14

5.9K 136 44
                                    

Dalawang araw ang nakalipas pag tapos ng gala namin ni Gio at nag enjoy talaga ako ng husto. Ngayon ay nanonood ako ng balita sa TV kasama si Nicholas, gusto daw nya abangan ang balita tungkol sa movie nila.

Chikang Patok!

Ang sabi sa TV at ayan na ang mga chika chika ng mga tao sa social midea, ang una ay ang ibang artista na napag kakamalan na mag shota at sumunod naman ay mas lalo nag pa gulat sakin.

Umalis si Nicholas para kumuha ng inumin.

Patok na patok naman ang viral photos ng sikat na modelo na si Gio Dominus sa beach walk kasama ang isang babae na kasabay nyang mag lakad, ayon sa mga nakakita ay nag yakapan pa ang dalawa at galing sa mamahaling restaurant!

Pahagay nito habang pinapakita ang picture sa TV, jusko! Alam ba nila na ako yan? Lamabo kasi ang kuha nila. Pero shuta alam ko na ako yan. Hindi manlang ba sila nag sabi na ibabalita nila yan? Grabe.

Nakarinig ako ng pag basag ng baso mula sa likod ko kaya napatalikod ako.  Kitang kita ko ang panlilisik ng kaniyang mata na nakatingin sa TV habang pinapakita padin ang pictures namin ni Gio.

Ang question ay, who is that guurrl?

Palatastas na at napatingin ako kay Nicholas na nakatayo padin sa likod ko at napatingin sakin.

"Ikaw ba yun? Sabi mo kasama si Anna? Are you secretly cheating on me?" Tanong niya sakin, kaya nawalan ako ng sasabihin.

Tumayo din ako para harapin siya.

"No, I'm not! Hindi lang nakarating si Anna, para naman kaming tanga kung uuwi kami kung ganon." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Flirting with other dudes while you're still married, while I'm still your husband." Mapait nyang sabi sakin.

"Kaybigan ko lang si Gio, hangang dun nalang kami." Gusto ko sabihin na sya lang ang mahal ko pero nahihiya ako, para naman akong tanga na sasabihin yun tas di naman nya ako mahal.

Bumuntong hininga sya at nag iwas ng tingin sakin. "Alam mo, dyan ka nalang kaya kay Gio. Tutal lagi kayo mag kasama." Naguluhan ako sa sinasabi nya dahil he sounds like a jealous man!

Naguguluhan ako pero at the same time kinikilig dahil dahil nag seselos sya, no bakit ako kinililig, dapat naka lagay lang sa utak nya na sya lang mahal ko!

"Nag.... seselos ka ba?" Mapanlarong tanong ko at agad nag bago ang ekspresyon ng kaniyang pag mumukha.

"What! N-no!" Laban nya sakin pero naawa lang ako ng konti dahil sa pag kautal nya.

"What are you laughing for?" Inis nyang tanong. Hinawakan nya ang aking dalawang balikat at nakipag titigan sakin.

"I'm  not jealous Hazel, concerned lang ako, because it's looks like you're cheating on me. Paano kung nalaman ng mga magulang natin? Sasama ang larawan nila sayo!" Ang kaninang saya ko at agad agad nag laho.

"But, okay! Go, cheat on me para mas mabilis matapos ang relasyon na ito." Ang sabi niya bago ako bitawan at dumiretsyo sa kusina.

"May mga importante pa akong gagawin, wag ka na sumama." Ang sabi naman nya, ako naman ay naka tayo padin at iniisip ang mga nangyari.

Umupo ako at nanood nalang ng TV..

Ayaw niya talaga sakin.

Lumipas na ang mga oras at ako lang mag isa dito sa bahay namin. Hindi ko mapigilang mag isip. Ganito naman ako lagi pero parang iba ngayon. Ayaw nya talaga sakin? Kahit kaybigan lang.

Binista ko ang instagram nya, pumunta ako sa tag photos nya at oonga, puro photo shoot nya ang naka tag or mga edit photos ng  fans nya, pero naagaw ang aking atensyon ng isang picture dun.

Si Brianna, sya, at yung mga tauhan sa movie nila at mukhang mag celebration sila ngayon. Mabuti hindi nya ako sinama. Pero gusto ko malaman kung anong nang yayari dun.

Napahinga nalang ako ng malalim at inalis ang cellphone sa kamay ko, ano pa ba ang dapat kong gawin?

Linggo ang nakalipas, sa linggo na yun ay nakagala kaming tatlo ni Anna at Gio, pero hindi na nagiging madalas, gusto ko tumangi, pero meron naman sa sarili ko na gusto sumama para mag saya, kasi kada gora naming tatlo ay nakakalimutan ko ang hinanakit ko sa buhay.

Ngayon ay nasa tea house kaming tatlo, napag desisyonan ni Anna na lilibre nya kaming dalawa dahil bagong sweldo nya sa trabaho nya. Tapos ako naman ang nanlibre samin nung nakaraan naming gala.

"Wow! May mochi dito. Try ko nga." Manghang sabi ko.

Ngayon ay ang labas ng trailer ng movie nila Nicholas at tama ako sa pasko nga ilalabas ang movie. 

"Ma try nga din!" Sabi naman ni Gio at kaming lahat ay umorder ng mochi at masarap nga ito, napaka sarap lalo na ang nasa loob.

Habang nag lalakad lakad kami ay biglang tumawag si Nicholas sakin, nanlaki ang mata ko kaya nag excuse me muna ako sakanilang dalawa para sagutin ang tawag.

"Ano?"

"Nasaan ka? Umalis ako wala ka na dito tas pag balik ko wala ka padin?"

Napatingin ako sa oras, at oonga! Masyadong napasaya ng husto at nakalimutan ko kung anong oras na.

"Oona, oona!" Ang sabi ko naman.  Pinatay nya ang tawag.

Oo nalang ako dahil kapag humaba pa pa ang usapan namin ay mag aaway pa kami, at alam ko naman na hindi sya mag papatalo kapag nangyari yun.

"Gio, uuwi na ako." Kitang kita ko ang dismaya sa mga mata nya.

"Huh? Ihahatid na kita." Saglit kaming nag katitigan ni Anna.

Nag away kami ni Nicholas nung nalaman nya na si Gio ang nag hahatid sakin sa gate ng village dahil isa ring chismoso ang guard kaya chinismis niya kay Nicholas.

"W-wag na, may sundo naman ako, biglaan lang sabi ni Mommy." Tumango siya.

"Sige mag ingat ka." Tumango at pinanlisikan ng mata si Anna dahil tawa sya ng tawa sa gilid, tumalikod nalang ako at agad na lumabas sa mall para mag hanap ng taxi.

Pag ka uwi ko ay nakita ko siyang nakaupo sa couch habang nanonood ng movie. Bumaling siya ng tingin sakin habang nag lalakad ako.

"Ganyan ba ang uwi ng taong may asawa?" Simple akong napairap, hindi naman sya ganito dati.

"Diba sabi mo wala ka namang pakielam sakin." Paalala ko sakaniya.

Nag iwas sya ng tingin sakin at muling inilagay sa TV.

Hindi sya muling nag salita, wow akala ko aawayin na naman nya ako, 8 palang nga ng gabi e! Late na ba ito ng gabi, marami pang nag sasaya ng ganitong oras.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now