Ano bang nangyayari?

Ang lakas nang kabog ng puso ko.

Bakit ba ako kinakabahan?

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko.

Hindi ko maipaliwanag.

"Hi." nakangiting sabi niya sa akin.

"H-hi." nauutal kong sagot sakaniya.

"Tara, nood tayong movie?" nakangiting aya niya sa akin.

Iginala ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang set-up na ginawa ni Trevyn para sa akin.

Inayos na ni Trevyn ang panonoorin namin.

"Anong pakay mo ngayong gabi?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Mapasaya ka." nakangiting sagot niya sa akin.

"Ay miss mo ako agad? Iba ka." natatawang biro ko sakaniya.

"Gusto kita palaging makita. Kahit malayo man ang byahe, sulit naman kapag nakikita kitang masaya at ako ang dahilan nang lahat ng iyon." nakangiting sabi niya sa akin.

Ay? Ano bang nangyayari sa akin!

Bakit ganito?

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Ano ba talagang gusto mong ipahiwatig?

"Maraming salamat sa lahat-lahat ng effort mo. Na-appreciate ko yun mula sa maliit na bagay hanggang sa malalaking bagay sa buhay nating dalawa." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Walang anuman, deserve mo lahat nang natanggap mong pag-aalaga at pagmamahal ng mga taong naka-paligid sayo." nakangiting sagot niya sa akin.

"Paano mo nga pala nalaman ang address ng Lola ko?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Tinanong ko kay Kuya Adrixennon. Nag-waze lang ako pagkatapos ay dito ako dinala ng mga direksyon na iyon." kalmadong sagot niya sa tanong ko.

"Nakaya mo itong i-set up lahat? Grabe ka ha." nakangiting biro ko sakaniya.

"Every girl deserves to be treated like a queen." nakangiting sabi niya sa akin.

"Indeed." pagsang-ayon ko sakaniya.

"Sinabi na ba sayo ng family mo ang bagong balita?" kalmadong tanong niya sa akin.

Grabe naman ang chismis, nahuhuli na ba ako sa latest?

Lakas ko namang maka-marites nito ha?

Ano ba kasi yun? Spill the tea dude!

"Anong balita? Wala pa naman kaming napag-usapan na ganiyan." malumanay niyang sabi sa akin.

"Sumama ka sa akin, hayaan mong sabihin nila sayo." kalmadong sabi niya sa akin.

Inilahad niya ang kamay niya at kaagad kong inabot iyon.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at naglakad kami papasok ng bahay ni Lola.

Tumingin si Trevyn at sumenyas siya sa parents ko.

Lumapit kami sakanila at naupo kami sa lamesa kasama ang dalawa kong Kuya.

"It's time to tell her." nakangiting sabi ni Trevyn sa pamilya ko.

Bakit?

Anong meron?

Nakakaloka!

"Anak, may importante kaming sasabihin sayo ngayong gabi." malumanay na sabi ni Mommy.

"Ano yun Mommy?" malumanay na sagot ko kay Mommy.

I'M INTO YOU SEASON 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon