CHAPTER TWENTY-SEVEN

9 3 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Let’s break up.

Three words—three words but I have to gain all the courage I need to send that to my boyfriend—soon to be my ex.

Napapikit ako nang rumagasa sa isipan ko ang mga sinabi ni Sophie.

“Kiva, you’re pregnant. The doctor said you’re 8 weeks pregnant.”

Nagbukas-sara ang labi ko pero walang namutawi ni isa mang salita mula roon. Napakurap-kurap ako at nanginginig ang kamay na dumapo sa tiyan ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin o iproproseso ang narinig.

No. It can’t be.

“Kuya should know this. He’s the father of your child.”

Napatingin ako kay Sophie at hindi napigilan ang pagtulo ng mainit na likido sa mata ko nang makatagpo ang kaniya.

“W-why are you crying? Alam mong hindi makakabuti iyan sa baby mo. Aren’t you happy?”

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Hindi ko alam kong paano siya sasagutin. Kung paano ko ipaliliwanag na hindi si Huxley ang ama ng dinadala ko. Ni wala pang nangyayari sa amin kaya malabong may mabuo.

“Hey, it’s okay.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako. “I know you're not yet ready for this... but it’s already here. May bata na sa sinapupunan mo. I know it’s hard but we are here.. kuya Huxley will take care of the both of you. Your family.. I’m sure they will help you.”

Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalo lang akong naiyak. How will I say this to my family? To Huxley?

“I-I...” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. I can’t find the right words to say.

“It’s okay..” Mas niyakap ako ni Sophie habang patuloy siya sa pagsasabi ng mga salitang sa tingin niya ay makakapagpagaan sa akin.

“Don’t tell this to Huxley..”

Saglit na natigilan si Sophie bago ako harapan. Her brows met at the center while looking at me. Tila hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ko.

“Why? My brother needs to know! He has the right to know that you’re pregnant because he’s the father of that child.”

Nag-iwas ako ng tingin. “He doesn’t need to know.”

“Kiva are you seriously telling me that? Sabihin mo nga, wala ka bang balak na ipakilala ang anak mo sa ama niya? Nag-away ba kayo ni kuya?” Lumaki ang gatla sa noo niya nang muli akong bumaling sa kaniya at umiling.

“N-No..”

“Then why? If you can’t this tell to my brother, ako ang magsasabi. Natatakot ka bang hindi iyan panagutan ni kuya? But that’s impossible, Kiva. My brother is so much in love with you, i’m hundred percent sure that he will accept your child.”

I bite my lower lip when it tremble. “Y-You don’t understand.”

“Then make me understand! Goddammit! Kahit buntis ka, masasabunutan kita! What the hell is wrong with you!?”

Nagbaba ako ng tingin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. I gulp the lump in my throat before I spoke,

“You don’t have to tell this to your brother because... h-he’s not the father of my child.”

Isang nakabibinging katahimikan ang lumukob sa amin. Ang mga mahihinang pagsinghot at pag-iyak ko lang ang naririnig sa kabuuan ng kwarto.

Hindi ko ito ginusto.. Ang isiping hindi si Huxley ang ama ng dinadala ko ay masakit na. Pero ang katotohanang bunga ng karahasan at pananamantala ang dinadala ko ay sobrang bigat at hindi ko matanggap-tanggap.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now