16

6.1K 122 42
                                    

Nag paalam ako kay Nicholas na may pupuntahan ako, alam nya na si Gio ang kasama ko at mukhang wala na syang pakielam.

Nasa kotse nya kami ngayon at hindi bumaba, dito nalang daw muna nya sasabihin.

"Masarap ang mochi dito, namiss ko. Ako naman ang manlibre!" Masaya kong sabi. Nginitian nya ako.

"Hazel, may sasabihin ako sayo." Inalis ko ang seatbelt ko.

"Ano kasi, I know na hindi naman pwede." Kumunot ang noo ko, anong hindi pwede.

"Do you want me to do you a favor?" Tanong ko. "Sure ano ba yun?" Umiling siya.

"Ano?"

"Yes, you are already married to Nicholas, and i respect that." Huminga sya ng malalim. "I really like you Hazel."

"Don't get mad at me kasi sabi ko kapag umuwi ulit ako dito sa pinas gusto ko na mag confess sayo. " Naubusan ako ng mga salita, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Pero, kasi Gio. I'm sorry, I'm really sorry, ayokong saktanan ka." Napaka mabuting nyang lalaki, he don't deserve me. "I'm already taken, a-and I am married." Mapait syang ngumiti sakin.

"I know." Halos manlamig ang buong kong katawan sa narinig ko mula sakaniya.

"A-ano? How— how did you know?" Utal kong tanong.

"Don't, don't get mad at Anna, pinilit ko sya. Pag tapos ng nalaman ko gusto  ko padin mag confess sayo." Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

"I know, wala akong chance. Pero hindi yun ang mag papapigil sakin para mahalin ka Hazel." Nag lalabo anh mata ko at parang tutulo ang mga luha.

"Kahit walang chance, just let me love you. Ipaparamdam ko sayo na worth it kang mahalin kahit walang pag asa. You're such an angel. Unang kita ko palang sayo ay alam kong hahantong na ako sa puntong aamin ako sayo, pero hindi lang ganito."

Alam ko ang ibig sabihin niya, i feel so fucking bad, I hate myself for hurting a man like him, kinwento pa nya sakin ang babaeng nagugustuhan nya at ako pala ang babaeng yun.

He deserves better.

Natapos ang usapan sa maayos na paraan, pero hindi ko alam kung ganon padin katulad ng dati ang trato namin sa isa't isa. Umuwi ako sa bahay na kokosensya sa nangyari, pero wala din naman ako magagawa dahil i see him as my friend. At hangang dun nalang talaga ang lahat ng yun.

Nang umuwi ako sa bahay ay naabutan ko si Nicholas na wala sa bahay, baka naman nasa ibang bahay ay nag sasaya dun. Inupo ko nalang ang pagod kong katawan sa couch at sinandal ang aking likod.

Hay nako, ano na ba ang dapat kong gawin ngayon. Hindi lang pala ako nasasaktan, nakakasakit din pala ako. Pero ano ang dapat kong gawin? Asawa ko si Nicholas.

"No, I can't just do that! Bakit ba ganyan mo sya ka hate?" Rinig kong bunganga ni Nicholas, nakahawak siya sa cellphone nya at napabaling ng tingin sakin nung nakapasok sya.

"Shut the fuck up, bye." Ang sabi niya at dali daling umakyat sa kaniyang kwarto, ano yun? Sinong hate?

Pumunta din ako sa kwarto ko para mag palit ng damit, gusto ko sabihin kay Anna ang pinag usapan namin ni Gio pero mga ganitong oras ay nasa trabaho sya kaya nag iwan ako ng text. At may bigla namang may kumatok.

Agad ko naman pinag buksan at si Nicholas yun.

"Pupunta dito si Ate, dito sya matutulog kakauwi nya lang galing France." Paalam nya sakin kaya mas lalo bumilis ang tibok ng aking puso.

"Oh, mag hahanda ba ng pagkain?" Tanong ko naman.

"No, nag order ako. Aayusin ko nalang ang sala, masyado syang mapang husga."

"A-ako na ang mag aayos." Ang sabi ko naman sakaniya at hinarang nya ako.

"No, ako na, mag pahinga ka muna dyan." Pinasok nya ako sa loob at sinara ang pinto, nakakapag taka pero hindi na ako umangal pa.

Isang oras ang makalipas ay hindi ako mapakali. Hanhang sa tumatok muli si Nicholas nandito na daw ang ate nya, hindi ko masyadong naging close ang ate nya kaya kabado ako tuwing makakusap sya kahit sa cell phone lang.

Para bang hindi masaya ang mukha ni Nicholas nung nandito ang ate nya, sabay kaming kumakain ng inonorder ni Nicholas sa fast food at sakto kakadating lang din.

"Hmmm, saan kaya ako matutulog?" Wala kaming guess room dito sa bahay. Kaya napakagat ako ng labi.

"S-sa kwarto ko nalang. Dito nalang ako matutulog sa sala ngayong gabi."

"No." Singit ni Nicholas. "Ikaw dapat ang sa sala." Natawa ang ate nya dun. Para bang may masamahang enerhiya ang namamagitan sakanilang dalawa.

"Ganyan mo ba itrato ang bisita mo?" Napatingin ako kay Nicholas na huminga ng malalim at kinalma ang sarili.

"No, matulog ka sa kwarto ni Hazel, matutulog si Hazel sa kwarto ko."

Nakakahiya naman at siya pa ang matutulog sa sala, aangal sana ako pero nag salita syang ulit.

"Kaming dalawa sa kwarto ko." Namilog ang mga mata ko dahil dun. Ano raw ang sinabi nya? Kaming dalawa?  Ano daww??

Nakita ko ang pag ngiti ng kaniyang ate saming dalawa.

Ilang minuto ang nakalipas at kaming dalawa nalang ng ate nya ang nandito sa lamesa. Siguro ito na ang tamang pag kakataon para pag usapan ang past.

Pero hindi sya pumayag, hayaan ko nalang daw ang past, wag na isipin. Wag na balikan, pero paano naman ang utak ko na habang buhay na maraming tanong. Ayokong sumakit ang ulo nya pero gusto ko mag tanong. Mananatili sya ng isang gabi dito at dun na sa bahay nila tutuloy.

Nasa kwarto oo na sya ngayon, nakaka ilang buntong hininga na ako pero hindi padin ako natahimik. Ngayon nandito ang ate nya ay mas lalong lumakas ang mga nasa utak ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nya at inaamin ko na ngayon lang talaga ako makakatulog dito. Huminga ako ng malalim habang sinasara ng dahan dahan ang pinto, wala si Nicholas dito baka nasa roof top.

Umupo ako at ginawang sandalan ang unan para basahin ang libro na napili ko, nakaramdam naman ako ng antok sa ilang minuto na pag babasa ko.

Humarap ako sa gilid ng kama at niyakap ang unan na galing sa sala, at mag simulang matulog.

Nung pinikit ko ang mga mata ko ay bigla kong narinig ang pag bukas ng pinto, kaya nag patuloy nalang ako sa pag tulog.

Naramdaman ko ang pag lubog ng kama kaya alam kong sumampa na si Nicholas dito. Naririnig ko ang kaniyang pag hinga dahil napaka tahimik sa kwarto nya.

Maya maya ay naramdaman ko ang pag dampo ng kaniyang labi sa buhok ko, sa ulo ko, gusto ko imulat ang mga mata ko dahil baka nanaginip lang ako, pero hindi ko magawa...

Inayos nya ang kumot ko, wala na sunod na nangyari nun at natulog nalang kaming parehas.

Pero, hindi talaga panaginip ang pag halik nya sa ulo ko...

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now