CHAPTER ELEVEN

17 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

I hug myself when the cold breeze brush against my skin. Gumuhit sa lalamunan ko ang lasa ng beer na kalalagok ko lamang. Parang gusto ko nalang kalimutan ang lahat. Puwede ba iyon?

Do I deserve all of this?

Marahas kong pinalis ang butil ng luha na kumawala sa pisngi ko at ihinagis ang bote ng beer na kalahati palang ang nababawas.

Bumaba ako mula sa kalawanging swing na inuupuan ko at pinulot ang isang piraso ng basag na bote. Nabigla naman ako nang biglang may humawak sa braso ko.

“Are you out of your mind!?”

My eyes widened when I saw who it was. Nanlalaki ang mga mata niya at mabibigat ang kaniyang paghinga dahil pansin ko ang mabilis na pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Napaawang ang labi ko at hindi nakapagsalita.

“May balak ka bang magpakamatay? Sa tingin mo ba mareresolba iyang problema mo kapag nagpakamatay ka?”

“I.. I wouldn’t kill myself. Magsusulat lang naman sana ako sa lupa gamit iyong bubog,” saad ko nang tila nahanap ko na ang aking boses.

Mabilis lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at marahang inagaw sa akin ang bubog na pinakawalan ko naman. “You still might hurt yourself.” He heaved a sigh of relief nang tuluyang maagaw sa akin ang bubog.

Napatingin ako sa kamay ko nang hawakan niya iyon at i-trace ang mga guhit sa palad ko. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang dumadaan ang bawat segundo. His little gestures... It always makes my heart flutter and makes the butterflies inside my stomach goes wild. Siya lang ang nakagagawa noon, si Huxley Fructoso lang.

Napansin ko ang gitarang dala niya na nakasukbit sa likod niya.

“Can you..”

Nag-angat ito ng tingin sa akin at hindi ko mabasa ang mga mata nitong tila nangungusap. His eyes holds so much emotions.

“Hmm?”

Napalunok ako at muling bumaling sa gitara sa likod niya. “Can you play your guitar for me?”

He lick his lower lip before he spoke. “Sure.”

Inilabas niya ang gitara niya at naupo kami sa dalawang swing doon. I stared at him, watching his every movement. Bumuntong-hininga ito bago nagsimulang mag-strum sa gitara.

“I see your monsters.. I see your pain...” he sang gently. Hindi ko inaasahan ang pagkanta niya dahil ang sabi ko lang naman ay kung puwede niya akong tugtugan ng gitara.

Tell me your problems

I’ll chase them away

I'll be your lighthouse

I’ll make it all okay

Napapikit ako dahil sa ganda ng boses niya. Parang kinakalma ako ng boses niya. It feels like he’s saying that everything is gonna be okay, that everything will be all right because he's just there—he’s going to protect me.

Napamulat ako ng mga mata nang biglang tumigil ang tugtog kahit hindi pa naman natatapos ang kanta. Nagulat ako nang sumalubong sa pagmulat ko ang mga mata niya. He's so close to me that we’re only inches apart.

Iniangat niya ang kamay niya at napasinghap ako nang dumampi iyon sa pisngi ko. He gently wipe it and because of that, I realized that I am already crying.

Marahan kong tinabig ang kamay niya para ako na ang magpunas ng mukha ko. I turned to the other side so he won’t see me. Nakakahiya at nakita niya pa akong umiyak. I don’t want people to see me cry, pakiramdam ko ay sobrang nakakaawa ako kapag nakikita ako ng ibang tao na umiiyak.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now