PART XX: WARM HUG

3 0 0
                                    

ANGEL's POV ]

"huh" tulala kong sambit nang magising na wala na sa tabi ko si Devi  kaya napatingala nalang ako sa ceiling.
Di parin maalis sa aking isipan ang nangyari samin ni Devi kagabi. Nang maalala ko ito ay napangisi nalang ako at napatakipng kumot dahilnsa nahihiya ako.
Ilang minuto rin ako na hindi muna bumangon sa kama dahil sa napagod rin ako kagabi at nahihiya rin ako kasi ako naharapin at kausapin si Devi.
Nang natauhan na akoay inayos ko na ang sarili ko at tumingin sa salamin. Napaisip ako kung "
"Ano kaya ang ginagawa ni Devi ngayon? Hindi kaya ay pinaghahanda niya ako ng umagahan." usal ko at napangisi
"Kami na kaya?" dagdag ko pa at tinakpan ang bibig dahil sa kilig
Tumingin ako sa clock na nakasabit sa wall at nakita kong 8:13 am na pala. Lumabas na ako sa kwarto matapos mag-ayos at bumaba narin. Nang hindi pa ako nakababa ng hagdan ay napatigil ako saking nakita. Dahilan na may namuong luha saking mata.
I saw Devi and Miss Yeelen hugging right in front of me. Agad namuo ang luha saking mga mata pero pinigilan kong pumatak ito. Ngayon ko lang narealize na nakalimutan ko pala ang meron sila ni Miss Yeelen dahil sa nararamdaman ko kay Devi. Nagpadala ako kaya nakalimutan ko bigla ang realidad na hindi talaga kami para sa isa't-isa.
"Paano na ako ngayon?" malungkot kong tanong sa aking isipan
"Ouh Angel. Nariyan ka pala." usal ni Miss Yeelen tsaka inalis ang pagkakayap niya kay Devi
"Ahh....eh...kas....kasi....Ma'am...ano...eh.." utal utal kong sabi
"She's here because I told her to clean my house." cold na sabi ni Devi dahilan na mas natauhan ako sa kahangalan ko
"Nang ganito kaaga?" pagtataka ni Miss Yeelen
"Actually kahapon lang siya dito kaso nung pauwi na siya ay naabutan siya nang ulan kaya dito ko nalang siya pinatulog" dagdag pa ni Devi
"Tama ang sinabi niya Miss" ikli kong sagot habang nakatingin kay Devi
"Pero wag po kayong mag-aalala Miss pauwi narin po ako" mabilis kong sagot at agad na bumaba na nang tuluyan sa hagdan at kinuha ang bag ko sa may cabinet.
"Sige po Miss" usal ko
"Sigurado ka Angel? Bakit dimo muna siya yayain ng umagahan Devi bago siya umalis?" pakuwari ni Miss Yeelen
"Naku!Wag na.Sigurado akong nag-aalala na ngayon ang pamilya ko.Aalis na po ako.Salamat sa pag-aalala niyo Miss." mabilisan kong sagot at agad nang lumakad
-----------------------------------
Habang nag-lalakad ako ay diko na mapigilan ang sarili ko na mapahagulhol sa iyak. Nang bigla nalang bumuhos rin ang napakalakas na ulan. Mas lalo akong umiyak dahil sa para bang nakisama sa akin ang langit.
"Huhuhuuuuuuuhuhuuuuuhuuuuhu" iyak ko
"Ang tanga-tanga mo kasi Angel eh!Ang tanga mo!" hagulhol kong sabi at patuloy na naglalakad
-----------------------------------
"Magandang araw sa inyo" lungkot kong sabi nang dumating na ako sa bahay nang basang-basa
"Apo ba't nagpa-ulan ka?" tanong ni Lola sa akin
"Ehh wala po kasi akong dalang payong la eh.Hehehe" ngisi kong sabi kahit gusto ko nang umiyak
"Anak...may problema ba?" tanong sakin ni Mama tila ba napansin niya na malungkot ako siguro dahil bulag si Mama at sabi nila madali daw makaramadam ang mga bulag kahit di nila nakikita na malungkot o masaya ba ang isang tao. Kaya naman ay may namuo agad na luha sa aking mga mata nang itanong iyon sa akin ni Mama.
"Wala po Ma." sagot ko kahit gustong-gusto ko na sabihin na may problema ako at napakalungkot ko talaga pero hindi ko masabi dahil ayaw kong mag-alala sila
"Akyat na po ako sa kwarto ko" sagot ko at agad na umakyat sa kwarto ko
Nang makarating na ako saking kwarto ay agad akong pumasok sa CR at inon ang shower. Tsaka ako umiyak ng umiyak. Nilakasan ko ang shower para di marinig ang boses ko at malaman nila na umiiyak ako.
"Huuuuuuhuhuhuhuuuuuu" hagulhol ko habang niyayakap ang aking sarili
Nang napansin kong damit ni Devi ang suot ko ay agad ko itong hinubad at tinapon sa sulok at tsaka ko niyakap ang aking sarili muli.
------------------------------------
Lunes ngayon at sa hapon lang ang aking klase pero di na ako pumasok dahil sinisipon ako siguro dahil sa nabasa ako ng ulan. Hindi rin ako lumabas ng kwarto ko buong araw kaya dinadalhan nalang ako ng pagkain ni Lola.
"Yan na nga bang sabi ko eh. Ba't kaba kasi nagpakabasa sa ulan? Yan tuloy nagkasakit ka." pangaral ni Lola sakin
"Sorry na p o Lola" mahina kong sagot habang nakabalot ng kumot
Di parin tumitigil ang ulan dahil sa may bagyo pala. Pero mahina lang naman ito kaya hindi suspended ang klase.
"Sige na kumain kana diyan at nang makainum kana  ng gamot" dagdag ni Lola at lumabas na
"Hayyy" buntong hininga ko nang makalabas nasi Lola nang bigla nalang may kumatok ulit sa aking pintuan
"Anak" usal ni Mama habang kumakatok sa pintuan
"Pasok po Ma" sagot ko at pumasok na siya
Nang makapasok na si Mama ay umupo siya upuan ng aking study table at humarap sa akin. Kahit bulag si Mama ay madali niyang nahahanap ang mga bagay bagay dahil sa halos kinabisado niya ang lahat dito sa bahay pati ang aming mga kwarto.
"Ma...bakit nandito po kayo?" pag-aalala kong sabi
"Syempre may sakit ka eh kaya gusto kong bantayan ka" ngising sabi ni Mama
"Di napo kailangan Ma. Sipon lang po ito sigurado ako bukas mawawala rin ito" ngisi ko ring sabi
"Sige lang anak.Wag mo akong pansinin kumain kana." imbit ni Mama
Kaya sumubo na ako. Nang tinignan ko si Mama ay para bang nakatingin siya sa akin at nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa akin. Dahilan na napaluha ako. Pero diko hinayaan na marinig ni Mama ang boses ko.
Naalala ko tuloy yung bata pa ako na nakakakita pa si Mama tapos may sakit rin ako nun at sinusubuan niya ako nang lugaw.
-------------- FLASKBACK --------------
"Ito pa ouh" usal ni Mama sabay ako sinubuan ng lugaw
"Mmm ang sarap talaga ng luto mo Mama" ngisi kong sabi
"Syempre para sa iyo ang lugaw na ito eh" imbit ni Mama
"Salamat Mama. I Love You." ngisi kongbsabi sabay kiniss si Mama
"Hindi mo kailangan na magpasalamat anak. Natural lang na alagaan ng isang ina ang anak niya. Kaya naman huwag kang mag-alala anak dahil kapag may sakit ka andito lang ako para alagaan ka at kapag may problema ka andito lang din ako palagi sa tabi mo" masayang sabi ni Mama at nagyakapan kami ulit
-------------- END OF FLASHBACK ----------------
Patuloy akong kumain habang umiiyak hindi naman nahahalata ni Mama na umiiyak ako dahil sa sinisipon ako.
Maya-maya habang isusubo ko na sana ang pagkain ko ay naramdaman ko nalang na may mainit na yumakap sa akin. It was Mama. Diko alam pero bigla nalang akong niyakap ni Mama.
"Sige lang anak. Iiyak mo lang yan." usal ni Mama habang mahigpit akong niyayakap
Diko alam kung paano nalaman  ni Mama na umiiyak ako. Totoo nga talaga ang sabi nila na MOTHER KNOWS BEST.
"Huuuuuuuuuuuu" hagulhol ko habang mahigpit na hinawakan ang braso ni Mama hindi lang dahil sa malungkot ako dahil sa nangyari but becausemI just miss this warm hug. Namimiss ko ang yakap ni Mama
"Okay lang kahit dimo sabihin sakin anak andito lang ako" ika ni Mama at mas hinigpitan pa ang pagkakayap niya sa akin
------------------------------
"Hahahahatziiiiii" paghahatsing ko dahil sa sipon habang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng cherry blossom tree.
"Hay. Panibagong araw! Panibagong buhay!" sigaw ko
"Hey" usal ni Jaeven at umupo sa aking tabi
"May sakit kaba?" he asked
"huh? ahh sipon lang. Nabasa kasi ako nang ulan kahapon eh." sagot ko
"May gamot kaba na dala?"
"Huh? Oo naman. Ako pa." ngisi kong sagot
"Tsanga pala nagkausap naba kayo ni Devi after nung party?" tanong niya pa sa akin
"Huh? Ah oo naman" ngisi kong sagot
"So...you already told him?" he asked
"KRINGGGG KRINGGGGG KRINGGGG" tunog ng bell senyales na magsisimula na ang klase
"Naku! May klase na ako eh. Mauna na ako sayo" imbit ko
"Sabay na tayo" usal niya pagkatapos ay lumakad na kami
-----------------------
"Everyone! Attention! Malapit na ang Intramurals natin kaya naman yung hindi pa nakakasubmit nang file nila sa akin ito na ang last day niyo okay" usal ng aming Adviser
Nang matapos na ang klase namin di nalang ako lumabas at nag-snack dahil sa sinisipon ako. Nakayuko ako ngayon sa aking desk nang bigla nalang akong tinawag ng aking adviser.
"Ano po iyon sir?" tanong ko at lumapit sa cubicle niya
"Pwede bang ibigay mo ito kay Mr. Ching" usal niya sabay inabot ang mga papel sa akin
"List yan ng mga student na sasali para sa swimming competition" dagdag pa niya
"Okay po sir." sagot ko
Hindi ako makahindi kay sir kaya ginawanko nalang ang inutos  niya. Papunta na ako ngayon sa office ni Mr.Ching siya kasi amg coach ng swimming team kaya sa kanya ko ibibigay ang list ng section namin na sasali sa swimming. Naalala ko na sa swimming team din pala si Devi.
"Sasali din kaya siya?" usal ko habang naglalakad
"Ano ba Angel!Stop it! Simula ngayon wag mo nang isipin ang Devi nayun! You should forget him! Kalimutan mo na ang nangyari sa inyo! Kaya lang naman nangyari yun dahil lasing siya!He just playing your feelings!" usal ko sa sarili at tumuloy na sa paglalakad
Nang makarating na ako sa office ni Sir Ching ay di na muna ako pumasok dahil may kausap pa siya. At pinapagalitan niya ito kaya nahihiya ako na pumasok.
"What are you goingnto do with that!?"
"Bakit dimo inaalagaan ang sarili mo!?"
"Alam mo naman na ikaw ang pinagkakatiwalaan ko sa swimming team diba!?"
Tanging sigaw ni Sir Ching mukang pinapagalitan niya ang isa sa miyembro ng team niya.
"I'm sorry sir" sagot ng pamilyar na boses
"Don't worry sir. I will assure you na magiging okay ang braso ko before the instramurals" sagot niya
"Siguraduhin mo talaga dahil alam mo naman kung sino ang mananalo sa instramurals ay siyang dadalhin para sa Olympics next month." sabi ni sir Ching
"Yes sir!"
"Napacheck-up mo naba yan?" tanong ni Sir Ching
"Yes po sir at di naman daw seryoso ang nangyari sa braso ko kaya for sure makakasali ako sa Olympics"
"Okay sige na.Makakaalis kana." imbit ni Sir Ching
Agad akong nagtago nang lumabas na ang lalaking pinapagalitan ni Sir Ching di ako nagkamali its Devi. Diko alam pero nang marinig ko iyon ay nakaramdam na naman ako ng lungkot at awa para sa kanya.
"Tama na Angel! Di ka dapat nag-aalala sa tulad niya" usal ko at pumasok na sa office ni Sir Ching para ipasa ang mga papers na inutos ni Sir sa akin
---------------------------
Naglalakad ako ngayon sa hallway pabalik sa aking classroom ng nakasalubong ko si Miss Yeelen.
"Good morning Miss" usal ko at agad na umiwas sa kanya
"Sandali lang Angel, can we talk?" usal ni Miss dahilan na napatigil ako sa paglalakad
Sumama ako sa kanya sa clinic niya dahil may gusto rin akong sasabihin sa kanya. Nagtitimpla si Miss Yeelen ngayon ng coffee para sa akin. Mabait si Miss Yeelen kaya ayaw kong magtago ng lihim sa kanya. She's pregnant and I know Devi is the father kaya sasabihin ko sa kanya na gusto ko si Devi pero simula ngayon ay ititigil ko na iyon para sa kanilang dalawa at sa baby nila.
I will also tell her na may nangyari sa amin pero nangyari lang yun dahil lasing kami pareha. Tapos nang magtimpla si Miss Yeelen at ibinigay na niya sa akin ang coffee na tinimpla nya.
"Salamat Miss." ngisi ko at sabay uminom muna nito para pakalmahin ang sarili ko
"I'm sorry Angel." biglaang sabi ni Miss Yeelen dahilan na napatigil ako sa pag-inom ng coffee
"I know there's something between you and Devi. But I just..."
"No Ma'am! Hindi niyo po kailangan na humingi ng sorry sa akin. Ako po dapat ang humingi ng sorry sa inyo" mabilis kong sabi
"Dahil alam ko naman na si Devi ay......" putol kong sabi ng biglang may kumatok at nang pumasok ito ay si Devi pala
Nang makita ko si Devi ay napatingin din siya sa akin kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at mabilis na tumayo.
"I'm sorry Miss. But I need to go. May gagawin papo kasi ako Miss eh." palusot kong sabi at mabilis na lumabas sa office na iyon
Nang makalabas na ako ay napatingin muli ako sa pintu at iniisip na magkasama na naman sila ni Miss Yeelen and I am wondering kung ano ang ginagawa nila ngayon.
Agad na akong umalis at mabilis na lumakad pero ewan ko bigla nalang akong nakaramdam ng kirot saking puso. 

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now