Epilogue

8.6K 150 27
                                    

EPILOGUE

HAZEL HERNANDEZ' POV

"Woah, you look so good in that white dress baby. I am all yours." Matamis nitong sabi sabay halik sa pisngi.

"I love you so much."

Napangiti naman ako habang nakikinig sa pag uusap ng dalawang ito sa harap ko.

Siya ang nag pagawa sa akin ng wedding dress na yan. Hindi pwedeng hindi ako kasali sa kasal na ito. Nagustuhan ng bride ang ginawa kong damit, puyat pawis pagod ang nilaan ko dyan. Syempre isa ang kasal na ito sa pinaka importanteng pangyayari sa buhay niya. Kaylangan maging memorable ang araw na ito.

Napangiti ako habang pinag mamasdan ang dalawang ito. Nasa venue na kaming lahat kung nasaan ang mga pagkain. At kung ano ano pa.

Bigla naman may tumawag sa akin kaya nah excuse ako, dahil ito ang teacher ni Adam kinakabahan ako, ano kayang nangyari.

"Hello, Ms Hernandez."

"Yes? Ano po yun?" Tanong ko naman at nasa labas ako.

"Naistorbo po ba kita? Pasensya na po, gabing gabi na." Mahina akong tumawa.

"Nako, hindi po."

"Si Adam po kasi, pinag usapan na po namin ng ilang katrabaho ko na iaangat na sa next grade. Maalam na po si Adam, ano pong opinion niyo?" Nawala naman ang kabog sa dibdib ko nang narinig ko yun.

"Oh, y-yes po. Thank you so much Ma'am." Mayamaya, natapos ang tawag, ngiting ngiti naman ako.

Napalaki ko talaga si Adam ng maayos. Babalik na sana ako, kaso lang ay may kilalang sasakyan na tumigil. Nanlaki naman ang mata ko nang makita kung sino ang lumabas.

Papasok na sana ako kaso may ilan din nag labasan para mag picture sa labas, kaya naman naharang ang daan. Napakagat naman ako ng aking labi at hindi ko maiwasang mapatingin sakaniya na papunta na dito.

Nang makaalis na ang anim na dalaga ay pumasok na agad ako, pero nakita naman ako ng isa kong kakilala.

"Hazel, you're so talented talaga." Anas nito sa akin.

"Thank you so much." Madali kong sabi. Sandali, bakit koba iniiwasan si Nicholas? Be normal Hazel. Be normal around him.

Ngumiti ako at nag paalam na bumalik na sa table, nang makaupo ako ay nakita ko si Nicholas na dumiretsyo sa asawa ng bride.

"Nicholas, you're late. Always." Anas naman nito at nag yakapan ang dalawa.

"Sorry bro, kakauwi ko lang galing France." Galing Siyang France? Ano ginawa niya dun.

"Nah, it's okay. Hindi pa naman nag sisimula ang event dito nag sasaya pa." Napangiti naman si Nicholas at hindi na ako nakinig sakanila at nag focus nalang sa mga taong nag sasayaw ng hip hop, karamihan ay mga tatay kaya naman napangiti ako.

Nagulat naman ako nang harangin ng isang lalaki ang tingin ko, at umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sakaniya at agad naman nag iwas.

"Wow, Nicholas. Long time no see." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lumingon na ako sa babaeng bumati kay Nicholas. Nag beso beso sila.

"Yea, Jane. Long time no see? Super busy ako this past few months." Napangiti ang Jane.

"Nako ako din. Mabuti nag kita tayo dito, we can hang out together?" Nanlaki naman ang mata ko at umiwas nalang ng tingin. At nakita ko si Anna na nag pipigil ng tawa sa isang tabi ko.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now