PART XXX: THE HEARTBEAT THAT IS MISSED

2 0 0
                                    


[ DEVI's POV ]

ONE WEEK AFTER

"Hello Dr. Devi welcome back." bati sakin ng mga nurse nang makabalik na ako sa trabaho matapos akong nasespend for one week
I am really excited to see Angel because I know na napatawad niya na ako. Kasi inalagaan niya ako ng magkasakit ako.
Kaso lang ilang check-ups na ang nagawa ko ay di ko parin nakita si Angel. Kaya pinuntahan ko siya sa office niya at wala rin siya rito.
"Baka marami siyang ginagawa kaya diko siya makita today." usal ko
Pero hanggat sa malapit nang matapos ang araw ay diko parin nakita si Angel. Kaya pumunta ako sa office ni Dr. Alexander para itanong sa kanya kung nakita niya ba si Angel.
Nang makapasok na ako sa office ni Dr. Alexander ay diko rin makita. Nagtanong ako sa mga nurse at sa ibang doctor pero iisa lang ang sagot nila.
"Ahhh si Dr. Alexander nagleave siya siguro dahil di niya matanggap na nagresign na si Dr. Angel."
Ito lang kanilang mga sagot. Bakit diko alam? Bakit diko alam na nagresign nasi Angel sa trabaho niya.
Agad akong umalis sa ospital at pinaharurot ko ang aking kotse papunta sa bahay nila ni Angel. Habang minamaneho ko ang kotse ko ay di ako mapakali.
"Bakit nagresign si Angel?"
"Is it because of me?"
Tanong ko saking isipan. Nang makarating na ako sa bahay nila ni Angel ay agad akong pumasok rito.
"Lola, Si Angel po?" tanong ko sa lola ni Angel na ngayon ag nakaupo sa sofa na nanonood ng tv di niya ako sinasagot at alam kong malungkot si Lola
"Lola? Si Angel po?" usal ko
Agad akong umakyat sa kwarto ni Angel pero wala siya rito. Tumingin din ako sa kwarto ni Aedelle para magtanong kaso wala rin si Aedelle.
"Lola.. please magsalita naman kayo?" pilit kong tanong kay lola pero di niya ako pinapansin
Nang bigla nalang pumatak ang luha ni Lola. Nagtaka ako kung bakit umiiyak si Lola. Nang dumating na si Aedelle kasama ang Mama niya.
"Tita, did you know where is Angel?" tanong ko kay tita na ngayon ay nakatulala lang
When suddenly he tapped me. And ginabayan na siya ni Aedelle na umupo sa sofa.
"Ano po bang nangyari? Bakit nagresign si Angel sa trabaho?" I ask
"She left." ikling sambit ni Aedelle
"Ano?"
"Ewan ko ba! Hindi namin alam kung bakit bigla nalang siyang umalis." maluha-luhang sabi ni Aedelle
"Masaya naman siya nung umuwi siya rito. Pero kinabukasan bigla nalang siyang naglaho. Nag-iwan lang siya ng sulat. Huuuuuu" hikbi na sabi ni Aedelle
Kaya napaiyak narin ang Mama ni Angel at si Lola.
"Huhuhuhu" hikbi ni Lola
"Akala ko hindi na mawawalay sa amin ang apo kong si Angel tulad ng nangyari dati. huhuhu. Paano na yan ngayon mawawalay na naman siya sa amin ng matagal ng hindi namin alam kung kailan siya babalik..huhuhu" hikbing sabi ni Lola samantala si Aedelle ay yakap-yakap si Tita na umiiyak
"Ano pong ibig niyong sabihin lola?" pagtataka kong tanong sa sinabi niya
______________________
Nasa loob ako ngayon ng aking kotse habang hawak-hawak ng aking kanang kamay ang isang maliit na punit na papel kung saan napulot ko nung unang gabi na nakabalik dito sa pinas at sa aking kaliwang kamay naman ay hawak ko ang isang buong papel.
Mayroon itong nakaprinta na mukha ni Angel. Kung saan nakalagay ang pangalan niya at ang salitang
"MISSING PERSON"
Lumabas na ako saking kotse at pumunta ako sa gilid ng tulay.
Napahagulhol ako bigla at naalala ko ang sinabi sakin ng pamilya ni Angel.
"6 years ago Angel was lost."
"Po?"
"Nung araw mismo ng operation ni Aedelle nawala siya bigla. Hanggat sa matapos ang operasyon niya ay di parin siya nakabalik."
"Nagtaka kami nun kaya nireport namin sa mga pulis."
"Tapos...tap..." hikbi na saad ni Lola
"Tapos nalaman nalang namin na nainvolve si Ate sa isang aksidente. Dun sa tulay kung saan nagkita tayo kuya devi" paliwanag din ni Aedelle
"Akala ko nga nun sasaya ako kasi makakakita na ako pero di pala."
"Di pala kasi, malalaman nalang namin na wala na daw si Ate Angel. Sabi ng mga pulis yung katawan lang daw ng driver ang narecover nila. Pero ang katawan ni Ate ay hindi."
"Sobrang sakit...para sa amin nung dineklara ng mga pulis na patay na si Ate Angel. Di kami naniwala nun. Kaya nagprinta kami ng mga poster para mahanap si Ate."
"Per....pero...wala kaming balita na nakuha."
"Halos isang taong rin nawala si Angel sa amin. At sobra kaming nangulila sa kanya. Pero di kami sumuko." sambit naman ni tita
"Pero isang araw...bigla nalang kaming sinurpresa ni Angel. She's alive and she's safe." nakangisi na sabi ni tita
"Ang sabi niya sa amin, there was someone who saved her. Kaya sobra ang pasasalamt namin sa nagligtas sa kanya."
___________________
"HAAAAAAAAAAAAAAA" malakas kong buntong hininga
I know kung sino ang tinutukoy ni tita na tumulong kay Angel. It was my Mom. Kaya pala magkakilala sila ni Angel.
At alam ko rin na possibleng alam din ni Mom kung nasan si Angel. Pero ayaw ko...ayaw kong lumapit sa Mom ko para humingi ng tulong.
Gagawin ko ang lahat para mahanap si Angel ng hindi ako hihingi ng tulong sa babaeng kinaiinisan ko.
Napaupo ako tabi ng bridge habang umiiyak ng bigla nalang may tumawag sa akin.Kailangan raw ako sa ospital emergency daw.
Kahit malungkot ako ay diko parin pwedeng talikuran ang aking trabaho. Agad akong pumunta sa ospital na aking pinagtratrabahuhan.
"Doc. Nasa Operating Room po ang pasyente" usal ng isang nurse na sumalubong sa akin
Mabilis kaming naglakad papunta sa OR kasama ang ilang nurse at ibang doctor. Naglalakad ako ngayon na wala sa aking tamang pag-iisip.
"The patient has to undergo a heart surgery Doc." imbit ng isang doctor habang mabilis kami na naglalakad
"Bakit biglaan?" usal ko
"Ang sabi ng guardian ng patient inatake daw siya sa puso at meron din daw tong sakit sa puso kaya natrigger ito."
Nang nakarating na kami sa OR ay agad kong tinignan ang patient pero nang di pa ako makalapit sa kanya ay bigla nalang nanginig ang buo kong katawan.
The patient that I am going to operate is the person I really hate the most. My mom.
She is now laying on the bed na nakapikit habang marami na ang nakatusok sa kanya na iba't-ibang bagay para mabuhay siya.
Nang makita ko siya ay napaatras ako. I can't operate her. Usal ko saking isipan.
"Doctor Kyorsch what are you doing?" usal ng isang doctor
TIT TIT TIT TIT TIT TIT
Tunog ng heart monitor ng aking ina.
"Doc you must start the operation now. Kundi mamamatay siya"
Nang marinig ko ang sinabi ng isang doctor ay tila ba natauhan ako.
Alam kong galit ako sa Mom ko pero hindi ako papayag na mawala siya sa akin na hindi ko manlang siya nayayakap.
Agad akong gumalaw at sinimulan na ang operation. Ito na ang tamang panahon para maipakita ko kay Mom na kaya ko rin. Kaya ko rin maging tulad niya na wala siya sa tabi ko.
Nag-aral ako ng doctor kahit di naman talaga ito ang pangarap ko dahil sa maging isang magaling at sikat na painter sana ang gusto ko.
Pero dahil sa nangako ako sa isang babae noon na magiging kagaya niya ako na isang magaling na doctor sa mga puso ay ginawa ko parin dahil sa gusto kong ipamukha sa kanya na naging successful ako na wala siya.
Habang inooperahan ko si Mom ay lumalabas na talaga ang malalaking pawis sa aking mukha.
Nang bigla nalang bumaba ang heart beat ng Mom ko ay diko mapigilan na mapaiyak.
"Suction" usal ko at pinagpatuloy ang operation nang bumalik sa normal ang beat ng heart ni Mom
Nang malapit na matapos ang operation bumaba na naman ang heart beat ni Mom dahilan na kinabahan na naman ako.
"123 clear!" usal ko matapos kinuryente si Mom
"123 Clear!" sigaw ko na naluluha na
"123 clear!"
Huli kong sigaw nang bumalik na ang heart beat ni Mom. Para akong nawalan ng tinik sa lalamunan ng marinig ko ulit ang heart beat ni Mom.
The Heartbeat that I really missed.
__________FLASHBACK___________
"Wow! Ang galing naririnig ko ang heart beat mo Mom." usal ko habang katabi kong natutulog si Mom
"Hahaha" tawa ni Mom
"Bakit mabilis ang tibok ng puso mo Mom? Tapos babagal na naman?" I asked out curiousity dahil sa bata pa ako
"Siyempre kasi masaya ako eh. Masaya ako kasi...katabi kita anak ko. My baby"
"Hahahah. Ang sarap pakinggan ng heart beat mo Mom para akong inaawitan nito. Dahilan na inaantok na ako." ika ko
"Hahaha" tawa ni Mom
_______________________
Matapos ko iyong maalala ay napahagulhol ako ng iyak habang nakaupo sa sahig. Nag-aantay ako sa gilid ng OR inaantay kung kailan ilalabas si Mom. Iba nalang kasi ang pinatahi ko dahil sa nahirapan na talga akong huminga. At least tapos narin naman ang operation kaya makakahinga na ako ng maluwag.
Ilang minuto pa ay inilabas na si Mom sa OR at tumulong na akonsa pagdala sa kanya sa ICU. Sa ICU muna siya ilalagay dahil hindi pa siya fully recovered. Marami pang test kailangan gawinnsa kanya.
"Nurse Jean. Nakausap mo na ba ang guardian nitong si Ma'am Lexie?" tanong ng isang doctor
"Yun nga po ang problema doc kasi sabi ng kasama niya rito hindi naman daw siya ang guardian ng patient katulong lang daw po siya." sagot naman ng nurse at ako ay nakikinig lang
"Paano bayan? Di mo ba tinanong baka may iba siyang pamilya?"
"Ahmm sabi niya doc---"
"Ako po doc. Pwede po akong maging guardian ng patient." ika ko dahilan na ikinabigla nila
"Bakit Doctor Kyorsch? Kilala mo ba siya?"
"She"s my..   she's my Mom." usal ko na ikinabigla nilang lahat dahil di sila makapaniwala na natiis ko na magsagawa ng operation sa sarili kong ina.
"Okay" ikling sabi ng doctor.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu