Wakas

29 4 0
                                    

Dedicated to: syrehartia23 Remscheidvin KrishaLucenada Ky_Jen Zendalliaention a userention a user

WAKAS

"Hanga rin ako sa iyo e."

Napatigil ako sa pagche-check ng orders sa café namin nang magsalita ang nasa gilid ko.

"Ang dami mo nang pinagdaanan pero lahat iyon kinaya mo. Tapos ngayon sobrang successful mo na," she added when I look at her.

Napailing ako sa kaniyang sinabi. "Hindi naman magiging ganito ka-successful ang Hiraya Café kung wala kayo e."

Sa halip na makita kong umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko ay mas lalo lang lumamlam ang mga mata niya.

"Matapos nang lahat ng ginawa ko sa iyo noong senior high school, ipinasok mo pa rin ako rito sa café mo."

I chuckled at what she said. Naalala ko ang mga panahong inaway at pinagtulungan nila ako ng kaibigan niya at siya rin pala itong nagpakalat na buntis ako noon.

"It was all in the past now, Angel," I said and smile genuinely at her. "May mga pagkakamali rin naman akong nagawa noon. The important thing is we learned from our mistakes, from our pasts.."

Tuluyan na siyang napangiti. "Kung tibo lang ako, siguro ikaw iyong nagustuhan ko noon at hindi si Kelvin."

We both laughed at what she said.

"But seriously, alam kong ilang beses na akong humingi ng tawad pero for the last time.." She paused and heave a sigh. "I'm sorry for all the things I did in the past."

I held her hand and gave her a warm smile. "And again, you're already forgiven."

When their family business went into bankruptcy, kinailangan niyang magtrabaho dahil inatake sa puso ang daddy niya at matanda na rin ang mommy niya. She's also pregnant that time. Wala akong ibang naramdaman kung hindi awa nang makita ko siyang nag-aapply noon. Iniwan din siya ng lalaking nakabuntis sa kaniya at alam kong mahirap makahanap ng trabaho kaya tinanggap ko na agad siya.

Tapos na rin naman lahat ng nangyari noon at walang kabuluhan kung magtatanim pa ako ng samang loob.

"Ang pangit naman ng café na ito! Nagdadaldalan sa oras ng trabaho iyong mga staffs."

Nanlaki ang mga ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis lumipad ang paningin ko sa isang lalaki.

"Kelvin!" He smirked when our eyes met. Mula sa pagtingin sa painting na nakadikit sa dingding ay lumapit ito sa amin.

"Hello, Kiva."

Lumawak ang ngiti ko at mabilis lumapit sa kaniya para yumakap.

"Ito na ata iyong part na need ko na um-exit," bulong ni Angel bago lumayo sa amin. "It's nice to see you again, ex-suitor," biro niya pa kay Kelvin bago tuluyang umalis.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko nang kumalas na ako sa yakap niya sa akin.

"Yesterday." Hindi nawawala ang ngisi sa labi niya. "I missed you."

Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ni hindi ka man lang nga nagme-message habang nasa ibang bansa ka."

Napahalakhak siya sa sinabi ko at umiling naman ako. "How is it?" My voice turned into a serious but soft one when I said that.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now