CHAPTER TWELVE

17 4 0
                                    

CHAPTER TWELVE

“Ma’am, maawa na po kayo. Lasing lang po ako noon kaya nagawa ko iyon!”

“Iyong anak ko nagmakaawa rin sa inyo, pinakinggan niyo ba? Hindi ba’t hindi rin?”

Agad kong naramdaman ang panginginig ng katawan ko nang bumaling sa akin ang lalaki. My mom told me that I should just wait for them outside, but I want to face my fear. Gusto kong makita rin mismo na nakakulong na ang taong muntikan na rin akong babuyin.

“Neng, p-pasensya na. H-hindi namin sinasadya. H-Hindi naman kita nagalaw ’di ba? Si Raul lang naman ang—”

“If not because of the guy who saved my daughter, you will be able to also rape her! Katanginahan mo! Hindi mo sinadyang gahasain ang anak ko!? May asawa’t anak ka rin! Putangina!”

I held my dad’s hand to calm him down. Gustong-gusto na nitong sugudin ang lalaki kahit nasa loob na ito ng rehas kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamak niya. His veins is protruding. Namumula ang leeg at mukha niya sa galit. I know he’s just trying his best to not hurt the guy in front of us.

Minsan lang magmura ang tatay ko, ayaw na ayaw nitong nagmumura kaya alam ko talaga kapag galit na siya. He's having a hard time to control himself when he's angry.

Hindi na rin kami nagtagal pa roon at lumabas din kami agad ng presinto.

Nang tuluyang makalabas ay saka lang ako tila nakahinga ng maluwag. Kanina ay parang may sumasakal sa akin kaya ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

“Hon.”

Agad niyakap ni mama si tito Elrick na nasa labas ng presinto. Nagpasalamat naman si daddy dito dahil sa naging tulong nito at tumango lang si tito Elrick.

“Thank you.. po,” I uttered at nakangiting bumaling sa akin si tito Elrick. Marami pa akong gustong sabihin pero siguro ay saka na lang.

Mabilis nagdaan ang mga araw. I undergone some counseling because of the possible trauma that I gained because of the rape-incident that I’ve experience. Naging helpful naman iyon para unti-unti akong maging maayos at matanggap ko na ang nangyari sa akin. Minsan ay binabangungot pa rin ako pero hindi na madalas.

I also noticed the change of the way that my mom treats me. Mas madalas na ako nitong kumustahin hindi gaya noon. Pakiramdam ko ay bumabalik na ang closeness namin and I'm thankful because of that. While me and her partner—tito Elrick, was just fine, we're okay for now even if I'm still a little bit distant towards him.

Sa mga nagdaang araw ay hindi ko pa rin ulit nakikita si Huxley dahil hindi na kami sa bahay nila nagkikita-kita para sa Research study namin. Gusto kong magpasalamat sa mga nagawa niya para sa akin at gusto ko ring ibalik iyong jacket niya pero nahihiya akong magpunta sa bahay nila kung iyon lang ang sadya ko. But somehow, I feel like I'm missing his presence.

“Huwag kang bumili ng maraming sweets, ha? Mauubos na iyang ngipin mo.”

Nanlaki ang mga mata ni Jillian at napatakip siya sa kaniyang bibig. Napangiti ako dahil ang liit-liit ng kamay niya.

“Mabubungal na ako, ate?”

I nodded at what she said. “Kaya tigilan mo na ang kabibili ng lollipop.”

“Pero sarap po e.”

“Hindi kana magugustuhan ng crush mo kapag nabungal ka, sige.”

Mas lalo akong napangiti nang mamula ang pisngi niya. Humaba ang nguso niya at nagusot ang mukha.

“Hindi na nga po ako bili lopop.”

“Puwede pa rin naman basta paisa-isa lang.”

Ngumuso ulit si Jillian kaya marahan kong kinurot ang pisngi niya. My sister is very adorable kaya marami talaga ang may gusto rito. Madalas kapag kasama kaming dalawa ni mama ay hindi ako pinapansin ng mga tao dahil sa kaniya and I grew to be more jealous of her because of that. Pero na-realize ko na hindi niya naman kasalanan kung sobrang cute niya at mas pansinin kumpara sa akin.

I Met Him In The Dark ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon