CHAPTER NINETEEN

18 3 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Ilang minuto kaming tahimik habang magkayakap lang sa isa’t isa bago siya kumalas sa yakap na iyon.

He tucked some strands of my hair behind my ear when we face each other. Ngumiti siya matapos gawin iyon at saglit akong pinagmasdan. “Ganda mo,” he said that made me distracted and blush instantly.

Yumuko ako para i-compose ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong dapat na emosyon ang ipakita ko sa kaniya. Dapat ba galit ako kasi naglihim siya sa akin o mahinahon dahil hindi na dapat pa namin ito pag-awayan?

I heaved a sigh before looking back at Huxley’s curious eyes.
“Why didn’t you tell me?”

“Tell you what, love?”

“You have an XP! Why didn’t you tell me about it!? Bakit kailangang sa mismong mama mo pa ko malaman?”

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mga mata niya. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko iyon. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko nang makita ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. I suddenly got pissed off while thinking of his health. Noong isang araw ay niyaya niya akong mag-date at sabi ko ay sa umaga lang ako free at pumayag naman siya. Mabuti nalang at hindi natuloy dahil kinailangan kong tumulong sa restaurant namin nang araw na iyon. Pero paano kung natuloy?

“I-I’m sorry, love.”

“You should told me earlier that you have an XP, Huxley. Girlfriend mo ako e. Sinabi mo sana para aware ako, para maingatan din kita.” I bit my lip when it trembled. Nag-umpisang maglandas ang maiinit na butil ng luha sa aking mga mata.

“I want to live a normal life, Kiva,” tila nanghihina niyang wika.

Mas lalo akong naiyak. “You know that you can’t... Huxley.”

Umawang ang labi niya at kalaunan ay tumango. “I was also afraid. B-baka hindi mo ako magustuhan kapag nalaman mong may sakit ako. Who would like a sick person like me?”

Napailing ako sa sinabi niya. “You having that rare allergy wouldn’t stop me from liking you, Huxley.”

I gave him a small smile and immediately wipe the tear that fell on his eyes. Pareho na kami ngayong umiiyak at hindi ko mapigilan ang pagkabasag ng aking puso nang makita ang mga luha niya. It’s my first time to see him cry and it really breaks my heart.

“I am even proud of you. I know you’ve been through a lot but you are still here—striving and fighting for your life. You had pass many struggles so please... don’t risk your life for me. Maiintindihan ko kung tuwing gabi lang tayo magkikita. Maiintindihan ko kung hindi tayo laging magkakausap. I will always understand you.”

He bite his lower lip before pulling me for another tight hug.

“God I like you so much,” he uttered and I felt the butterflies in my stomach just by hearing that from him. “I can’t loose you—I’m afraid to loose you, Kiva. My illness can’t be treated. It has no cure. I—”

“You wouldn’t die, Huxley!” Mas lalo akong naiyak sa isiping mawawala siya sa akin.

How can he say that easily? Na parang wala lang sa kaniya kung mawala siya. Pero para sa akin, parang hindi ko kaya. Hindi ko alam kung saan ulit ako mag-uumpisa kapag iniwan niya ako.

Napapikit ako nang dumampi ang labi niya sa noo ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo roon.

“I will not die early. Sisikapin kong mabuhay pa nang mas matagal para sa iyo.”

I immediately shook my head. It shouldn’t be like that. “No, live for yourself, Huxley and don’t ever risk your life for me.”

“I think I can’t promise,” he whispered, “I am willing to die for you.”

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now