"Ang boring."

Ilang oras na ang lumipas, hindi pa lumalabas si Khalix sa kwarto simula kanina. Nagpadala na ako ng meryenda niya dahil ayaw naman niya akong papasukin doon.

Wala naman akong masyadong magawa dito sa Penthouse, kaya napagpasiyahan ko munang maglibang sa Social Media.

Gumawa ako ng bagong Ig account, pinost ko agad yung mga pictures namin ni Khalix sa Japan. Wala pang ilang minuto, ay sunod-sunod nang nagnonotif ang followers at likes sa mga post ko.

                                 • • • • •
3,980 likes
Ayesh.a_Madrigal; SPRINGDAY in Japan.
View all 2,418 comments

Umulan ng sari't saring komento yung nag-iisang solo picture ni Khalix kung saan nasa hotspring kami, at naka-full view yung abs niya.

Ayesh.a_Madrigal     2m                       🤍
- Ang hot nga talaga.                              378
    __________View 229 replies

Iyon ang naging komento ko sa solo picture ni Khalix. Ilang segundo lang ay marami ng nagfollow up comments sa sinabi ko.

Ayesh.a_Madrigal       1                  28k
                                         Post        Followers

Naghanap pa ako ng iba pang pictures namin ni Khalix sa gallery. Nagpost ako ng marami. . . hindi naman nila siguro mahahalatang late post ang mga pictures dahil hindi naman kami lumabas simula kaninang umaga.

Isa pa, okay na rin ito dahil iisipin ng mga bashers ko na nasa Japan kami hanggang ngayon, kaya lalo silang mababatrip dahil iisipin nilang nag-eenjoy kaming dalawa.

                                 • • • • • • •
8,170 likes
Ayesh.a_Madrigal; Date with you.
View all 613 comments

Hindi ako nagkamali, pinutakte agad ng mga bashers ko yung mga sweet pictures namin ni Khalix. Nangunguna sa comment section ang mga fans ni Veronica.

Ayesh.a_Madrigal    1m                         🤍
-Shout out, My dearest Bashers.        105
    __________View 74 replies

Binuksan ko ang notifications, parang biglang nahiya ako ng makitang finollow ako ng mga kaibigan ni Khalix. Ni-like rin nila ang apat kong pinost.

Hashiift.Potson
-Follows you

Kzee_Trevor
-Follows you

Archie.d'Igop
-Follows you

BlueToShiBa
-Follows you

Copper MonteNegro
-Follows you

King_Kyle.
-Follows you

Nanginig ang aking kamay at aksidente kong nabitawan ang hawak kong cellphone ng makitang finollow ako ni Kyle Swest!

Dagli kong pinulot ang cellphone at nagsisitalon sabay tili sa sobrang kilig at saya, after seven years of being a fan of him! Finollow ako ng Ultimate Crush kong si KYLE SWEST!

Napangiwi ako ng tumama ang siko ko sa isang matigas ng bagay. Liningon ko ang nasa likuran ko, naalarma ako ng makitang nasiko ko pala sa mukha sina Archie at Jared.

"Fvck! Ang sakit Ate Aye!"

"Oh men! It hurts!"

Linapitan ko sila. "Nako, sorry!"

Impregnated By The Billionaire जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें