9

6.3K 147 37
                                    

Chapter 9

Masaya akong gumising, nag unat unat muna ako ng katawan at pumunta sa CR para mag hilamos at mag toothbrush, alam kong wala si Nicholas dito dahil nasa pupuntahan na niya siya ngayon.

Pagkatapos ng morning routine ko ay kinuha ko na ang ang cellphone ko, baka yayain ako nila Anna mag gala susunod talaga ako sakanilang dalawa.

Pag kaopen ko ng data ay halos mag hang ang cellphone ko sa sobrang lag. Napaka dami ng notifications ko, maging sa instagram at facebook! Dinudumog ako ng mga tao.

Pinindot ko ang ang mga comments nila at binasa ang iba.

Grabe! Sa PA lang pala ang baksak ni Nicholas e!

Mangaagaw!

Kabet!

Brianna at Nicholas lang!

Grabe feeling ko bagay silang  dalawa, may itusra din si ate girl e.

Yung mga nang babash dun sa p.a ni Nicholas are so immature like, he has life you now? May sarili siyang buhay hindi siya nakatali si Bri x Nicholas ship na yan!

May itsura si Ate girl.

Siya yung model ng Hernandez clothes diba?

Layuan mo si Nicholas!

Matangal ka sana sa trabaho!

Malandi!

Halos atakihin ako sa puso sa nakikita ko ngayon sa mga comments sa pictures ko sa instagram. Pumunta naman ako agad sa facebook at bumungad sakin ang article na naka share.

Trending ngayon, Nicholas and his P.A nag dadate ba talaga? Kita sila ngayon sa—

Sandali, anong nangyayari.

Bigla naman tumawag si Anna. Agad ko naman sinagot dahil kaylangan ko ng gabay dahil shock ako sa mga nangyayari ngayon.

"Hazel? Ayos kaba? Kita mo na ngayon yung mga keme keme?"

"What the fuck Anna? Natulog lang ako!"

"I know i know, ginagawan na ng paraan nila Tito para ma take down na yung pictures nyong dalawa at mga ginawang articles, grabe ang bibilis ng mga kamay ng mga marites."

Nakahinga ako ng maliwag dahil dun. Grabe talaga paano bakit ba nangyayari ito.

"Ginagawan na din ng paraan ni Nicholas, he already knew. Tsaka hindi maganda kung sa ganitong paraan ma rereveal ang secret wife ni Nicholas jivaa? Dapat special way gaga!"

Kumunot naman ang noo ko, wala ako sa mood para kiligin, umagang umaga stress na ako agad ngayon.

Sana hindi magalit sakin si Nicholas pag uwi niya.

"Ang dami nang babash sakin sa comment section, nakaka stress ito."

"Wag ka mag aalala, mabuti nga at maaga din ginagawan ng paraan. Baka bukas or something na take down na."

Syempre, mananatili sa alaala ng mga taong nakakita sa picture na yun. Nasa Starbucks kaming dalawa, pinupunasan niya ang parte ng labi ko at ilang litrato na nag uusap kamimg dalawa.

Kaylangan din gumawa ni Nicholas ng speach about dito. Hindi basta basta ay maniniwala ang mga tao kapag ibang tao ang nag sabi, kaylangan si Nicholas ang mag paliwanag sa mga tao, fans nya yun e.

Huminga ako ng malalim at tinignan muli ang comments, ngayon lang ito. Samutsari ang natatanggap ko. May mga papuri,may mga hate, may mga nag dedefend sakin. Pero ayoko muna sila kausapin ukol dito.

Nakakakaba, nakaka stress. Ayoko nalang tignan at kumain nalang ng pagkain. Umagang umaga ito ang bungad, grabe.

Lumipas ang araw at sawakas ay hapon na, ang sabi ni Anna ay isa isa na ring nawawala ang mga nakalat na pictures. Pero si Nicholas lang talaga ang makakapag pigil sa mga taong ito ngayon.

Kasama ko sila Anna at Gio nasa sasakyan kami ngayon at kinakausap nila akong dalawa at binigyan ng wisdom words kuno.

"Wag mo nalang pansinin, huhupa din yang pang babash nila sayo." Napatango ako sa sinabi ni Gio. Tama siya mag sasawa din ang mga tao.

"Intayin nalang si Nicholas mag salita!" Anas ni Anna. "Tutal, malapit na mag gabi punta na tayo sa bar. Tagal tagal na din nating di nakaka bonding."

Wala naman makakilala sakin sa bar, sigurado ako dun. At nandito na nga kaming tatlo, nasa iisang table kaming tatlo at v.i.p section ito.

Si Anna ay nakiki vibe lang sa music, hindi ko namalayan na 8 pm na pala ng gabi at medyo nahihilo na din ako pero keri pa this.

Marami ding tao dito sa v.i.p section kaya nakikisayaw din sa Anna sa mga kumpulan na tao habang si Gio ay nandito lang din sa table namin.

"Why don't you dance?" Lasing kong tanong sakaniya.

"Binabantayan kasi kita! Kita mo lasing kana oh?" Para bang sermon niya sakin. Nagiging dalawa siya sa paningin ko.

"Naruto ka pala Gio."

"What?" Litong lito niyang tanong.

"Hindi mo alam yun? Clone kasi!" Lasing kong sagot sakaniya at hiniga ang sarili sa sofa.

"Gusto ko maging Kakashi ano!" Pabiro niyang anas.

"Eey! Hi friends." Rinig kong sabi ni Anna, hindi ako tulog nahihilo lang talaga ako.

"Oh, lasing na si Hazel!"

"Oonga, naruto daw ako." Narinig ko ang tawa ni Anna.

"Wait lang." Naramdaman ko ang pag upo ni Anna sa tabi ko. "Picture tayo?" Tinaas ko ang kamay ko at nag peace sign.

"Iuwi na kaya natin si Hazel?" Nag aalalang tanong ni Gio.

"Ayoko pa!" Bigla akong umupo. "Mamaya pa tayo uuwi, nag sasaya pa tayo e!" Angal ko sakaniya at binigyan siya ng isang shot ng alak. Kitang kita ko ang pang ngiwi niya kasama ang clone niya na medyo shadowy and blurr.

Maya maya ang nag salita si Anna.

"Lagot." Ang sabi ni Anna.

Tinapos muna ni Gio ang isa pang shot bago nag tanong. "Ano yun?"

"N-na myday ko kasi si Hazel, tayong tatlo. Tas sakin pa naman lumalapit si Nicholas tuwing hindi niya mahagilap ang lukaret na ito."

"Ano? Lukaret ako?" Palaban kong tanong at unti unti na talaga akong dinadatnan ng antok.

Maya maya ay naramdaman ko ang para bang pag lutang ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang mukha ni Gio at ang mga mata niya na nag aalalang naka tingin sakin.

Binubuhat ba niya ako?

"Ayan na ata si Nicholas." Rinig kong sabi ni Anna.

"Huh?" Binaba ako ni Gio at inalalayan akong tumayo kapit kapit niya ang bewang ko at ang balikat, habang ako naman ay nakahawak sa braso niya.

Nasilaw ako sa liwanag.

"Grabe, kukunin naba tayo ni San Pedro?"

"Gaga!"

"Ay, sasakyan lang pala."

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now