PART XXXV: THE GIRL THAT I RUN INTO

5 0 0
                                    


[ DEVI's POV ]

"Kilala niyo po siya sir?" tanong sa akin ng staff
"She is An----"
"She is Angel Euphoria Cassedaine Frielle." maluha-luha kong sabi
Napangiti nalang ako at agad na tumakbo upang hanapin si Angel.
"Nasan kana Angel?" ngisi kong sabi habang naluluha
Agad akong naikot-ikot sa paligid upang hanapin siya pero di ko pa talaga siya nakikita.
Para akong baliw na naglalakad ngayon habang nakangiti at umiiyak dahil sa sobrang saya.
Sa dami-dami ng lugar na pinuntahan ko mahanap lang si Angel ay nandito lang pala siya.
"Angel!" sigaw ko sa pangalan ni Angel
"Angel nasan kana! Magpakita ka naman ouh!" sigaw ko habang umiikot ang aking mata para hanapin siya.
Patuloy ako sa paghahanap kay Angel habang tinatawag ang pangalan niya.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Jaeven.
"Alam mo, may mga bagay kasi dito sa mundo na mahirap hanapin kapag hinahanap natin. Pero pag di natin hanapin kusa silang magpapakita sa'yo."
"Malay mo dumating lang siya bigla kapag dimo hanapin."
Tama nga si Jaeven kusang magpapakita ang isang bagay kapag dimo hanapin.
"Hahahaha" napatawa nalang ako ng maalala ko iyon
"Angeeeeeeeeeeelllllll!" malakas kong sigaw sa pangalan niya
Halos malibot ko na ang buong lugar diko parin nakikita si Angel.
"Angel nasan kana ba? Nandito na ako ouh! Nandito na kami ng anak mo! Susunduin kana namin!" hikbi ko habang napahawak saking ulo dahil sa 5:37 pm na at ilang minuto ko na siyang hinanap diko parin siya nakita.
Napaupo nalang ako sa sand at napayuko.
"Nasan kana ba!" hikbi ko sabay na inangat ang aking ulo habang umiiyak
Nang may nahawakan nalang akong isang itim na stick sa sand na nasa aking tabi.
Nang maalala ko yung picture na pinakita sa akin ng mga staff.
"Ito yung stick na hawak-hawak ni Angel sa larawan huh" usal ko sabay kinuha ito
Agad akong tumayo at napatingin-tingin sa malapit dahil baka nandito si Angel. Nang bigla nalang may nakita akong isang babae na nakasuot ng isang puting dress kung saan papunta ito sa tubig.
"I know that back" usal ko ng makilala ko ang likuran ng babaeng unti-unti ng nilalamon ng tubig
"Angel!" sigaw ko sabay na tumakbo papunta sa tubig
Bago pa ako makarating sa tubig ay tuluyan na ngang kinain si Angel ng tubig.
Agad akong lumangoy sa pinakailalim ng tubig. Agad kong hinanap si Angel sa ilalim ng napakalinaw na tubig.
"Angel please nasan kana? Ngayon pang nakita na kita eh! huhuhu" iyak kong sabi saking isipan habang patuloy kong hinanap si Angel sa ilalim ng tubig
Hangga't sa nakita ko na nga siya. Dahan-dahan siyang nalulunod sa pikailalim ng tubig.
Agad akong lumangoy patungo sa kanya at ng mahawakan ko na muli ang kanyang kamay ay agad ko siyang hinila palapit sa akin.
"Angel! Gising!" paggising ko sa kanya habang nasa ilalim pa kami ng tubig
Agad ko siyang hinalikan sa labi para makahinga siya at ako rin dahil sa ilang minuto narin kaming nasa ilalim ng tubig.

I kissed her passionately habang yakap-yakap siya. I held her waist tight para di na siya makawala sa akin.
I really miss her lips and her embrace.
Nabigla nalang ako nung naramdaman kung may humawak din sa aking beywang.
At naramdaman ko nalang na lumalaban nasi Angel sa bawat halik ko sa kanya.
"Angel" usal ko sa isip ko while I stop kissing her and cupped her face
Yakap-yakap ko parin siya habang tinitignan siya.And she's looking at me too. Namimiss ko ang ganitong tingin niya. Namimiss ko ang mga mapupungay niyang mata.
I hugged her again as my tears fall. Kahit nasa ilalim ako ng tubig alam kung pumapatak parin ang aking luha.
Nang maramdaman kong nawalan ulit ng malay si Angel ay agad ko na siyang kinarga para maiahon sa tubig.
_________________
"Naku! Anong nangyari sa kanya?" usal ng mga taong nakakita sa akin na inaahon si Angel sa tubig
"Oh my ghaddd! Ms.Angel!" sigaw ng ibang staff
"Angel please gising! Angel!" sigaw ko habang pinapump ang breast niya para magising
"Please Angel wake up!" sigaw ko ulit and I perform CPR para magising siya pero di talaga siya nagising
Hangga't sa dumating na ang rescuer ay agay na siyang inilagay nito sa higaan at agad na binuhat para dalhin sa ambulance.
"Sino bang sasama?" usal ng isang nurse na nasa ambulance
"Ako po!" ika ko
"Kaano-ano kaba ng pasyente?"
"I am..." diko agad masabi ang gusto kong sabihin
"I am his husband." mabilis kong sambit at sumakay sa ambulance
"Miss pwede bang pakidala nalang yung anak ko...anak namin sa ospital. Nasa room 2348 po siya Miss. Natutulog siya sigurado akong gising na siga ngayon." pakiusap ko sa isang staff na nakakakilala kay Angel
"Please Miss sumunod kayo agad sa amin." ika ko sabay sinara na ng rescuwr ang door ng amubulance
"Okay po sir!" sigaw ng staff at agad na tumakbo na ang ambulance
Habang mabilis na tumatakbo ang ambulance ay mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Angel.
"Please be safe Angel? Please?" usal ko saking isipan habang hinahalikan ko ang kanang kamay niya samantalang tumutulo na ang aking luha.
__________________
Nakarating na kami sa ospital at agad namang inasikaso si Angel ng doctor.
"She's safe now. She just passed out dahil sa napagod siya ng sobra. But don't worry your wife will wake up soon." usal ng doctor
"Salamat naman doc" masaya kong sabi sabay napatakip saking bibig
Ilang minuto pa ay inilabas na si Angel at dinala na sa recovery room pero wala pa siyang malay.
"Thanks God at yourr safe my Angel. My love." ika ko habang hawak-hawak ang kamay niya
Maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan and it was the staff and Devian.
"Mommy Angel!" sigaw ni Devian sabay mabilis na niyakap si Angel habang tulog
Sobrang saya ni Devian ng makita na niya ang Mommy niya. Magdamag naming binantayan si Angel at di parin siya nagising.
Isang oras na ang lumipas ay di parib nagising si Angel kaya pinabalik ko nalang muna si Devian sa resort kasama ng staff kasi gabi na at di pa kumakain si Devian.
"Please Daddy I want to stay here beside my Mommy." imbit niya
"Sige na bukas na bukas kukunin kita sa resort pag nagising nasi Mommy mo. At uuwi na tayo okay?"
"But daddy.."
"Sige na. Gusto mo ba malungkot ang Mommy pag nakita ka  niyang nalulungkot?" ika ko kaya pumayag nalang siyang umuwi na.
___________________
"Thank you Angel at nagpakita ka narin sa akin" ngisi kong sabi habang hinahawakan ko ang kanyang forehead
Nang bigla nalang may nagbukas ng pintuan at akala ko sila Devian na bumalik lang peri di pala.
"Ange----" putol niyang saad ng makita ako na nakaupo sa tabi ni Angel
Nabigla nalang ako ng makita kong si Jaeven ang pumasok.
"Jaeve---" putol kong saad
"Panung alam mo na----" putol ko ulit na saad
"Devi...." mahina niyang sabi
___________________
TOGGGGGGSSSSS
Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa pisngi ni Jaeven.
"Panu mo nagawa sa akin to! Huh!???" galit kong sabi kay Jaeven
"Panu huh?" usal ko na tumutulo ang aking luha sabay hinawakan ko ang kwelyo ng polo shirt niya
"Alam mo kung gaano ako naghirap bro...Alam mo kung gaano akong nahirapan nung nawala si Angel.Halos mabaliw ako bro...!!!" inis kong sabi habang hawak parin ang kwelyo niya samantalang siya ay nakayuko lang habang dumudugo na ang labi niya
TOGGGSSSSSS
Isang malakas na suntok ulit ang aking iginawad sa kanya dahilan na natumba siya sa sahig at dumugo ang kilay niya dahil sa sugat dulot ng aking suntok.
"Ano bro! Wala ka bang sasabihin?!"
"Huh!"
"Isang taon bro! Isang taon akong nagdusa pati ang anak ko! Ang anak namin ni Angel sa pag-aalala sa kanya." mangiyak-ngiyak kong sabi
"Kung alam mo lang bro gabi-gabi....gabi akong umiiyak dahil sa pag-aalala kung nasan na siya? Kung okay lang ba siya? kung kumakain ba siya ng maayos?" hikbi kong saad
"Tapos...ikaw...alam mo pala...panu nangyari bro.. ?"
"Para akong tanga sa harapan mo umiiyak dahil kay Angel tapos alam mo pala. Kaya pala wala lang sayo nung nakita ko ang bestfriend ni Angel nun kasi ikaw pala ang may alam kung nasan siya...huuuu...bakit bro!?"
"Bakit kailangan pati ikaw itinago mo si Angel!?"
"Huh?" usal ko at napaupo nalang ako sa sahig
"It was her..." biglang usal ni Jaeven
"Nagmakaawa siya sa akin bro...." ika niya
"Wala na siyang iba pang malapitan na kaibigan...Kung alam mo lang...gustong-gusto kong sabihin sayo kung nasan siya kaso naaawa ako sa kanya..." imbit niya habang tumutulo ang luha
"Bakit ikaw pa bro?" imbit ko
"Hahahaha" he laughed
"Kasi....minsan ko...naring minahal si Angel bro." ika niya na ikinabigla ko
"High School palang tayo gusto ko na siya. Nung iniwan mo siya at nagpunta ka abroad ako ang naging karamay niya bro."
"Alam kong mali ang mahalin ang taong mahal ng kaibigan ko...kaso nga kang bro mas minahal ko siya eh."
"Pilit kong pinigilan ang nararamdaman ko sa kanya pero wala eh....mahal ko parin siya. We became close nung wala ka."
"Pero kahit ganun alam kong ikaw parin ang gusto niya. Sumula't-simula ikaw lang ang minahal niya."
"Mahal ko siya bro.huuuu" hikbi niya
"Kung alam mo lang gaano ako nag-alala nung nawala siya ng halos isang taon at diniklarang patay na siya...halos mabaliw ako bro...pero di ako tumigil na hanapin siya.Di ako naniwala na patay na siya."
"Hahaha.Diko nga siya nakita pero bumalik siya ng kusa. Palagi ko siyang binabantayan sa malayo bro. Kahit alam kong di siya magiging akin minahal ko siya."
"Pero sa huli talo parin ako bro. Kasi ikaw ang mahal niya eh. Nagmakaawa siya sa akin na wag sabihin sayo dahil ayaw niyang makita ka niyang nahihirapan..pag nakita mo siya...sabi niya ayaw niyang maging sagabal sa inyo."
"She wants to be alone. Pero ang totoo di siya nag-iisa dahil palagi ko siyang binabantayan. Aaminin kong naging makasarili ako nung una inisip ko na baka chance narin ito na mahalin na niya ako dahil wala na siyang maaasahan kundi ako lang...pero...sa pangalawang beses di parin siya makasagot sa akin."
"Tanging sorry lang ang nasasabi niya sa akin.Dun ko narealize na mahal na mahal ka niya bro.At alam ko rin na mahal na mahal mo siya.Kaya nung araw na iyon kahit masakit para sa akin ay binigyan kita ng clue para mahanap mo siya. At magkita na kayo. At nangyari na nga. .ang araw na kinakatakutan ko...ang mawala sa akin si Angel ng tuluyan..."
Matapos kong marinig ang mga sinabi ni Jaeven ay para bang nakaramdan ako ng awa sa kanya. Ilang taon niya rin tinago ang feelings niya kay Angel. Ilang taon niya rin tiniis ang mga araw na tanging ako lang ang lalaking sinabing mahal ni Angel.
"I'm sorry bro. I'm so sorry...Minahal ko lang naman siya eh...diko alam..na mapapahamak siya dahil sa ginawa ko" imbit niya
"No.Wala kang kasalanan bro. Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ako dapat humingi ng sorry sayo." usal ko at tumingin sa akin si Jaeven ng nakangiti
"I'm sorry bro. Diko alam." ika ko
"Bro." imbit niya
"Please wag mo na siyang paiyakin." usal niya sa akin at tumayo ako
"Sure bro.Hindi na.Hinding-hindi na.Simula ngayon.Aayusin ko na ang lahat." usal ko sa kanya na nakatayo agad kong inabot ang kanang kamay ko para tulungan siyang makatayo
"Salamat bro." usal ko sabay niyakap si Jaeven ang aking kaibigan
"Sa tingin ko bro....aalis na ako" ika niya
"Ba't dimo antayin na magising si Angel?"
"Wag na bro. Baka agawin ko pa siya sayo eh.hahaha" biro niyang sabi
"Pupunta na ako ng states bro.Dun ko na ipagpapatuloy ang pagdodoctor ko." usal niya at tahimik lang ako sabay tinapik ang balikat niya
"Aantayin ka namin bro." ika ko
"I need to go" imbit niya at tumalikod na at ako rin ay babalik na sa room ni Angel baka nagising na siya eh
"Bro!!!" sigaw ni Jaeven
"Ano yun bro?" sigaw ko rin
"Sa tingin ko..may nakalimutan akong sabihin sayo..." usal niya
"Maraming salamat dahil naging kaibigan kita ." ngisi niyang sabi
"Ako rin bro." imbit ko rin
"Please bro...Be an eyes  to Angel." ika niya at lumakad  na napangisi nalang ako at lumakad na
Habang naglalakad ako...
"Hahaha.. be an eyes to Angel?" patawa kong tanong saking isipan matapos maalala ang sinabi ni Jaeven sa akin
Nang matauhan ako ay agad akong tumakbo papunta sa room ni Angel pero pagbukas ko ng pinto ng room ni Angel ay wala na siya rito.
Agad ko siyang hinanap.
"Saan ka na naman ba Angel?"
"Bakit ba napakahilig mong tumakbo?"
Tanong ko saking isipan habang tumatakbo at hinahanap si Angel.
Nang pagliko ko ay may bigla nalang akong nabangga na babae na naglalakad.
"Sorry Miss" usal ko sabay tinulungan siyang tumayo
"I'm sorry Mi---" putol kong saad
Putol kong saad ng ang nabangga kong babae ay ang babaeng aking pinakamamahal.
 

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang