3

8K 159 20
                                    


CHAPTER 3

PAKIRAMDAM ko nung isang gabi ay lumulutang ako, hindi ko na binuksan ang mata ko dahil na din gusto ko lumipad.

Pero pag mulat ko ng mata ko ay kisame na ng kwarto ang nakita ko. Siguro ay lumipad talaga ako? Paano naman ako napunta sa kwarto ko kasi na pag kaka alam ko naka tulog ako sa sala.

Napa iling ako habang naka tingin sa almusal ko ngayon. Katulad ng inaasahan ko ay nandito na si Nicholas. Hindi sya busy ngayon pakiramdam ko tuloy ako na ang pinaka maswerteng babae dahil kasama ko ang lalaking kinababaliwan ng madaming tao.

"Anong iniisip mo?" Biglang tanong ni Nicholas kaya napa tingin ako agad sakaniya.

"M-masarap lang." Sabi ko at sabay subo ng fried rice. Siya nag luto pag gising ko ay may luto na.

Fried rice, sunny side up na itlog bacon at kape. Oo para sakin yung kape. Mahilig siyang mag luto, sya na kaya yung gawin kong cook sa restaurant ko?

"Kumain kalang." Sabi niya at sabay umupo sa harap ko. "Okay naba yung restaurant?" Tanong naman niya.

"Oo, pero siguro matagal kopa mamanage yun kasi hindi pa naman buong buo na buo." Paliwanag ko naman at kumain.

"May ginagawa ka ba nitong mga nakaraang araw? Busy kaba?" Tanong niya at kumunot ang mukha ko dahil ngayon lang siya nag tanong sakin ng mga ganito. Siguro mag babago na siya at nag sisi na sa lahat ng mga nagawa nya.

"Hindi naman masyado—"

"Good! Gagawin kitang P.A!" natigil ako saglit sa pag nguya, parang bato ang nalunok ko.

"Talaga? It means kasama kita lagi?"

"Yes, but as a P.A not as a wife. And don't wear our wedding ring. Katulad nung sinabi ko before. Ayokong may maka alam ng kasal na ito, clear?" Nawalan ako ng gana kumain at mapait na ngumiti.

Sabihin niya lang ay kinakahiya nya ako kaya ganon yun! Dami pa nya sinasabe.

"Okay, fine. I'll be your P.A"

"Dapat lang." Sabi niya at sabay tayo at alis.

Grabe a, wala man lang thank you? Sabagay ako kausap niya e.

Sabi niya ay sumama na siya sakin bukas na bukas dahil pupunta ulit siya sa isang TV show. 3 days nalang daw ay tapos na siya dun sa TV show, tapos punta ulit sa photo shoot. Ayos na ayos naman sakin dahil wala naman akong masyadong ginagawa.

Wala akong alam sa pagiging P.A, pero susubukan ko para sa kanya. 

NAGSIMULA na, maaga nyang kinatok ang aking pintuan, kaya agad agad akong bumangon, mabilis ako na naligo nag bihis.

Pag baba ko ay kitang kita kona siya na nag hahanda ng sarili niyang gamit. Bumaba ako habang inaayos ang long sleeves ko na sinuot. Nung naka baba na ako ay nag salita naman siya.

"Pinag luto kita ng sandwich, baka magutom ka sa byahe." Sabi niya habang hindi ako tinitignan. Napa tingin ako sa lamesa. Naka balot sa tissue at halatang bagong luto pa.

Agad ako pumunta dun.

"Hurry!" Sigaw ni Nicholas kaya agad ko kinuha ang medyo mainit pa na sandwich.

Pinadala niya sakin ang simpleng bag na may laman na kung ano ano. Binuksan ko muna ang gate at hinintay na maka labas ang sasakyan nya at sinara ulit ang gate.

Habang nasa gitna ng byahe ay nag salita siya.

"I forgot to tell you." Natigil ako sa pagkain at kabado na tumingin sakaniya. "Meron kaming bagong movie, kaya late ako umuwi sa bahay. Isasama kita dun after nung TV SHOW." Napa tango ako dun, akala ko kung ano na.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now