Nanghingi ako ng sabon panlaba sa Tita ko na may-ari ng isang sari-sari store.

"Kumuha ka na lang diyan, bilisan mo ang paglalaba dahil hapon na!" masungit na sabi ng Tita ko.

Kumuha na lamang ako ng sabon at nagsimula akong basain ang mga lalabhan ko.

Ginamit ko ang hose at pinatulo ang tubig sa may batya.

Nilagyan ko ng sabon panlaba ang mga damit ko pagkatapos ay kinusot-kusot ko na ito isa-isa.

Biglang dumaan ang Tita ko at matalim ako nitong tiningnan.

"Ano ba naman yan Xeinna! Simpleng paglalaba lang ng damit, mali-mali pa!" tinapik nito ang kamay ko at itinulak ako upang maging sanhi ng pagkabagsak ko sa kinauupuan ko.

"Pasyensya na po Tita, hindi ko po kasi kabisado ang paglalaba dahil hindi naman ito naituro sa akin ni Mommy. Wala naman po akong alam sa paggamit ng washing machine kaya sa ganitong paraan ko na lamang po nilalabhan." pag-hingi ko ng tawad kay Tita.

Hinila ako ni Tita at mahigpit ang pagkakahawak nito.

Ang sakit . . . .

Napaiyak na lamang ako ng tahimik dahil wala akong magawa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o may tatanggap pa ba sa akin bukod sa pamilya ko.

Tinuro sa akin ni Tita kung paano gumamit ng washing machine.

"Ayan! Ganiyan ang paggamit ng washing machine! Jusko kang bata ka, sakit ka sa ulo!" napakamot sa ulo si Tita ngunit nanatili lamang akong tahimik sa tabi niya.

Kinuha ko ang batya ko at inilagay ko ang mga damit ko sa washing machine.

Ginaya ko ang ginawa ni Tita kanina sa washing machine.

Bago magdilim ay natapos din akong maglaba.

Isinampay ko itong lahat at pinuntahan ang Lola kong may sakit.

Bedridden na ang Lola ko kaya hirap na itong makatayo o makaupo man lang.

"Xeinna!" malakas na tawag sa akin ng Lola ko.

"Ano pong kailangan niyo Lola?" mahinahon kong tanong sa Lola ko.

"Masahihin mo nga ang kamay ko at parang naninigas na naman." utos ni Lola sa akin.

Sinunod ko ang kagustuhan nito at minasahe ang kamay niya.

Matapos ang ilang minuto ay umupo na ako sa sala kung saan ako matutulog ngayong gabi.

Tumawag muli si Lola sa akin.

"Xeinna!" malakas na tawag ni Lola sa akin.

"Ano pong kailangan niyo Lola?" mahinahon kong tanong sa Lola ko.

"Mag-saing ka na! Darating na ang Kuya Jerald mo, gutom yun pagkatapos ng trabaho." utos sa akin ni Lola."

Nagsaing na ako sa rice cooker at isinaksak ko sa saksakan upang maluto.

Nagluto na din ako ng ulam para kapag dumating si Kuya Jerald ay ayos na ang lahat.

Tumawag muli si Lola at kaagad ko siyang pinuntahan.

"Xeinna!" malakas na tawag ni Lola sa akin.

"Bakit po Lola, may kailangan po ba kayo ulit sa akin?" mahinahon kong tanong kay Lola.

"Nakapag-luto ka na ba ng ulam? Baka kanin lang ang sinaing mo, gabi na. Anong oras na? Pagod na ang Kuya Jerald mo sa trabaho. Wag mo na iyong dagdagan pa." masungit na sagot ni Lola sa akin.

I'M INTO YOU SEASON 1Where stories live. Discover now