23

6.7K 126 29
                                    

Kakabalik lang namin sa Pinas, pinanood kasi namin ang karera ni Gio, at ngayon ay nag tatawanan kaming lahat dahil sa video na sinend ni Gio sakin.

"Hazeeel, manganak kana please." Boses ni Anna.

"Bibili na ba ako ng taho?"  Boses naman ni Gio.

"Gaga! Saan tayo makakahanap ng taho 12 na ng gabi!"

"Naalala ko tuloy! Gusto ni Hazel ng apple tapos nag lalako yung nag titinda na nag lalakad." Kwento samin ni Anna kaya nag tawanan kami.

"Kaya nag kumwari si Gio na nag bebenta ng apple! Tuwang tuwa naman ang lokaret at umiyak pa sa saya."  Napailing nalang ako.

Apat na taon na ang nakakalipas simula nung mangamak ako, at malapit na ulit mag birthday si Adam.

Nandito kami ngayon sa shop ko kasama ang mga tauhan ko at nag kwekwentuhan kasama si Anna, habang si Adam ay nasa mga Lola nya kalaro ang pinasan nya dun.

Habang si Gio, nanatili muna sa ibang bansa.

Ang sabi nga nila, sa loob ng apat na taon ay malaki na ang pinag bago ko, napag desisyonan namin na bumalik na dito sa manila, dahil nandito na nakatayo ang business ko, bata palang ay mahilig na talaga ako mag design design ng mga damit kaya ito ako ngayon! Tinutulungan ko din sila mama.

Natapos ang aming usapan namin at umuwi na sila sa kanila kanilang bahay nila. Ako nalang ang naiwan dito nag pa iwan ako kay Anna para naman malinis ko ang mga tela na nag hulugan.

Habang inilalagay sa box ang mga tela ay biglang kong nakita ang isang lumang photo album. Kaya agad ko itong binuksan at lumambot ang aking puso sa aking natagpuan.

Pictures ko nung mga bata pa ako, sobrang liit ko, sa bawat bukas ko ng pahina ay bumabalik ang mga aalala, nakita ko muli ang picture namin ni Nicholas na kumakain parehas, bata pa kami nyan. Mapait akong ngumiti at sinara ang photo album.

Pinatay ko na ang mga ilaw at pumunta kila mama dahil nandun si Adam. Sa ngayon ay dun ako nakatira kay mama, wala din naman akong kasama kung bubukod kaming dalawa ni Adam.

Pag bukas ko ng pinto ay sinalubong agad ako ng mainit na yakap ni Adam.

"You're late! Nag play kami ng madami ni Chisaa!" Kwento nya sakin kaya napatawa nalang ako. Natagpuan ko naman si Mama na tahimik na nag babasa ng libro, at si Papa na nakatutok sa laptop nya. Bigla may tumawag kaya pumunta sya sa kusina saglit.

Ako naman ay sinundan sya dahil may sasabihin ako sakanya.

"Dapat talaga!" Ang sabi nya sa masayang boses at napapatawa pa. "We really should." Nakaupo sya kaya umupo ako sa harap nya.

"Let's meet again? Where? Okay okay see you there." Inintay ko silang matapos bago ako mag salita.

"Pa, dadating pala ang ilan sa mga designs ko bukas, si Anna muna raw ang mag babantay kay Anna, I want to see those model na suot ang mga designs ko." Napatango si papa at binaba ang cellphone nya kaya napatingin ako dun.

Lazaro...

"Yes, sure. Sasabihin ko na sa secretary ko yan." Huminga ako ng malalim.

"Pa, I know kung sinong kausap mo.." Malungkot nya akong tinignan.

"Don't worry sweetie, hindi nila malalaman ng tungkol kay Adam. And it's just a business." Mapait akong ngumiti at pilit na inintindi.

"Pero pa—"

"Trust me Hazel." Tinapik tapik nya ang aking balikat bago iwan ako sa kusina.

Nandito na kami ngayon sa kawarto ko ni Adam at pinapatulog na sya ngayon, actually tulog na sya, next year ay plano na namin ayang papasukin sa school. Grade 1 na agad dahil marami na naman syang alam.

Katabi ko sya ngayon at nakakumot pa, habang ako ay nag cecellphone lang, sa loob ng limang taon. Masaya na ako.

Sa ibang bansa ako nanganak, pag tapos ng ilang bwan umuwi kami sa pilipinas para dun tumira sa sinabi kong bahay, at ngayon ay nandito na ulit kami sa manila, dati kasi ay pinapasa ko ang mga designs ko at napaka hirap talaga kaya mas madali na kung face to face talaga.

Habang nag babasa ng kung ano ano sa social midea ay bumungad sakin ang business page ng mga Lazaro, at nakita ko ang picture ni Nicholas na na sinasabi na siya ay vice president na dun.

Napabuntong hininga ako at malaki na ang kaniyang pinag bago, mas lalo naging maskulado ang kaniyang katawan. Bagong hairstyle, at mas lalo naging gwapo.

Sa totoo hindi ko naman kinakatakutan na mag kita kami, ang kinakatakot ko ay ang mag kita silang dalawa ni Adam, dahil halos mag kamukha lang silang dalawa e, para bang batang Nicholas lang kung tutuusin.

Napatingin ako sa oras at  1 na pala ng madaling araw, kaylangan kopa pumunta sa building ng 5am. Bahala na basta hindi a ako inaantok e, napatingin ako kay Adam at napag desisyonan na mag picture.

Syempre! Hindi ko inuupload ang mga pictures ni Adam, tinatakpan ko ang kanyang mukha kapag may gusto akong i-istory na picture namin na dalawa kahit gusto ko talaga na ilabas na ang kanyang pag mumukha! Maraming mata sa paligid. Delikado.

Kinabukasan, walang trabaho ngayon si Anna kaya silang dalawa ni Grace ang mag aalaga kay Adam, hindi ko naman pwede isama si Adam sa building dahil masyadong maingay.

Tinulungan ko ang mga ibang staff para sa damit na ipapasuot ko sakanila para sa runaway.  Hangang sa oras na para imodel nila.

Umupo ko sa kalapit ni Mama habang pinapanood ang mga magaganda at gwapong lalaki na nirarampa ang ilan sa mga designs ko.

"I really like that one Hazel." Komento ni Mama habang nakatingin sa damit ng modelo at pumapalakpak pa.

Napangiti nalang ako dahil dun at pumalakpak na din, nakaka proud naman ang sarili ko. Hindi naman masamang ma proud sa sarili e! Lalo na kapag pinag hirapan mo ano!

Ngiting ngiti ako habang naka tingin sa mga modelo, unti unti nawala ang ngiti ko nung nakita ko sa tapat ko ang lalaking naka tingin sakin imbis na sa mga modelo naka tingin.

Para bang saglit tumigil ang mundo at hindi alintana ang mga nag dadaanan na modelo sa harap namin.

Sa limang taong pag kakalayo, muling nag tagpo ang aming mga mata, muling bumilis ang tibok ng puso ko katulad ng dati.

Nag kita na ulit kami ni Nicholas.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now