Please, leave me alone." Ang sabi ko sakaniya at hindi siya tinipuhan ng tingin, alam kong nakatingin siya sakin ngayon.

"I can't. . ."

"Just walk away." Malamig kong sagot.

Hindi ko siya narinig na nag salita pa, pag tapos mag salita ng emcee ay tinawag ang pangalan naming dalawa ni Nicholas, wala akong choice kundi pumunta sa stage kasama siya.

Binigyan kami ng palakpak ng mga tao habang papunta sa stage, hindi ko padin tinipuhan ng tingin si Nicholas, pag tapos namin dito ay sila papa naman ang papaakyatin at ang iba pang tao na nandito.

Nag papasalamat si Nicholas at greatful daw siya na maging partner uli ang kumpanya, ganun din naman ang sinabi  ko. Pumunta ako sa table namin dahil nakakahiya sa mga tao kung babalik pa ako sa likod, nakatutok ang mga mata nila samin.

Tinawag naman ang mga magulang namin kaya pumalakpak ako habang nakatingin sakanila, kasama ko si Nicholas sa table at kaming dalawa lang ang nandito.

"Hazel." Tawag niya sa pangalan ko pero hindi padin ako lumingon. 

"Hazel." Lumingon na ako.

"This is the right time to explain everything. . ."

Nandito kami sa labas ng event pero hindi sa mismong labas talaga, siguro ay kaylangan ko din pakinggan ang kaniyang mga paliwanag kaylangan ko siyang bigyan ng pag kakataon para ipaliwanag ang sarili niya.

"Pag tapos nito ay wag kang aasa na babalik ako sayo dahil lamang sa paliwanag mo."

"I know,  pag hihirapan ko para maging tayo ulit at makapag simula ng pamilya---"

Pinutol ko siya sasabihin niya.

"Wag kang umasa na meron kang chance sakin Nicholas, hindi ko na nakikita ang sarili ko na bumabalik sayo." Natahimik siya gusto niya kunin ang kamay ko pero iniwas ko ito.

"5 years ago I---" Natigil siya ng may babaeng sumulpot galing CR. Pag tapos mawala nung babae ay mag sasalita na ulit siya pero pinutol ko ulit ang gusto nyang sabihin.

"No, i don't need your explanations anymore Nicholas."

Sinisikreto padin niya ako kung mahal niya ako? Pero hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil hinding hindi kona siya mamahalin ulit, hindi ko dapat maramdaman ang sakit at dismaya.

"What? P-pero---"

"No, sikreto padin ba ako sayo? Hangang ngayon? Ako padin ba yung sikretong babae? Kung mahal mo ako bakit mo ako tinatago hangang ngayon?"

"H-hindi sa ganon, problema natin ito, tayo lang dapat ang makarinig wala ng iba." May punto siya.

Tinitigan ko lang siya, lumuha ang mga mata ko, nakakapagod din kasi maging isang sikreto, lalo na kapag mahal na mahal mo yung tao, gusto mo alam nila na meron na yang girlfriend. . . meron na yang asawa.

"Aalis na ako." Umalis ako sa harap niya, nag text ako kay mama habang papunta sa parking lot na iuwi nalang ang bag ko, nag dahilan ako na hinahanap ako ni Adam.

Hinanap ko ang sasakyan ko pero narinig ko na naman ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko, parang bumalik ang alaala na nandito kami sa parking lot noon at pinuputol na ang relasyon naming dalawa.

Agad ko namang nahanap at dali dali akong sumakay doon. Naabutan niya ako at nasa bintana siya ng sasakyan ko, inatras ko ang sasakyan ko at naka sunod padin siya sakin.

Nang handa na umalis ay nasa bintana ko padin siya, kahit malabo ang boses ay naririnig ko padin siya.

"Hazel, i love you until now, nung una palang tayong kinasal ay mahal na kita. Hazel please, give me a chance, bigyan mo ako ng pag kakataon na mag explain sayo, kahit sa pag papaliwanag lang ng lahat, nakikiusap ako, I'm begging you. . . please. I-i know you deserve better, that's why I want to be better to deserve you."

Pinunasan ko ang luha ko at umandar ng konti nang bumitaw siya sa binatana tsaka ko na pinaharurot.

Sana dati pa niya sinabi sakin ang mga yan, ngayong huli na ang lahat ay tsaka niya sakin ipaparamdam ang lahat, anong klase siya. Hindi na ako madaling makuha sa mga ganyan, i already learned my lesson.

Tama na, gusto ko na ulit umalis sa manila kaso paano na ang shop ko, hindi ko naman yun pwede isuko agad kaylangan ako dito.

 His Secret Wife | CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat