Special Chapter 6 : The Finale

Beginne am Anfang
                                    


August 3, 2023

Good day!

Nandito na naman ako para magbigay ng update with regard to this story. Before anything else, I just want to say that I am very sorry kung napakatagal na simula noong isulat ko ito. July 12, 2021 noong simulan ko ang kwentong ito at hindi ko lubos akalain na aabot sa ganitong katagal. Lumipas na ang dalawang taon mahigit at malapit na namang sumapit ang panibagong taon. Nalulungkot at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang tapusin ang akdang ito sa itinakdang panahon. Alam ko namang hindi sapat na dahilan ang mga ibinigay ko dahil kung talagang gusto koi tong tapusin, dapat natapos ko na noon pa man. Aaminin ko na hindi ko napanindigan ang mga ipinangako ko sa sarili. Dumating na nga rin sa puntong kinuwestiyon ko na ang sarili ko. Kung para sa akin ba talaga ang pagsusulat?
Kaya naman ngayong buwan, pinagsikapan kong tapusin na ang nobelang ito. Hindi ko na kaya pang paabutin ito sa susunod pang taon dahil mas lalo lang akong panghihinaan ng loob at baka ito pa ang maging dahilan upang ihinto ko na ang pagsusulat. Kaya magmula ngayon ay sinubukan kong tapusin ito nang paunti-unti, kahit isang eksena lamang ang naidagdag ko kada araw ang mahalaga matapos ko na.
Ang bahaging ito ay ang siyang magiging huling bahagi ng kuwento. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maging makabuluhan ang pagwawakas ng kuwento. Inaamin kong nakailang ulit ako bago ko napagpasyahang ito na ang huling draft na i-a-upload ko. Kaya naman, sa mga makababasa ng nobelang ito, umaasa akong magugustuhan ninyo. Maraming salamat!

***

"Aya!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Ano'ng ginagawa nila rito?

"Von?!"

Hingal na hingal sila nang makalapit sa kinaroroonan ko. Kasama niya sina Kevin, Leo at Wen. I missed them so much.

"We're here... to help," habol ang hiningang tugon niya. Pinawi ko naman ang pagod nila gamit ang kapangyarihan ko dahilan para makahinga sila nang maluwag.

"Bakit kayo nandito? Hindi na dapat kayong madamay pa rito kay—"

"No, we don't have any powers like you guys but we can help to save other people. Tutulong kami sa paglilikas sa kanila," putol niya sa sinasabi ko. Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo ni Von, pareho sila ng kambal niya. Tsk.

"Fine, pero mag-iingat kayo. After niyong tumulong find my house and stay there. May mga tao rin doon. Hintayin niyo nalang kami."  I gave them my address. Tumango naman sila saka sumaludo pa na ikinatawa ko. Gosh, I really missed them.

"We should find her."  Napabaling ako kay Zin saka siya nginitian. Hinayaan ko ring hawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad upang hanapin si Cassandra.

Habang abala kami sa paghahanap ay bumubuo ako ng mga clone upang tulungan ang mga tao sa paglikas. Kahit papaano ay hindi na ganoon karami ang mga taong nasa paligid, lahat ay nasa ligtas na lugar na. Well, hindi ko masisiguro na ligtas na talaga sila kung nasaan man sila pero, sana nga.


Binigyan ko rin ng pansamantalang proteksyon sina Von kung sakaling malagay sila sa alanganin ay hindi sila mapahamak. Kapag nagka-problema, malalaman ko agad para matulungan ko sila.


Mayamaya pa ay nakita na namin ang hinahanap namin, nakaupo siya sa isang malaking upuan at nasa tabi niya ang dalawang lalaki. Narito kami ngayon sa loob ng abandonadong gusali. Medyo madilim sa loob pero sapat na ang liwanag na nanggagaling mula sa labas upang makita namin ang paligid.

AyaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt