PART XXXIII: REMINISCING THE PAST

2 0 0
                                    

[ DEVI's POV ]

"Sorry, pero diko rin alam kung nasan si Angel." malungkot na saad ni Dr.Alexander sa akin
"Alam mo naman siguro na hinahanap ko ri  siya diba?" dagdag pa niya sabay na lumakad na tulala lang
Ilang araw ko naring hinahanap si Angel pero diko parin malaman-laman kung nasan na siya. Hindi ko alam kung saan hahanapin si Angel pero di ako susuko hangga't diko siya makita.
___________________
"Saan tayo pupunta Daddy?" tanong sakin ni Devian
"May ipapakilala ako sa'yo" ngisi kong sabi sa kanya
"Andito na tayo." imbit ko ng makarating na kami sa bahay nila Angel.
Agad ko ng inalis ang seat belt ni Devian at kinarga na siya. Magdoorbell na kami at agad namang lumabas si Aedelle para buksan ang gate.
"Kuya Devi...hehehe" masaya ako nitong binati
"Siya naba? Siya na ba ang sinasabi mong..." maluha-luha nitong tanong sa akin
Agad niyang niyakap si Devian habang umiiyak. Sinabi ko na sa kanila ang lahat-lahat na nangyari sa amin ni Angel. Lalo na ang tungkol sa anak namin na si Devian.
Kung bakit di rin nila alam na may anak na si Angel. Nung una nagalit sila sa akin at syempre sinisi nila ako sa nangyari kay Angel.
Lumuhod ako sa harap nila para mapatawad nila ako. Sa huli napatawad din nila ako dahil nangako ako na hahanapin ko si Angel at pag nakita ko siya pakakasalan ko siya.
Ngayon ang unang araw na makikilala nila si Devian kaya sobrang saya nila makikita narin nila ang apo nila.
"Naku...siya naba ang apo ko sa tuhod?" maluha-luhang tanong ng lola ni Angel
"Opo lola" ika ko
Agad nilang pinagkaguluhan si Devian. Si Devian naman ay natutuwa dahil sa nakilala narin niya ang pamilya ng Mama niya at ang pamilya niya rin.
Habang masaya silang lahat ay nakita kong nakaupo lang ang Mama ni Angel sa sofa at di ito makalapit sa apo niya dahil sa bulag mga ito.
Maluha-luha siya ngayon dahil sa saya at sa lungkot. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Tita" ika ko sabay hinawakan ang kamay niya
"Maraming salamat hijo" imbit niya
"Di niyo po kailangang magpasalamat sakin tita." usal ko
"I'm sorry talaga tita huhuhu" ika ko at napaiyak nalang ako
"Ano kaba hijo...pinatawad kana namin diba? Tapos na tayo jan"
"I'm sorry dahil, diko parin nakikita si Angel..I'm sorry tita...huhuhu" hikbi ko at niyakap ako ni Tita
_____________________
1 YEAR LATER
"Nakita niyo po ba siya rito?" tanong ko sa isang babae na nagtitinda ng mga ukay-ukay sabay pinakita ang picture ni Angel
"Naku hijo hindi eh" sagot nito na ikinalungkot ko
Halos lahat ng tao dito ay natanong ko na pero iisa lang amg sagot nila. Di nila nakita si Angel.
Isang taon na ang lumipas pero diko parin nakikita si Angel. Halos halughugin ko na ang buong Pilipinas pero di ko parin siya nakita.
Nagtanong narin akonsa Airport dahil baka nag-ibang bansa siya pero di naman daw nila nakita na may ganitong mukha na umalis ng bansa.
"Haaaaaaaa" buntong hininga ko sabay napaupo sa isang bench
"Saan ba kita mahahanap Angel!" sigaw ko sabay napatingin sa langit
"Bakit kailangan mo pang lumayo sa amin? Sa anak mo? at sa akin?" tanong ko habang nakatingala
CRING CRING CRING CRING
Tunog ng aking cellphone dahilan na sinagot ko ito agad dahil baka isa itong magandang balita. Baka may nakakaalam na kung nasan si Angel.
"Hello sir" usal ng aking secretary
"Ano yun? May balita naba kay Angel?" bilis kong sabi
"Ano kaba sir, nakalimutan niyo po bang may Conference kayo today" usal niya dahilan na ikinabigla ko
Nang tignan ko ang aking wrist watch ay 12:56 pm na pala at may conference meeting pa ako dahil sa paglau-launch ko saking bagong painting kaya agad akong sumakay saking kotse at pinaharurut ito sa pagtakbo.
Yes. May business na ako ngayon. Ito ay ang pagbibinta ko saking mga paintings. Tumigil na rin ako sa pagdodoctor at pinatuloy ang pangarap ko na maging isang sikat na painter at naging successful rin ako.
Pinatuloy ko ang pangarap ko at kasama na rito ang pangarap ko na makita si Angel. Kaya naman halos ang pinipinta ko ay ang mga panahon na kasama ko si Angel, mga panahon na nakikita ko siyang ngumingiti.
Nagkaayos na kami nina Mom and Dad. Akala ko nga di ko sila magagawang mapatawad pero nagawa ko.
_________________________
"Maraming salamat sa pagdalo niyo sa conference na ito at sa pagmamahal sa aking mga paintings." ika ko sa harap ng maraming mga tao at sa mga cameraman at mga reporter bilang pagtatapos sa conference.
"By the way, Mr.Kyorsch may huli po akong katanungan sa inyo?" usal ng isang babaeng reporter
"Sure" ikli kong sabi
"Marami kasing nakakapansin sa mga paintings mo na, iisang babae lang ang pinipinta mo? Totoo ba na iisang babae lang ito? At kung iisang babae lang nga ito, sino ba siya? At siya palagi ang babaeng pinipaint mo?" ika niya
"Hmmm" buntong hininga ko
"Tama kayo..iisang babae lang ang pinipinta ko. At siya ang babaeng mahal ko. Siya ang palaging pinipaint ko kasi...Nandito siya palagi sa puso ko eh...nakaukit. At dahil siya rin ang babaeng bumuo at nagpinta sa buhay ko" dahan-dahan kong sabi
"Totoo rin bang ang pangalan niya ay Angel? Kung saan ito ang ginamit mo bilang signature sa iyong mga paintings?"
"Yes. She is Angel." ika ko at ngumiti
_____________________
"Cheersss!" sigaw ng aking mga kaibigan nasi Kendrick, Darwel, Jaeron at Jaeven matapos ay ininom ang isang basong alak
"Ahhhh!" usal namin sabay dahil sa tapang ng alak na aming iniinom
"Hay, grabe ka Devi huh. Diko inakala na ang tipo pala ni Angel ang gusto mo." imbit ni Kendrick
"Hay...ano kaba bro...di naman natin alam ang dahilan ni Devi kung bakit si Angel ang nagustuhan niya noh! At kung ano man ang dahilan niya wala na tayo ron!" usal naman ni Darwel
"You haven't see her right?" tanong naman ni Jaeron
"Oo. At patuloy ko parin siyang hinahanap ngayon...Para buoin ang pamilya namin" ika ko sabay na uminom ng alak
"Naksss hahaha. Ibang-iba kana talaga bro huh! hahaha" tawa nila
"Pag nakita mo siya ulit, what would you do?" tanong sakin ni Jaeven
"Syempre, hihingi ako ng tawad sa kanya. Sa lahat...sa lahat-lahat." sagot ko kay Jaeven
"Woahhhh"
"Cheersss tayo ulit!"
Sabay naming chineer ang aming baso at uminom na naman ng alak.
"Hoy! Darwel!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa akin
"Nuh bayan!" usal ni Darwel
"Ouh sino siya bro?" tanong ni Kendrick
"Darwel! Tawag ako ng tawag sayo bakit dimo sinasagot ang tawag ko!? inis na sabi nito kay Darwel ng maalala ko kung sino ang bababeng ito
"Heirisha!" ika ko
"Huh! Devi?" ika niya
"Heirisha tama nga ako. Matalik mong kaibigan si Angel diba?" tanong ko sabay na hinawakan anv dalawa niyang balikat
"Oo" pagtataka niyang sabi dahil sa mahigpit kong hinahawakan ang balikat niya
"Ano ba bro!" usal ni Darwel sabay inalis ang pagkakahawak ko kay Heirisha
"Teka! Bakit ganyan ka umasta bro?" usal ni Kendrick
"Don't tell us, kayo?" imbit naman ni Jaeron samantalang si Jaeven ay kalma lang palagi lang namang ganitk si Jaeven noon pa eh
"Yes! I am his Girlfriend!" masaya namang sabi ni Heirisha
"Woahhh! Iba rin pala ang tipo mo Darwel huh? Hahahah" tawang sabi ni Kendrick
"Ano naman ngayon?" ika naman ni Darwel samantalang ako ay masayang nakatingin kay Heirisha dahil posibleng alam niya kung nasan si Angel
"Katakot naman kayo bro huh. Diko akalain na magkakagusto kayo sa tulad nila." ika pa ni Kendrick
"Haysss kung makapagsalita ka parang nandidiri ka sa mga babaeng nagustuhan namin huh!" imbit ni Darwel
"Baka nga mas worst kapa eh. Hahaha baka yung weirdo na kaklase natin ang makatuluyan mo eh.Hahah" tawang sabi ni Jaeron
"Tama. Diba pinapadalhan ka nun ng mga chocolates at love letter?" usal ni Darwel
"Anong sinasabi niyo?" imbit naman ni Kendrick na parang bata
"Ikaw ang sagot sa mga dasal ko!" ika ko sabay niyakap si Heirisha dahil sa saya
"Ano ba bro! Girlfriend ko yan!" usal ni Darwel sabay inalis ang pagkakayakap ko sa girlfriend
"Alam mo ba kung nasan si Angel? Sabihin mo naman sakin ouh? Please?" pagmamakaawa ko sabay na hinawakan ang dalawa nitong kamay na ngayon ay inaalis na ni Darwel
"Hay bro!" imbit ni Darwel
"She also don't know bro." ika ni Darwel
"Di pa naman siya nagsasalita eh" ika ko
"Please naman maawa ka sa akin at sa anak namin ni Angel. He really miss his mom." pagmamakaawa ko
"Sorry" ika ni Heirisha
"Actuay bro, kaya ko nga naging girlfriend si Heirisha dahil sa, I contacted her to ask if she knows where is Angel. Dahil sa nag-aalala rin kami sa iyo. But she also don't know." paliwanag ni Darwel na ikinalungkot ko
"Ok lang yan bro." usal nila sa akin dahil napahagulhol na ako sa iyak
_________________________
"Ouh! Mr.Kyorsch! Magandang umaga!" masayang bati ng guard ng school namin ni Angel noon
"Naparito ka ata?" tanong niya sa akin
"Wala lang namimiss ko lang kasi ang school na ito. Pwede ba akong pumasok?" I said calmly
Kahit ang totoo ay nagpunta ako rito dahil nagbabasakali ako na baka dumalaw siya rito at makita ko siya.
"Oo naman. Hahaha laki na talaga ng pinagbago mo huh? Noon ang paslit paslit niyo pa pero ngayon ang gwapo muna at mukanv mabait kan rin. hahaha" tawa niyang sabi dahilan na napatawa nalang ako
"Ipagdadasal ko na sana makita mo na si Angel. Diko alam na magkakatuluyan din pala kayo ng batang yun. Hahaha" dagdag pa niya at lumakad na ako papasok sa campus.
"Enjoy po kayo Sir." sigaw pa niya sa akin
Habang naglalakad ako sa pathway ay agad nagsibalik ang mga alaala ko noon.
Yung mga araw na kapag naglalakad si dito sa pathway ay nakasunod lang ako sa kanya. Napadaan din ako sa shower room at naalala ko rin yung hinalikan ko siya at nababasa na kami sa tubig.
Habang patuloy kong iniikot ang campus ay diko mapigilan na mapaluha. I really miss Angel. Nagpunta rin ako sa swimming gym kung saan naalala ko rin nung nalunod si Angel rito at sinagip ko siya.
Naalala ko rin yung inaabot niya sa akin ang aking towel sa akin at hinawakan ang kamay niya at ginabayan ito sa pagpunas sa aking basang katawan.
Naalala ko rin yung mga panahon na dinala kp siya sa klase ko para maging note taker ko dahilan na sobrang nagalit ang teacher ko.
Hangga't sa nakarating ako sa rooftop ng school building namin. Dito naalala ko rin yung araw na umangkas siya sa likuran kp dahilan na naihulog ko siya.
Natawa nalang ako ng maalala ko iyon. Huli kong pinuntahan ang likuran ng aming school kung saan naron ang mga cherry blossom na ngayon ay namumulaklak na.
Naalala ko tuloy yung mga araw na nakikita kong patago niyang pinapasok ang bag niya na may laman ng kanyang mga paninda at nahuhuli ko pa talaga sa akto ng kanyang pagtapon nito.
Naalala ko yung ilang beses kong pinupulot ang bag niya sa lupa at inilalagay ito sa bench. Natatawa nalang ako sa aking mga naalala.
I really missed her so much. Kung namimiss ko siya noon ng nagpunta ako abroad 6 years ago mas sobra ko siyang namimiss ngayon kahit isang taon palang ang lumipas na diko siya nakita.
______________________
Pauwi na ako ngayon sa bahay dahil sa may lunch pa ako kasama ang aking pamilya at ang pamilya ni Angel.
Habang nagmamaneho ako ay malungkot ako na nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan din. Nang madaanan ko ang tulay kung saan naganap ang insedente noon kay Angel ay huminto muna ako para makalanghap ng hangin.
Habang nakatingin ako sa malawak na dagat ay nalalanghap ko talaga ang maasim na amoy ng dagat.
"Excuse me sir" usal sa akin ng isang matandang babae
"Ano po iyon?" tanong ko
"Pwede mo ba akong tulungan." imbit niya
"Ano pong maitutulong ko?"
"Papunta kasi kami ng asawa ko sa ospital para ipacheck-up siya, kaso ang pera namin ay kasya lang bus namin eh. Akala namin didiristso kami sa ospital di nama  pala eh kasi sa terminal ng mga bus kami bumaba." paliwanag niya
"At ang perang natira namin ay pambayad na sa check-up niya kaya naglakad nalang kami papunta sa ospital eh...kaso nanghihina na ang asawa ko lalo pa't mainit na." dagdag pa niya
"Ahh sige po, nasan po ba ang asawa niyo?" tanong ko
Agad ko silang dinala sa ospital kung saan sila palaging nagpalacheck-up. Kaya pala medyo naninibago sila dito sa syudad dahil nakatira lamang sila sa probinsya.
"Tanggapin niyo po ito Lola" imbit ko sa lola sabay inabot ang di naman kalakihang pera
"Nako, hijo salamat.Maraming salamat. Napakalaking halaga naman nito." masaya niyang sabi dahilan na napapaluha na siya
"Walang anuman po lola. Pagamot niyo sa asawa niyo at magpacheck-up narin po kayo dahil sa tingin ko nahihirapan po kayong huminga eh." usal ko
"Oo hijo.Salamat talaga."
"Ahm aalis na po ako lola kasi may kailangan pa akong puntahan eh" imbit ko
"Sige hijo.Kaawaan ka ng Diyos."
Lumakad na ako ng tinawag ulit ako ni Lola.
"Sandali lang hijo." usal niya at lumakad patungo sa akin
"Ano po ba iyon lola?"
"Sa'yo batong larawan na nahulog sa sahig?" ika niya sabay inabot ang larawan ni Angel sa akin
"Naku! Salamat po lola sa akin nga po ito." ika ko
"Kaano-ano mo ba siya? Asawa mo?"
"Ahmm hindi pa po." ngisi kong sabi
"Alam mo pamilyar siya sa akin." usal ni Lola dahilan na ikinatuwa ko
"Talaga po lola? Naku po! Matagal ko na po siyang hinahanap eh. Saan niyo po ba siya nakita?"
"Nakita ko siya noon sa aming probinsya."
"Po? huhu?" halos maiyak ako saking nalaman
"Kaso nga lang wala na siya roon eh. Alam mo mabait siya tumutulong din siya sa amin noon. Nagbibigay siya ng libreng check ups sa amin sa mata kasi sabi niya doctor daw siya sa mata." paliwanag ng lola
"Siya nga nagsabi sa amin na dapat magpacheck-up kami lagi. Kaya naman kahit walang-wala kami sa pera ay di namin nakakalimutan ang bilin niya sa amin na magpacheck-up."
"Sa tingin niyo po lola, nandun pa siya sa probinsya niyo?"
"Naku hijo, matagal narin kasi nung nakita namin siya eh siguro isang taon narin ang lumipas." imbit ni Lola dahilan na ikinungkot ko
"May sinabi po ba siya sa inyo..tulad lang ng mga bagay na gusto niyang gawin?"
"Ang sabi niya sa amin, gusto niya raw, tulungan ang mga taong gaya namin hanggang kaya pa daw niya. Pero wala naman siyang sinabi sa amin kung saan siya nakatira at saan siya pupunta."
"Lola" tawag ng doctor kay Lola
"Ouh Devi ba't ka nandito?" usal ni Jaeven ngayon ko lang narealize na nasa ospital pala ako kung saan nagtratrabo si Jaeven
____________________
"Paano kung nasa probinsya nga si Angel ngayon?"
"Tumutulong sa mga mahihirap?"
Ika ko kay Jaeven habang umiinom ng can of beer.
"Hay nako bro. Kung ano-anong naiisip mo eh" ika niya
"Yun ang sabi ni Lola kanina." imbit ko
"Sigura ka? Di ba't sinabi niya sa sa'yo na di niya alam kung nasan si Angel?"
"Tama ka nga." malungkot kong sabi
"Naku alam mo, sa tingin ko kailangan mong magbakasyon muna ng ilang araw. Kahit weeks lang."
"Paano ako magbabakasyon eh, diko pa nga nakikita si Angel eh."
"Ano kaba bro! Pahingain mo naman ang sarili mo." ika niya
"Ayan!" usal ni Jaeven sa akin sabay inabot ang isang larawan na may magandang view. Isang maliit na Island.
"Ano to? Probinsya to diba?" pagtataka kong sabi
"Pumunta ka sa lugar na yan at magpahangin ka. Maganda jan. Sigurado ako na matutuwa ka sa makikita mo para naman maibsan ang kalungkutan mo." paliwanag niya sa akin
"Sa tingin mo ba kailangan ko nito?" ika ko
"Yes bro! You need to relax yourself. Alam mo, may mga bagay kasi dito sa mundo na mahirap hanapin kapag hinahanap natin. Pero pag di natin hanapin kusa silang magpapakita sa'yo." usal niya
"Malay mo dumating lang siya bigla kapag dimo hanapin." ngisi niyang sabi sabah ininom ang beer niya
"Ahhh" imbit niya sabay na tumayo
"Sige bro! I need to go may trabaho pa ako." he said and tapped my shoulder
"Pag-isipan mo ang sinabi ko bro. Sige. Goodluck!" he uttered and then lumakad
Napatingin ako sa magandang larawan na ibinigay niya sa akin at napaisip nalang ako kung ano nga ba ang dapat kong gawin.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now