Habang naglalakad kami ay nakakita kami ng isang garden at doon namin napili na maupo at magkwentuhan sa lahat ng mga naganap sa buhay-buhay namin.

"Maraming salamat sa lahat ng efforts mo para lang mapasaya ako at maging better person ako. Naappreciate ko lahat ng iyon. Sobra." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Wala yun, gusto lang kitang mapasaya at mas maging better sa susunod. Eto na ang kasunod ng kwento ko, sinabi sa akin ni Dionne na gustong-gusto ka daw niya kunin para sa publishing company niya. Hindi ko alam na favorite publishing company mo pala sila. Sobrang tuwang-tuwa ako para sayo noong nagsa-sign ka ng contract. Masaya ako para sa dalawang kaibigan ko na nagsa-succeed sa buhay. Noong nakaalis na tayo sa building, kinontak ko na ang in-charge na pulis kay Kuya Jerald. Pwede naman daw tayong dumalaw kaya grinab ko na ang chance. Isa ang acceptance at forgiveness para mag-heal ang isang tao. Alam kong traumatized ka pa rin sa mga pangyayari based sa facial expression at actions mo noong pumunta tayo sa presinto." mahabang kwento niya sa akin.

"Hindi naging madali ang proseso sa pag-face ko ng fears ko pero sobrang worth it naman niya. Lahat ng negative thoughts sa katawan ko, unti-unti siyang nawawala. Nakakatulong siya sa healing na gusto kong makamtan." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Hinawakan ko lang ang mga kamay mo para maramdaman mong hindi ka nagiisa sa laban mo, kasama mo ako palagi. Maraming salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako sa bagay na iyon. Dinala kita kay Kuya Jerald, nakita ko ang lungkot at galit sa mga mata mo noon. To be honest, nasasaktan ako para sayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya nanatili na lamang akong tahimik at nakinig sa lahat ng mga explanations niya na alam kong kailangan mong marinig at mabigyan ang chance ang relationship niyo bilang mag-pinsan."  mahabang kwento niya.

"Ilang taon ko rin kinikimkim ang sakit at galit sa puso ko. Hindi ko mapatawad ang sarili ko na hinayaan ko yung mangyari sa sarili ko. Napi-feel bad ako sakaniya dahil ini-spend niya ang mga taon niya sa kulungan nang hindi alam ang mga dahilan niya. Hindi man lang niya inilaban ang kaso niya, hinayaan niya lang akong makamtan ang hustisya. Wala siya sa tamang pagiisip noon kaya hindi ko alam kung tama nga bang ipakulong siya ni Daddy. Hindi ko alam, ang mahalaga ay naayos na ang problema sa pagitan naming dalawa." malumanay kong sabi sakaniya.

"Masaya ako na isa ako sa mga dahilan kung bakit nahanap mo ang acceptance at forgiveness diyan sa puso mo. Sobrang swerte ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit nagiging better person ka ngayon. Lagi mo lang tandaan na nandito lang ako palagi kapag nadadapa ka, tutulungan kitang tumayo." kalmadong sagot niya sa akin.

"Kung makakauwi na ako sa amin bukas, paano naman yung mga groceries na pinamili ko para sa apartment ko?" malumanay kong tanong sakaniya.

"Ganito na lang, ipamigay na lang natin yung mga groceries na pinamili mo. Ilagay natin sa may plastic pagkatapos ay ibigay natin sa mga taong hirap i-provide ang pangangailangan nila sa araw-araw. G ka?" nakangiting sagot niya sa akin.

"O sige ba! Bili na lang tayo ng plastic na paglalagyan natin pagkatapos dumaan na din tayo sa apartment ko para makapag-paalam ako sa landlady ko at makuha natin yung mga naiwang gamit ko lalong-lalo na yung groceries na ipapamigay natin." nakangiting sabi ko sakaniya.

Tumayo na kami sa upuan at nagpunta kami sa isang grocery store upang bumili ng mga plastic na gagamitin namin para sa pagpa-pack ng mga groceries na naiwan ko.

Matapos naming mamili ng mga plastics ay nagpunta na kami agad sa counter at nag-bayad.

Sumakay kami ng tricycle para balikan ang mga naiwan kong gamit at groceries.

6:37 PM

Kinuha ko ang susi ng apartment ko at binuksan ko ito.

Bumungad sa amin ang mga groceries at mga gamit ko na organisadong-organisado.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now