CHAPTER SEVEN

18 3 2
                                    

CHAPTER SEVEN

After our class ended, niyaya ako ni Kelvin mag-arcade. Syempre libre niya. Siya na rin ang nagpaalam kay mama na lalabas kami through phone call at pumayag naman ito. Ewan ko nga kung anong pinapakain nito ni Kelvin Light sa nanay ko e, at mabait sa kaniya.

Naglalaro kami ng basketball nang biglang tumawag ang mommy niya. He excused himself before talking to her mother.

"Anong sabi ni tita?" tanong ko nang makabalik siya sa puwesto namin kanina.

"I'm sorry," saad nito na tila problemado. Salubong ang kilay nito at bigla rin tuloy nagsalubong ang mga kilay ko. "I can't take you home."

"Why? Anong sabi? Anong nangyari?"

"Inatake raw si lolo sa puso."
Nagmamadali nitong kinuha ang wallet niya at nagtaka ako nang mag-abot siya sa akin ng pamasahe.

"Here, take that. Pamasahe mo."

Umawang ang labi ko at agad natawa. "Para kang sira! Ano ka asukal de papa?" Umiling ako, natatawa pa rin. "Samama nalang ako sa iyo. Gusto ko ring makita si lolo Fernand."

I saw how his expression turned soft. He heaved a sigh and gently brush his hair using his fingers.

"No, huwag na. Ang paalam ko lang kay tita sa arcade e. Just go home. Bukas mo nalang dalawin si lolo."

"Sure ka? Madali lang naman ako roon tapos commute na ako pauwi."

"Bukas nalang, Kiva. Nagmamadali ako."

I nodded, understanding him. Kapag kasama niya kasi ako ay moderate lang ang bilis lagi ng pagpapatakbo niya ng sasaktan. He's afraid that we might get into an accident if he'll be a reckless driver.

"Okay. Drive fast yet safely. Huwag mo kalilimutan ilagay iyong seat belt. Bobo ka pa naman minsan."

Natawa siya sa sinabi ko. Bago umalis ay ginulo niya pa ang buhok ko kaya minura ko siya.

Hindi na ako naglaro pa ng ibang laro nang makaalis si Kelvin at nagpasya na lang din akong umuwi. When I checked the time in my phone, it is already 8 in the evening. Sumakay ako sa tricycle pauwi at nagpababa lang sa bukana ng street namin.

Bukod sa sinisipag akong maglakad ay inaasahan kong makita iyong lalaking laging naka-hoodie jacket. After all of our encounters, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam miski ang pangalan niya. I really find him mysterious.

Bigla akong kinabahan nang magawi ako sa madilim na parte ng street namin. Dalawang abandonadong mansyon ang madadaanan ko kaya madilim sa lugar at tahimik. Iisa pa naman ang poste ng ilaw doon at papatay-patay pa.

"Uy, miss. Tapos na ba ang klase niyo?"

Halos magtayuan ang balahibo ko sa buong katawan nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Pasuray-suray ang mga ito at halatang lango sa alak. Mabilis dinaga ang puso ko dahil sa kaba. I gripped my bag tightly. Kapag sinugod ako ng mga ito ay ihahambalos ko sa kanila ang bag ko.

"Baka gusto mong kami naman ang magturo sa iyo," saad noong may hawak ng bote at tila baliw na tumawa, "Doon tayo sa may likod ng puno. Maganda iyong ituturo namin sa iyo."

Napatingin ako sa punong itinuro nito bago napaatras dahil sa pag-abante ulit nito palapit sa akin.

"P-pulis ang tatay ko," I stuttered.

Malulutong na halakhak noong dalawang lasing ang sumakop sa tahimik na paligid.

"Wala namang magagawa iyong tatay mo kasi wala siya rito e," saad ng isa sa kanila.

"Mabilis lang naman tayo, miss. Pumayag ka na."

Napatili ako nang hawakan ako ng isa sa kanila. Hinambalos ko rito ang bag pero tila hindi siya nasaktan masyado noon. Kinuha niya ito sa akin at itinapon sa malayo.

I Met Him In The Dark ✔️Место, где живут истории. Откройте их для себя