12 - Will Miss You

Magsimula sa umpisa
                                    

“Yes, mama. Oh, baby Robby, stop playing na raw sabi ni mama. Behave ka na.” Hahahahaha. Sarap asarin ni papa, pikon kasi.

“Matulog ka na nga!” Nakangiti naman si papa, deep inside mag-bebehave na talaga ‘yan dahil si mama labs na niya ang nanaway. Haha. They’re so cute together.

Naglakad na ako patungong kwarto ko. Humiga ako sa kama kong kay lambot na may kulay pink na sapin na nag-mamatch naman sa kulay blue kong kwarto.

Pinatay ko na ang ilaw. Habang nakatitig ako sa mga luminous stars na nakadikit sa kisame ng kwarto ko, naalala ko tuloy si bes. Nasa proseso pa rin siya ng pag-momove on.

Sa isang araw na nga pala ang alis ni Daryl, gaga lang at gusto pang ihatid ang ex niya sa airport. Well, mahal niya talaga kasi, ganun talaga siguro kapag nagmahal ang isang tao. Ako kaya?

Hays… Bakit ba kasi kailangan pang mag-break ng dahil lang sa mangingibang bansa. Sarap iitsa sa outerspace nitong si Daryl eh.

Well, wala naman akong magagawa. Nilikha tayo ni Lord na may iba’t ibang katangian. Hindi ko dapat husgahan ang naging desisyon ni Daryl. Sigurado akong may dahilan siya kung bakit ‘yun na lang ang ginawa niya.

Hindi mo naman siguro gugustuhing tapusin ang relationship mo sa taong mahal mo ng dahil lang sa mangingibang bansa siya…hindi nga ba? O baka takot lang harapin ang mga tuksong darating?

Aba, mahirap din na hindi mo  nakakasama ‘yung mahal mo eh. At siyempre, baka gusto rin ni Daryl na maging malaya si Kate habang malayo siya. We never know, malay natin, he still loves her, and he’ll come back for her. Sa oras na linggo-linggo na ulit silang magkasama. Sana nga ganun na lang para happy ending.

Ano nga bang dahilan mo Daryl at ganun-ganun na lang kabilis nabasag ang puso ng pinakamamahal kong kaibigan?

Ako kaya, kakayanin ko nga ba talagang magpatagal ng relationship o kapag may dumating na ganyang sitwasyon, eh susukuan ko rin agad?

Eh kasi naman…wala pa nga akong boyfriend, break agad ang nasa isip. Makatulog na nga lang.

zzzZzzZZzzz…

---

Sunday afternoon, time to say farewell to you my kababata slash kinakapatid and ask him ano ba talaga ang dahilan.

Heto kami ngayon sa airport, ako, si kuya Dan, at nasaan na ang bes ko??? Siya ‘tong bida ngayon eh.

“Asan si Kate?” Tanong ni kuya Dan,makanguso naman ‘to, kala mo may ctrl+F ‘yung nguso niya para mahanap si Kate. “Nag-CR lang,” malamyang sagot ni Daryl.

“Perfect.” Yes, perfect timing for me to talk to you sh!t.

“Nagugutom na ako, bili lang ako ng pagkain ah.” Umalis si kuya Dan, as usual, gutom siya.

“10 mins.” Oyeah, nakaramdam ang loko.

---

Sa loob ng sampung minuto na ‘yun, naliwanagan din ako. Masakit din sa side ni Daryl. Hays, pag-ibig nga naman. May pumatak ngang luha sa akin habang nag-eexplain siya.

Time is running out, I need to cut this conversation bago pa maubusan ng moment si Kate at Daryl. “Oh well, may susunduin pa akong Diyosa sa CR, naligo na ata doon. I’ll be back.”

“Thanks Cee, for understanding me and all. Mamimiss din kita.” Kung hindi kalang naka-shades, nakikita ko ng nagtutwinkle ang mga mata mo sa mga luhang gusto ng pumatak.

“I know. Smile na, nasisira kagwapuhan mo.”

“Please take good care of her.” Seryoso niyang sinabing may ngiti sa kanyang mga labi.

Hearts UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon