13

6.2K 137 34
                                    

Nag kasundo kami ni Gio na sumama ako sakaniya, ang sabi pa nga nya ay hindi makakasama si Anna kaya kaming dalawa nalang daw ang pupunta.

Na traffic kami ni Gio, kumain nalang ako habang hinihintay mawala ang traffic.

Kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin sakin si Gio, akala nya hindi ko nakikita.

Baka mukha akong tanga?

Tumingin nanaman sya sakin, at hindi ko na pinalampas yon.

"May problema ba?" Tanong ko. Kung saan saan sya tumingin.

"W-wala. Ayan na oh, aandar na tayo." Pina andar na nya ang sasakyan, hindi nalang ako nag salita, at tumutok nalang sa cellphone.

Nag scroll nalang ako dito sa Instagram, tahimik na kaming bumabyahe ngayon, nag pa tugtog si Gio kanta Wildest Dreams by Taylor Swift

Kaya mas naging masaya pa ang byahe namin, habang nag iiscroll, nakita ko ang post ni Nicholas. 6 minutes ago.

Nasa bahay lang at nag g-gym, ang sabi ko kasama si Anna, kaso hindi nakasama kaya advance sorry nalang.

Hindi ko nalang pinansin, tinago ko ang cellphone ko at tumingin nalang sa bintana.

Hindi ko maintindihan si Nicholas, nagiging mabait sya sakin, pero may halong sakit padin, pero mas lamang yung pagiging masama nya.

Kahit papaano, may responsibilidad padin sya sakin kasi asawa nya ako, pahalagahan naman nya ako kahit hindi nya ako mahal. Matutunan nya din naman akong mahalin

Sa tamang panahon siguro.

Ilang oras ang lumipas at nakapunta na kami sa pupuntahan naming dalawa.

Tinigil ni Gio ang sasakyan nya sa isang parking lot na pupuntahan namin, bumaba ako, nagulat nalang ako kasi ang ganda dito.

Pag pasok ko palang ay napaka ganda at napaka laki ng lugar, sa gitna ay may di kalakihan na filed, kung saan pwede kumain don.

Bawat floor ay merong may mga iba't ibang waiter, para hindi masyadong magulo, bawat floor ay meron ding kitchen.

Pabilog ang style ng building na ito, kapag tinignan mo ang taas transparent ang bubong nito, napaka ganda, may swing din don.

Puro hagdan lang dito, pero ayos lang naman limang palapag lang naman ang nandito, pinunta ako ni Gio sa pang tatlo na palapag, mula sa taas ay kitang kita ko ang filed pati na din yung mga masasayng kumakain sa iba't ibang floor.

"Tara na? Sa upuan natin?" Magalang nitong tanong. Ngumiti naman ako dahil napaka gentleman nya ngayon.

Lagi naman actually.

Dinala nya ako sa uupuan namin ngayon, pumunta samin ang isang waiter para kunin ang order.

"Oorder na ba kayo ma'am sir?" Magalang na tanong nito sa'min.

"Yung sinabe ko na sa manager nyo. Naka usap ko na sya kahapon." Ngiting sagot ni Gio.

"Oh, Gio? Gio Dominus?" Kuminang ang mata ng waiter na ito at parang nakakita ng kayamanan.

"Yes?"

"Fan nyo po ako." Masayang masayang sabi nito. Nag tinginan ang mga tao sa direksyon ni Gio.

"Sir, padating na po." Masyaang sabi nito. At nag mamadaling umalis.

May mga taong tumayo sa upuan nila para mag pa picture kay Gio, pinanood ko lang syang kausapin ang mga humahanga sakanya.

Nung wala nang taong nag papa picture at kumakausap sakanya, naka hinga na sya ng maluwag. Nag sabi na din yung mga ibang nag tratrabaho dito na huwag sugudin si Gio.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now