8

6.5K 147 9
                                    

HELLO THE LONG WAIT IS OVER MAY NEW CHAPTER 8 NA US

Chapter 8

Bwan na ang lumipas, dumarami na ang mga utos ni Nicholas. Tapos na ang ginagawa nilang shot lahat ay tapos at hindi ko pa alam kung kelan irereavel ang trailer ng movie na yun.

Pero iniinreview na siya ng mga reporter or minemessage ng kung sino sino para sa darating nilang movie ngayong taon. Sa pasko pa yun ipapapalabas pero hindi ko alam kung kelan ilalabas ang Trailer.

Pagod na pagod na ako, nandito ako sa backstage kumakain ng tanghalian, dahil ang aga ko nagising mga 3 a.m at simula nun wala pa akong kain, nakakapagod talaga. Dalawang show kasi ang pupuntahan niya ngayon. At ito na yung pangalaw show.

Iniinreview lang siya dun tungkol sa movie nila na gaganapin na sa pasko, at ang mga ilang bagay bagay sa buhay niya.

"Thank you so much sa pag punta Mr. Lazaro." Rinig kong sabi ng nasa likod ko kaya dali dali ko niligpit ang pagkain ko.

"You're welcome."

"Yea, thank you so much. See you." Agad na umalis na yung kausap niya at siya nalang ata ang nasa likod.

"What are you doing? Bakit ka dyan kumakain. Pinapahiya mo ba ako?" Ang sabi niya at inilagay ko ang Tupperware ko sa bag ko.

Pinupuyat niya ako e.

Tumayo ako at hinarap siya.

"Pasensya na boss! Kaninang 3 pa kasi ng umaga ako walang kain!" Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Oh! 6:30 na! Ano? 6 na?" Gulat ko naman.

Hindi naman pala tanghalian yun.

Mas lalo akong nagulat nung dumapo ang kamay ni Nicholas sa gilid ng labi ko.

"May kanin pa dyan, baka habulin ka ng manok." Ang sabi niya tsaka umalis. Habang ako ay nakatulala lang sa isang gilid hangang may lumapit sakin.

"Hello P.A?" Napaharap naman ako kung sino man yun. Bumungad sakin ang mapupulang labi niya at maganda na pagmumukha.

"Po?"

"Pabigay kay Nicholas, i made those cookies just for him." Binigay niya sakin ang magandang paper bag at may dalawang magandang Tupperware.

Nakakahiya naman Tupperware ko.

"Ah, sino po ba kayo?" Tinaasan niya ako ng kilay. Wow sis hindi nga kita kilala.

"I mean para masabi ko kung sino ang nag bigay." Ngumiti siya sakin na parang maamong tuta.

"Bri. Sabihin mo galing kay Bri, ako ang ka love team niya baka nga malapit na rin sa totoong buhay." Bumaksak ang balikat ko, pero dali dali ko inayos ang bag na sakbit ko para hindi halata.

"Ah, okay. Una na ako." Ang paalam ko at agad na umalis.

May karapatan ba ako mag selos, parang wala naman.

Sakaniya lang ako, pero hindi ko masabi na sakin lang siya.

Pag sunod ko sakaniya ay nakita ko na kausap niya yung mga ibang staff at mga host.

Hindi na ako nag paalam na mauuna na ako dahil alam na nanaman niya na nauuna ako. Tumutok nalang ako sa cellphone ko at ang sandamakmak na messages sa ig ko, at ang magagandang comments at ang mga hindi magandang comments.

Pero isa lang ang binuksan ko sa messages ko.

"Mamasyal ulit tayo?"

Hindi ko na nagawang replyan dahil pumasok na si Nicholas sa sasskyan kaya agad ko tinago cellphone ko at kinuha nalang ang salamin ko at inayos ang hagard kong pag mumukha.

Nandito ako sa passenger seat habang ang mga bag ay nasa backseat.

Nag lagay ako ng foundation sa mukha ko para mag mukhang fresh padin kahit buong mag damag stress.

Nung pag tapos ko ay napalingon ako kay Nicholas dahil hindi pa niya pinapaandar ang sasakyan. Pag lingon ko ay saktong nakatingin siya sakin at agad inalis ang tingin na yun.

Peke siyang umubo.

"Punta tayo ng Starbucks." Hindi na lang ako umimik at tinago ang gamit ko sa bag ko. At sawakas ay pinaandar na niya.

Pumunta siya sa isang branch ng Starbucks na hindi sandamakmak ang tao. Sinuot niya ang shades niya ang ay sumbrero niya.

Ako na ang oorder at sinabi nalang niya sakin ang gusto niyang orderin. Inintay ko nalang at inilagay na sa table namin. Ayaw niya mag take out gusto daw niya maranasan na mag dine in uli sa isang kainan.

"Sawakas nakakain na din." Sabi ko bago isubo ang tinapay. Habang siya ay tinitignan ang mga pagkain.

"Wala ba tayong keme keme bukas?" Tanong ko, umayos ako ng upo at sumubo ulit ng tinapay.

"Wala." Napapatingin ako sa mga tao na dumadaan dito, todo tago naman si Nicholas na naka jacket pa.

Mabuti at hindi nila kami pinapansin.

Nakahinga ako ng maluwag dahil dun, sana ayain nila ako mag gala dahil G talaga ako kung yayayain nila ako.

Pero gusto ko din naman mag pahinga nalang. Napatulala ako sa lamesa habang iniisip ang gagawin kong desisyon para bukas.

Bigla namang pinunasan ni Nicholas ng tissue ang gilid na naman ng labi ko.

"Ang takaw mo, kung saan saan napupunta ang pagkain mo." Ang sabi niya habang pinupunasan. Hindi nalang ako pumalag dahil gusto ko rin naman.

Pag tapos niya ay uminom na siya ng kape niya at ganun din ako. Ngayon lang din kami ulit nakakain ng mag kasama. Wala naman siyang choice dahil P.A niya ako, alangan naman na inuwi niya ako sa bahay tas aalis siya mag pumunta dito, ang weird naman nun diba.

"Bukas, pinapapunta ako ni papa sa bahay namin. Don't worry hindi kita isasama." Paalam niya sakin.

"Bakit naman hindi?" Tanong ko.

"Because ayoko, sasabihin ko nalang na busy ka." Nasaktan ako ng konti dun pero wala ako magagawa.

Umuwi na kaming dalawa at agad akong nag shower. Ang baho baho ko na kaya. Pag kapasok ko sa kwarto ko ay hindi ko na binuksan ang cellphone ko at humilata na lang ka agad.

Nakakapagod naman talaga maging P.A lalo na at katulad pa niya. Feeling ko nga pinapahirapan niya lang ako e, sira talaga ang ulo nun pero mahal ko padin naman siya.

Minsan, nararamdaman ko na nawawala na yung pag mamahal ko sakaniya. Pero tuwing kakausapin niya ako kahit saglit o dikaya makikita ko siya ay parang bumabalik yung pag mamahal ko sakaniya.

At mas lalo pang nadadagdagan.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now