CHAPTER SIXTEEN

10 3 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

“This place is beautiful. It looks so peaceful here.”

Hindi maitago ang pagkamangha sa boses ko habang pinagmamasdan ang lugar kung saan dinala ako ni Huxley.

“Hindi ko alam na may batis pala rito.”

Sa gilid ng batis ay may isang puno ng mangga na napaliligiran ng daan-daang alitaptap. Para silang mga Christmas lights na nakapalibot sa puno. Sobrang ganda noong pagmasdan. May iilang halaman din na nakatanim sa gilid ng batis at malaya ko iyong nakikita dahil sa dalang solar lamp ni Huxley. Naamoy ko pa ang humahalimuyak na bango ng ilang bulaklak.

“Masaya ako’t nagustuhan mo rin dito.”

Napabaling ako kay Huxley at nakitang nakatingin din siya sa akin. “How did you know this place?”

“Mahilig akong maglakad-lakad tuwing gabi just around our street.”

“Umamin ka nga, baranggay tanod ka ba?” I chuckled at what I said.

“What? Of course not!”

Mas lalo akong natawa dahil naalala ko ang reaksyon ni Sophie noon, parehong-pareho sila. They really are siblings.

Nagtungo ako sa isang putol na katawan ng puno at pinagpagan iyon bago ako umupo. Sumunod sa akin si Huxley at inilapag sa lupa ang dala niyang lamp.

“Why did you bring me here?”

“Gusto kitang masolo.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nakita ko naman ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya.

“Kidding aside,” saad niya kapagkuwan, “Nang makita ko itong lugar na ito ay ikaw agad ang pumasok sa isip ko. I think you deserve to see wonderful things so I brought you here. I want this place to be our place.”

“Sa inyo ba itong lote?”

Nagsalubong ang mga kilay ko nang bigla siyang natawa sa aking sinabi.

“No, Kiva. Hindi ito sa amin pero sa tingin ko ay puwede natin itong gawing tagpuan dahil wala naman masyadong napunta rito.”

“How can you be so sure na makikipagtagpo ako lagi sa iyo rito?” I challenge him but he just smirk.

“You’re here,” saad niya na ikinaikot ng mga mata ko.

“Napilitan lang akong sumama ’no. I was really curious with what you are going to make me see that’s why I’d go with you.”

Nakita ko ang pagdaan saglit ng sakit sa mga mata niya pero agad ding nawala iyon nang ngumiti siya. I felt guilty and suddenly want to take back my words but I couldn’t. Mahirap na iyong bawiin pa.

“I will make you miss me. Someday, you’ll miss me, Kiva and you’ll just find yourself going here.”

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. He sounded so confident but what he said is possible.

“Tingnan natin,” saad ko nalang.

“Beautiful.”

Napatingin ako sa kaniya nang sambitin niya iyon. Akala ko pa ay ako ang tinutukoy niya pero nang makitang nakatingala siya ay napanguso ako.

“The moon is beautiful, isn’t it?”

Tumingala rin ako at tinanaw ang bilog na bilog na buwan. Maliwanag ito at 'kay gandang pagmasdan.

“Hmm,” I hummed as an answer.

While looking at the beautiful moon, I can’t stop myself but to feel envy. The moon is loved by many despite it’s flaws. How I wish that I am also love and adored by many despite my imperfections.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now