CHAPTER TWENTY-SIX

13 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

After being hospitalized, I’d seen some physical changes on my boyfriend. Mas naging maputla siya at may times na hindi niya rin mapigilan ang panginginig ng katawan niya. Itinatago niya pa iyon sa akin pero nakikita ko naman. I don’t want to over think but I am starting to be afraid because of his condition. Sinasabi ko kay tita ang mga napapansin ko at ang sabi niya ay epekto lang iyon ng treatment ni Huxley. Pero parang hindi ko magawang maniwala. Parang hindi nagiging maayos ang kondisyon niya at mas lumalala lang iyon. 

I still go to school at the mornings at sa hapon, madalas pumupunta ako sa kanila. I am lucky because my mom and tito Elrick is very supportive. Tuwing Sunday ay pumupunta si daddy sa bahay kasama si tita Anne para sumama sa aming magsimba at kilala niya na rin ang boyfriend ko. They said that I am already old enough to know what is wrong and what is right—I should know my limits. They trust me and I promised to not break their trust. Besides, Huxley is very gentleman. We only hug and kiss, kapag sa tingin niya’y lumalayo na kami roon ay siya na mismo ang tumitigil.

Huxley Fructoso

Good morning, love.

A smile formed at my lips when I received that from my boyfriend. I immediately typed a reply for him.

Me:

morning. pasok na ako sa school. kumain ka na?

Huxley Fructoso

Kakatapos lang, love.  You take care.

Binuksan ko ang camera app ng cellphone ko at inayos saglit ang aking buhok bago itaas ang cellphone ko. I smile at the camera the same time I click the capture button. Matapos kuhanan ang sarili ng litrato ay agad ko iyong senend sa kaniya. Hindi agad ako nakatanggap ng reply sa kaniya at ilang minuto pa bago siya nagreply.

Huxley Fructoso

You made me nervous, i thought it’s a nude photo

Me:

CRAULO

Huxley Fructoso

i was just kidding. ganda naman niyan, kaninong girlfriend ba iyan?

Napairap ako sa naging chat niya.

Me:

Baka kay Huxley Fructoso

Huxley Fructoso

He’s a lucky guy then.

Ramdam ko ang isang kamay na marahang gumagalaw sa likod ko.

Mangiyak-ngiyak ako nang halos isuka ko na lahat ang kinain ko kanina. Binuksan ko ang faucet at hinugasan doon ang labi ko. I accepted the tissue that Sophie offered.

“Gosh ano bang kinain mo kanina?”

I look at her, she’s crossing her arms in front of her chest while her brows are furrowed.

“C-Carbonara lang naman ang kinain ko.”

Napailing siya. “Baka may kung ano ka pang kinain.” Inilabas niya ang perfume niya at nag-spray sa paligid pati sa katawan niya at sa akin para mawala ang maasim na amoy ng suka ko.

“Wala lang ito. Dahil lang siguro sa naamoy kong hindi maganda kanina.”

“Kanina pa naman tayong magkasama pero wala naman akong ibang naaamoy.”

“Hayaan mo na, balik na nga tayo sa classroom.”

“Fine.”

Tinangnan ko pa saglit ang sarili kong repleksyon sa salamin at napansin ko ang pagtaba ng aking pisngi at maging ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba nagiging matakaw na ako o may hindi magandang nangyayari sa katawan ko. Iniiwasan ko na naman ang pagpupuyat kaya hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ba ang nangyayari sa akin.

When the class ended, Sophie approach me.

“Do you have something else to do? Or pauwi ka na?”

“Bakit?”

“May pinabibili kasi sa akin sa mall si mommy... baka puwede mo akong samahan?” she asked. “Pero kung hindi ka puwede I guess si Micah at Hershey na lang ang isasama ko.”

Napangisi ako sa sinabi niya at napiling. “I’ll come with you.”

Nakita ko ang pasimple niyang pag ngiti at nang makitang nakatingin ako sa kaniya ay nag-iwas siya ng tingin. I guess she doesn’t want me to see her happy because I will come with her. She looks a tough cookie in the outside but she’s really a softie behind that facade.

“Magre-redecorate si mommy ng bahay kaya ito,” Sophie said while we’re looking for some home decor to buy—filling my curiosity.

Some customers will turn their heads on our direction when we’ve passed by them. Hindi ko naman maikakailang hindi lang ako ang head turner. With Sophie’s milky white skin, pair of almond shape eyes, pointed nose, long straight black hair, and her tall height—she could easily catch someone’s attention. Mas matangkad siya sa akin ng dalawang inch siguro.

After we bought the things she have to buy, we decided to dine in, in a fast food chain inside the mall.

“Pakihawan na lang ng mga ito. I’ll be the one to order us nalang.”

Tinanggap ko ang mga paper bags na dala ni Sophie bago maghanap ng bakanteng puwesto para maupuan. Madaming tao sa loob ng fast food chain ka iyon at halos mapuno na ang loob.

Napahawak ako sa aking ulo habang naglalakad, parang bigla akong nahilo. Sinubukan kong maglakad muli pero naramdaman ko nalang ang unti-unting pagbigay ng katawan ko at ng talukap ng aking mga mata.

I even heard the gasp and screams of the people around me before I finally lost consciousness. Nangingibabaw pa roon ang boses ni Sophie.

“O my gosh! Kiva!”

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko at muli ko lamang iyong naipikit nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa ilaw na nasa puting kisame na bumungad sa paningin ko. Napakurap-kurap ako bago mag-attempt ulit mumulat at tuluyan nang luminaw sa aking paningin ang paligid.

“Oh god! Finally, you’re awake!”

I glance at where I heard the familiar voice and saw Sophie’s worried face.

“Anong.. nangyare?”

“Hinimatay ka sa mall earlier. I was in panic, hindi ko na nagawang tawagan pa sina kuya or your mom. Hanggang mamatay na iyong phone ko.”

Sinubukan kong iangat ang katawan ko para makaupo ako.

“Does my brother know?”

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. “You said to didn’t able to call him, why are you asking me that.”

Umiling siya at nagawa pang irapan ako. “It’s not what I mean! Don’t tell me you’re not going to tell about it to my brother!? He has the rights to know Kiva!”

“T-teka.. I can’t understand you, Sophie. Can you calm down? Ipaintindi mo sa akin ang ibig mong sabihin kasi h-hindi ko talaga maintindihan,” litanya ko, “Ano ba ang dapat kong sabihin sa kuya mo?”

“Don’t you notice the changes in your body?”

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko gustong isipin ang bagay na iyon pero unti-unti akong natakot para sa aking sarili.

I shook my head at Sophie. “Siguro napapabayaan ko lang ang sarili ko.”

“Oh shut up! Huwag ka ngang mag bulag-bulagan. Did something already happened between you and my brother?”

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at mabilis dinaga ng kaba ang puso ko. Hindi ko nagawang sagutin si Sophie. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. It can’t be...

“Kiva, you’re pregnant. The doctor said you’re 8 weeks pregnant.”

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now