CHAPTER SEVENTEEN

12 3 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

“What’s with your face, Kiva?”

Kunot ang noong humarap ako sa aking ina. “What’s with my face?”

“Ate ganito ka po oh.”

Nabaling ang paningin ko kay Jillian. Pilit niyang pinagsalubong ang mga kilay niya at pinahaba ang nguso niya. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko inaasahang ganoon na pala ang itsura ko habang kumakain kami ng umagahan.

Simula ng maging kami ni Huxley ay nagsimula na itong tumawag sa akin tuwing umaga. Noong una ay nagalit pa ako dahil naabala ang pagtulog ko pero nasanay na rin ako at hindi na rin naman siya tumatawag sa oras na tulog pa ako. He would greet me ‘good morning’ every morning and would also say that I am more beautiful than the morning. Napapairap na lamang ako kung minsan pero mas madalas ang mapangiti.

But this morning, he didn’t called me. Hinihintay kong tumawag siya habang nagbibihis ako kanina dahil madalas ay ganoong oras siya tumawag pero wala akong natanggap na tawag, ni text mula sa kaniya ay wala. I shouldn’t be grumpy because maybe he just overslept so he didn’t able to called me, but I can’t help it. Kusang nagsasalubong ang mga kilay ko.

“You didn’t woke up at the right sideof your bed?” saad naman ni tito Elrick at tumango na lamang ako.

Matapos kumain ay umalis na rin kami para magtungo sa school. Papasok pa lamang ako sa university nang makita ang isang familiar na sasakyan sa gilid nito.

I pressed my lips together when I saw Sophie heading out of the car. Nang makita ako nito ay nagtungo ito sa akin at nagsalubong naman ang mga kilay ko. Don’t tell me she’ll make me stay away from his brother again?

But my mouth parted when she speak.

“Come with me.”

“Bakit?”

Nagsalubong ang mga kilay nito at halatang nairita sa ginawa kong pagtatanong. Ghad, napakainit ng ulo niya pagdating sa akin.

“I thought you’re not flirting with my brother? Bakit ngayon ay hinahanap ka niya?”

“He’s looking for me?” Nabaling ang paningin ko sa sasakyan nila. “Naroon ba siya?”

Hindi ako sinagot ni Sophie at tinitigan lang ako ng seryoso. Sa halip na makipagtitigan ng mas matagal sa kaniya ay mabilis akong nagtungo sa van nila. Mabilis niya rin naman akong nasundan at nahawakan ang aking palapulsuhan.

“Stop doing this. Alam kong isasama mo lang sa mga koleksyon mo ng lalaki ang kuya ko,” mariin niyang wika.

Umawang ang labi ko dahil doon. I know that for years, I didn’t take anyone seriously, but Huxley is different.

“Wala akong mga lalaki.”

“Sinong niloko mo Kiva? Alam naman nating basta may nagkakagusto sa iyo ay ginagawa mo ng boyfriend at pagkatapos mong mapakinabangan ay basta ka nalang din nakikipag-break.”

Napabuga ako ng hangin dahil totoo naman iyon. But that was before. It was all in the past now. And I admit how immature I am on those days.

“Your brother is different. This is a different story Sophie.”

“I don’t believe you.” Umiling-iling ito na senyales na hindi talaga siya naniniwala sa akin at ayaw niya akong paniwalaan.

“Then don’t. But i’m serious with your brother. He’s a great guy so don’t doubt me for liking him. Hindi naman siya mahirap magustuhan.”

Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita ulit at agad akong nagtungo sa sasakyan nila. Kumatok ako roon at umawang ang labi ko nang magbukas ito at sumalubong nga sa akin si Huxley.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now