CHAPTER TWENTY-FOUR

11 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Tahip-tahip ang kaba na nararamdaman ko nang biglang prumeno ang tricycle. Muntik pa akong masubsob sa bakal na parte nito pero mabuti nalang at nakakapit ako sa kung saan kaya hindi ako tuluyang nasubsob.

Mabilis akong lumabas sa tricycle pero agad ding nahagip ng tricycle driver ang braso ko. Nanginig ako sa takot.

Malakas ang naging pagsinghap ko nang bago pa ako maipasok ulit ng lalaki sa sasakyan niya ay tumumba na siya sa kalsada.

“Stay away from her!”

Lumayo ako sa kaniya nang bigyan siya ng isa pang suntok ni Kelvin. Marahas akong lumunok.

“K-Kelvin..”

Pinigilan kong makalapit sa kanila pero malakas lang akong napasigaw nang bawian ng lalaki si Kelvin. Mabuti nalang at hindi masyadong nasaktan si Kelvin dahil daplis lang ang nagawa nito sa kaniya. Muli siyang pinagsusuntok ni Kelvin hanggang sa halos hindi na siya makatayo.

Napatakip ako sa bibig ko at walang nagawa kung hindi ang umiyak. Why did danger always come near me..

“A-Alis na tayo K-Kelvin.. Umalis na t-tayo..”

When Kelvin stopped punching the guy, he’s already panting hard. Pawis na siya at mabigat ang kaniyang paghinga. Parang gusto pa niyang sugudin ulit iyong lalaki pero nilapitan ko na siya at gamit ang nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang braso niya.

“K-Kelvin..”

Humarap siya sa akin at muli akong naiyak nang yakapin niya ako.

“Thank God, I arrived on time.”

“T-Thank you.. A-akala ko wala ng tutulong sa akin kanina.. I-I was so afraid.. S-Sabi ko bababa na ako e. A-Ayaw niyang iti.. itigil iyong sasakyan.”

“Ssh, i’m here, i’m already here.”

Sandali kaming nanatili sa ganoong puwesto, hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya. Nang bahagya akong kumalma ay kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin bago kunin ang panyo niya at ibigay iyon sa akin.

Pinanood ko siya nang magtipa siya sa cellphone niya. Matapos magtipa roon ng kung ano ay muli siyang humarap sa akin. “Humingi na ako ng tulong, the police will arrive in a few.”

Tumango ako sa kaniyang sinabi. Inalalayan niya ako patungo sa kotse niya.

“Mabuti nalang at nakita kita kanina. I was about to offer you a ride when that asshole drove fast even if his tricycle wasn’t full yet. Doon palang naghinala na ako kaya sinundan ko kayo. Hindi katiwa-tiwala ang mukha ng gagong iyon e.”

“Thank you talaga Kelv.”

He lifted his right hand and caress my face. “I’m glad that I am able to save you. You cried so hard, natakot ka ba ng sobra?”

Nag-iwas ako ng tingin at bahagya na lamang tumango. Hindi niya alam ang nangyari sa akin noon at hindi ko na gusto pang sabihin sa kaniya iyon. Kung puwede lang ay hindi ko ka maalala pa iyon. Gusto ko nang ibaon sa limot ang pangyayaring iyon.

Kelvin looks like he wants to ask me something but he only remain silent. Pinagpapasalamat kong naiintindihan at nirerespeto niya na ayaw ko ng pag-usapan pa ang nangyari kanina. Pero pasulyap-sulyap siya sa akin habang nagda-drive at binalewala ko nalang iyon.

“Thank you,” saad ko nang maihatid niya na ako sa bahay namin.

He nodded and pat my head. “Mag-iingat ka sa susunod. Don’t hesitate to call me if you needed help.”

Tinanguan ko siya at ilang segundo pa niya akong tinitigan bago sumakay sa kotse niya at paandarin iyon paalis. Napabuntong-hininga ako nang mawala na sa paningin ko ang kotse ni Kelvin.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now