CHAPTER FOUR

19 6 0
                                    

CHAPTER FOUR

Hindi na ako muling ginulo pa ni Angel matapos noong naging pag-uusap nila ni Kelvin. Pero minsan ay nakakasalubong ko sila noong kaibigan niya sa cafeteria o hallway, at kung nakamamatay lang ang tingin ay matagal na akong pinaglalamayan. Paano ba naman ay lagi akong pinupukol ng masamang tingin noong kaibigan ni Angel na akala mo ay may nagawa ako sa kaniyang napakalaking kasalanan. Heck, may sayad ata ang babaeng iyon.

Patapos na ang klase namin nang mag-vibrate ang cellphone ko. Pasimple ko iyong dinukot mula sa bulsa ng skirt ko noong hindi nakatingin ang teacher namin at binasa ang text. It was from Kelvin.

Kelvin Light:

Sabay ka pauwi?

Muli akong sumulyap sa teacher namin at nang makitang hindi pa rin nagagawi ang paningin nito sa puwesto ko ay mabilis akong nag-type ng ire-reply.

Me:

Nope. Daddy will pick me up. May usapan kami. :))

Mabilis kong itinago ang cellphone ko nang mai-send iyon. Nang matapos ang klase ay excited akong lumabas ng classroom. Nang makalabas ng university ay nagulat pa akong nandoon si tito Elrick at nasundo na nito si Jillian, mukhang ako nalang ang hinihintay nito.

Bababa sana ito ng sasakyan nang makita ako pero sumenyas ako na huwag na at buksan niya na lamang ang bintana ng kotse.

"Hindi po ako sasabay. My dad will pick me up. Nakapagpaalam na rin ako kay mommy."

Mukhang nagulat ito sa aking sinabi pero tumango rin kapag kuwan. "Hindi nasabi sa akin ng mommy mo e. Maybe she's busy," saad niya, "Well, enjoy your date with your dad and take care, Kind."

I bite my lower lip at the name he used to call me. Hindi ako sanay na tawagin sa ganoon pero tumango nalang ako.

Bumaling siya kay Jillian kaya nabaling din ang paningin ko rito. "Say bye to your ate, Jillian."

"Bye, ate! Teyk ker!"

I only give Jillian a small smile then wave my hand at her. Nang mawala sila sa paningin ko ay agad kong cheneck ang cellphone ko para tingnan kung may text na si daddy pero nabigo ako dahil wala pa.

May ilang bumabati sa akin at nginingitian ko lang o tinatanguan ang mga iyon kung kilala ko.

Nabaling ang paningin ko sa pamilyar na kotse nang businahan ako nito. Bumaba ang bintana nito at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kelvin.

"Say tito that I said hi."

Ngumiti ako at maangas na tumango sa kaniya. "Ge, layas na. Panget mo!"

Nanlaki ang mata nito at agad inilagay ang kamay niya sa kaniyang dibdib. "Hindi na ikaw ang Kiva na kilala ko."

I rolled my eyes at him before I wave my hand. "Ingat pauwi!"

"Enjoy your date with tito."

Tinanguan ko nalang ulit siya at tuluyan na siyang umalis. Ilang minuto matapos umalis ni Kelvin ay hindi pa dumadating si daddy at wala pa rin akong nare-receive na text mula rito. I don't really have a long patience that's why I decided that I will only text him.

Me:

Dad where are you? Are you still busy? Narito pa rin po ako sa labas ng univ namin.

Ngumuso ako matapos mai-send ang text kay daddy. Muli akong naghintay ng ilan pang minuto pero nababagot lang ako kaya muli ko itong tenext.

Me:

You promised dad.

I'm starting to loose hope that our date will only turn into a drawing when he replies to my text.

I Met Him In The Dark ✔️Where stories live. Discover now