Sumiksik ako sa kaniya. "Natatakot ako, Love." bulong ko.

Lumapit si Quiro kay Khalix, at may kung anong binulong ito sa kaniya. Naramdaman ko nalang ang pagbuntong hininga niya at nag-aalalang napatingin sa akin.

"Uncle Kin is waiting. . . goodluck Khal." nakangising sinabi ni Steffany.

Tumungo kami palabas. Halos lumuwa ang mga mata ko nang madatnan naming may mga lalakeng nakaformal suit na prenteng nakaupo sa may sofa. Nakakatakot at nakakaintimidate ang kanilang mga postura, ang isa sa kanila ay si Mr. Mondragon.

Nang makita ako ay napatingin silang tatlo sa kasama nila. Pansin kong nagulat rin ito nang mapatingin sa akin, at binigyan ng matalim na tingin si Quiro.

"Still investigating, Sir." rinig kong paliwanag ni Quiro nang kausapin siya.

"Papa."

Sinundan ko iyon ng tingin. Nasa hamba ito ng pinto at kinakausap ang mga problemadong mga kaibigan ni Khalix; sina Archie.

Nanayo ang balahibo ko nang magtama ang tingin namin nito. Tama si Bria, walang pinagkaiba ang itsura ni Mr. Trevor kay Khalix; ngunit nakakatakot lang ito  tumingin at lalong nakakaintimidate ang dating niya kumpara kina Mr. Mondragon.

"Is she pregnant?" malalim ang boses nito.

Nagkatinginan kami ni Khalix. "Yes Papa."

"Liar!"

"Shut up Stef!" sita sa kaniya ni Copper.

Natahimik kami ng tumawa si Mr. Trevor, hindi mababakas ang tuwa at saya sa mukha niya sa paraan ng pagtawa niya.

Nang umupo ito ay sinulyapan niya ako saglit bago liningon yung katabi niya. Naiiling naman itong binigyan ng alak at ginawaran din ako ng sulyap.

"She resembles your wife." aniya.

"Just don't hit her." sagot naman ng lalake na tinanguan ni Mr. Trevor.

Lumapit si Kaizhee sa kanila at may kung anong mga papeles ang inabot niya kay Mr. Trevor. Napamura si Khalix sa tabi ko at galit na galit na nakatingin sa pinsan.

"Son, is she really pregnant?" kalmado ngunit kahit sino ay mararamdaman ang galit sa tinig niya.

Hinawakan niya ako sa kamay. "Yes, she is." tumatangong sagot nito.

"Then prove it." pagsingit ni Kaizhee at inilatag sa harapan namin ang mga PT kit.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari, lalong lalo na kay Khalix. Maaaring masira siya sa lahat lalong lalo na kay Mr. Trevor kapag nalaman nila na hindi ako buntis.

Napalunok ako ng marahang hinalikan ni Khalix ang kamay ko, bago niya pinulot ang ilang piraso ng Pregnancy test kit sa sahig.

"L-love." nanginginig na pagtawag ko nang iniabot niya sa akin ang mga PT kit.

Mabilis niyang hinalikan ang labi ko. "Everything will be fine. Just trust me, okay?" pagpapakalma niya.

Nang makapasok kami sa CR, ay agad nanghina ang tuhod ko at napayakap sa kaniya. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Papa mo yun? Shucks! Nakakatakot!" pilit akong tumawa para gumaan ang loob ko.

Binuhat niya ako papupo sa sink. "He's kind and a lovable father." sabi niya.

"Feel ko papatayin niya ako kapag nalaman niyang hindi ako buntis! Pano na yan?!" problemadong saad ko.

Kainis talaga sina Kaizhee at Steffany, hindi talaga nila ako tinatantanan. At talagang pinalala pa nila ang sitwasyon namin ni Khalix, at nagsama pa talaga ng mga reporters.

Impregnated By The Billionaire Where stories live. Discover now