PART XXVII: FIND YOUR REAL HAPPINESS

2 0 0
                                    

[ DEVI's POV ]

Umuwi ako sa luma naming bahay at agad akong pumasok saking kwarto na wala sa sarili. Habang paakyat ako saking kwarto noon ay tulala lang ako. Nang makapasok na ako saking kwarto ay agad akong napaupo sa sahig habang nakasandal sa aking kama.
Until, I just felt the my cheeks are getting wet because of my tears falling. Kinuha ko ang isang box sa ilalim ng aking kama. It was hidden there for so many years. I open it slowly and then my tears just continue to fall. Lalo na nung nakita ko ang mga larawan na aking tinago since I was a kid.
Una kong tinignan ang larawan kung saan kasama ko si Dad at si Mom at masayang-masaya kami. Sunod kong nakita ang larawan ni Mom. Dahilan na naalala ko yung bata pa ako na inaalagaan niya ako.
_______________
"My baby...Are you okay huh?" pag-aalala niyang tanong sakin ng nadapa ako at nagkaroon ng sugat saking tuhod
"I'm so sorry my baby" iyak niyang sabi sabay akong niyakap
_______________
Matapos ko iyong naalala ay mas lalo akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at nagsihabulan na ang mga luha saking mga mata. Lalo pa nung naalala ko kanina yung babae na mommy ni Devian. Yung babae na iyak ng iyak. Dahil pag-aalala sa anak niya.
Yung babaeng kinaiinisan ko. Yung babaeng ayaw ko ng makita pa. Yung babaeng.......namimiss ko ng sobra. My mom.
Kaya nung nakita ko siya na tumatakbo papalapit samin ay agad nanikip ang aking dibdib dahil sa sakit ng aking nararamdaman kung saan ay diko siya kayang harapin. I miss her so much but I am not yet ready to face her.
Mas lalo akong nasaktan ng tinawag niya ako at nagpasalamat sa akin. Naisip ko lang napakaunfair lang naman ng buhay sa akin. Palagi nalang akong pinapahirapan.
Kaya pala may similarities kami ni Devian eh kasi he's my mom son. He's my brother.
Diko na alam kung paano eexplain ang aking nararamdaman ngayon kaya't halos makunot ko na ang larawan ni Mom habang basang-basa na ito ng aking luha.
Paano nato ngayon? Paano ko na mahaharap si Angel. Kung ang babaeng kinaiinisan ko ay kilala niya. Hindi ko alam kung kailan silang dalawa nagkakilala pero sa ngayon gusto ko na munang mag-isip at mapag-isa. Patuloy akong umiiyak saking kwarto kung saan ay madilim at ang tanging maririnig lang ay ang aking hikbi.
_____________________
[ ANGEL's POV ]
Naglalakad na ako ngayon sa hallway ng ospital nang  makasalubong ko si Devi. Ngumiti ako sa kanya pero dinaanan niya lang ako at di man lang siya tumingin sa akin. Diko alam kung bakit ganun nalang siya. Samantalang kagabi ay okay lang naman siya.
Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy saking paglalakad. Habang kumakain kami ni Alexander ay nakita ko si Devi pero di siya umupo sa table namin gaya nung una. Kaya mag-isa lang siya ngayong kumakain na para bang wala siya sa sarili niya. Dahilan pinag-alala ko.
May ilang beses pa na nakakasama ko siya sa check-up pero di manlang siya tumitingin sa akin at di man lamg niya ako kinakausap.
Lumipas ang ilang araw ay ganun parin si Devi sa akin. Di na niya ako pinapansin at kinakausap. Di narin siya pumupunta sa bahay namin. Napapansin ko ring medyo namamaga ang mga mata niya.
Alam kong sinabi ko sa kanya na ayaw ko na sa kanya. Kahit ang totoo ay gustong-gusto ko parin siya. Minsan napapaisip nalang ako na, baka sumusuko na siya sa akin. Edi mas okay narin yun para di na ako masaktan.
Pero ano ba itong nararamdaman ko, nasasaktan ako na di niya ako kinakausap. Nasasaktan ako sa tuwing dinadaanan niya lang ako. Nasasaktan ako sa tuwing tumitingin ako sa kanya pero di niya man lang magawang tumingin sa akin. And makes me worried about him. I know there's something in him.
________________________
"Ouh kumain kana Angel" usal ni Alexander habang nakaupo saking harapin at kumakain rin kasi we're having our first date
"Ah oo" ikli kong sagot dahil sa naiisip ko parin si Devi
"You know what, I'm very happy kasi sa wakas pumayag kana na makipagdate sa akin." usal niya habang ako ay nilalaro lang ang pagkain habang patuloy niya akong kinakausap
"Bukas narin ang heart surgery ni Ms.Katherine sana maging successful." usal pa niya
"Sa tingin mo kaya kaya ni Dr.Kyorsch ang surgery na iyon?" tanong pa niya sa akin pero di parin ako mapakali eh
"Hey! Are you really okay?" pag-aalala niyang tanong
"Huh? Ah oo naman!" usal k sabay sinubo ang isa maliit na beef steak
"You're not answering my question" ika niya
"HUB? Alin dun?" tanong
"Hahaha" he laugh at inilagay ang hawak-hawak niyang tinidor at kutsara
"Is he really bothering you?" biglaan niyang tanong sa akin dahilan na ikinabigla ko
"What do you mean?" ika ko
"Yung......" usal niya sabay napabuntong hininga
"Yung lalaki na ikakamatay mo talaga kapag hindi mo siya makita." usal niya dahilan na ipinagtataka ko
"Huh?"
"6 years ago. I met a girl on my way to the hospital." ika niya na pinagtataka ko
"Nakaharang siya sa gitna ng kalsada nun, at kahit anong pilit kong paalisin siya ayaw niya talagang umalis. Ika niya, aalis lang daw siya kapag dadalhin ko daw ang lalaking nasa pinakatuktuk ng building."
"Hahaha. She's really funny but she's more than cute." ngisi niyang sabi ng maalala ko yung gabi ng foundation day ng aming school kung saan ginanap ito sa isang hotel
I just then remember his face. Mr. Alexander face. Siya pala ang lalaking iyon. And I just forget it siguro dahil sa dami ng problema na nangyari sa buhay ko.
"Alam mo, because of the girl, first time kong nasuspend sa trabaho but you know instead na magalit ako ay nagtaka nalang ako bigla dahil, nakangiti lang ako eh."
"HAHAHA. Baliw na ata ako eh. Kaya naman, sabi ko sa sarili ko, kapag magkita kami ulit, iisipin kong destiny na iyon. At liligawan ko siya." usal niya dahilan na ikinabigla ko
"Remember...nung intern kapa lang dito sa ospital?" tanong niya sa akin
At naalala ko lang bigla  yung araw na first day ng internship ko niyakap niya ako bigla kahit diko pa siya kilala nun.
"I like you" usal niya sakin nun na ikinabigla ko
"I'm sorry. I don't like you" diretso kong sagot
Yun ang unang araw na binasted ko siya. Hanggang sa patuloy parin niya akong inaalok na maging girlfriend niya pero di parin ako pumapayag dahil sa may laman na ang puso ko. Kaya pala ganun lang siya kung umasta nun.
"I know, I am being weird that tume. Pero kasi eh yun ang unang beses na tumibok ang puso ko ng mabilis. That's the first time I fell in love.
"Alexander" tanging usal ko lang habang kaharap siya
"Hahaha. Akala ko magiging masaya ako na kadate na kita pero mali ako eh, malungkot ako kasi, alam kong di ka masaya." malungkot niyang sabi
"I'm so sorry Alexander" ika ko
"I think this is the time for me to stop. I just want to tell you that I am happy that I feel in love with you. Kaya naman, please be happy...be happy to the person who is in your mind. To the person you really loved for so long. Please find your real happiness." usal niya na alam konh gusto na niyang umiyak
I want to comfort him but I need to find Devi and comfort him also. Because he's the person who is in mind. He is the person I really loved. He is my real happiness. And I think I am going crazy if I can't find him now.
Agad akong tumakbo palabas ng restaurant samantalang naiwan lang si Alexander dito. Agad akong dumiretso sa ospital dahil baka nakaduty pa siya pero nakaalis na daw siya. I tried to think where I can find him and nalaman ko na meron pala siyang condo.
Agad akong pumunta kung saan ang condominium unit niya pero wala rin daw siya rito. Naisip ko na baka nasa luma siyang bahay niya yung bahay nila noon na magkapait-bahay pa kami. Nang papunta pa ako doon ay panay rin ang tawag ko sa kanya pero di niya sinasagot.
Habang nasa kalagitnaan ako sa kalsada ay bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo at para ba akong nasusuka. Sumakit bigla ang aking ulo dahilan na kumukunekta ito saking mata. Kung saan nagblublurry na ang aking paningin.
Kaya nang diko nalang namalayan ay naibangga ko na ang aking sasakyan sa isang poste. At unti-unti nandilim ang aking paningin pero bago ako nawalan ng malay ay nakaramdam ako ng sakit at agad na tumulo ang mga luha saking mga mata.
_______________________

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now