PART XVIII: SUPPRESSED FEELINGS

2 0 0
                                    

[ ANGEL's POV ]

"Thank you so much" usal ko habang yakap² ko parin si Devi mula sa likuran niya
"Ano bang ginagawa mo?" cold niyang sabi at pagkatapos ay inalis ang yakap ko sa kanya
Pinaharap niya ako sa kanya at dahan dahan na inilagay sa aking tenga ang kaunting buhok na tumatakip sakin mukha. He's looking at me right now seductively
Nang unti-unti nalang lumalapit ang mukha niya sakin habang hinahawakan ng kanang kamay niya ang aking chin at unti-unti niya itong inilalapit sa kanyang mukha. Diko alam pero kusa na akong pumikit at inantay kung kailan dadampi ang labi niya sa aking mga labi.
"What are you thinking?" he whispered dahilan na nahiya ako at tinulak siya
"Hahaha" he laugh
"I didn't do this for your own good. I do this because I need you. Tsaka ikaw narin ang nagsabi ang dami ko nang nagawa para sa iyo. Kaya naman sa tingin ko you should pay for it." he said calm
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"I bring you here kasi gusto kong linisin mo ang bahay ko."
"Huh?" tanging usal ko and then smirk
"Mukang marami kapang dapat linisin kaya naman you should be working right now." he said cold at umakyat na papunta sa taas sa kwarto niya
----------------------------------
"I can't believe him! He's really a devil! Bakit niya ba ako nagawang palinis sa bahay niya?"
"Akala ko ba gusto niya ako?"
"Akala okay kami?"
Bulong ko sa aking isipan habang patuloy na naglilinis ng sahig. Nang napansin kong kanina pa akong pulot ng pulot ng mga scratch paper sa sahig. Nang nakita ko si Devi pala ang nagtatapon nito. He's sitting in his sofa while doing something.
"Ano bang problema mo!? Kailan ba ako matatapos maglinis eh kanina lang ako puloylt ng pulot sa mga dumi mo?" inis kong sabi
"Stop disturbing me may ginagawa ako dito" he said cold
"Wala akong pakialam kung ano ang ginagawa mo! Kung nag-aaral ka man o ano pa! Pero impossible naman na mag-aral ka eh. Kaya wala akong pakialam kung madistorbo kita. Basta gusto ko lang matapos na ako sa paglilinis dahil husto ko nang umuwi!" sigaw ko
"Nagrereklamo kaba?" he said cold
"Oo! Nagrereklamo ako! Dimo ba nakikita!? Alam mo nakakalito ka eh! Akala ko ba----" putol kong sabi nang sumumbat siya
"Pagkatapos mo maglinis jan maghanda ka na nang pananghalian natin dahil may gagawin pa ako sa taas." he said
"Ano ba kasing ginawa mo huh? Bakit mo ba to ginagawa sakin? Dahil ba mayaman ka? Hahaha oo nga pala... mayaman ka kaya lahat nagagawa mo. Diko nga inakala na andami mong bahay. Tskkk mayaman kasi Dad mo eh. Pero alam mo... dimo dapat ipagyabang pa sakin dahil alam ko naman talagang mayaman ka!" inis ko na talagang sabi
"You're wrong! This house? I bought this with my own money. Pinagsikapan ko ang perang pinambili ko dito. hmm" he said and smirk and then he stood up sabay kinuha ang isang maliit na sketch book niya and walked away
"Ahhh tsanga pala.. you're not leaving today... kasi pinagpaalam na kita sa family mo. Bukas kana makakauwi.You need to pay me first.Okay?" he added and walked dahilan na ikinabigla ko
"Huh! Heyyyy Devi!!!!" sigaw ko
"Kainis!" usal ko
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa inis. Kaya napaupo nalang ako sa sofa habang nakasimangot. Sigurado akong pumayag lang ang family ko dahil nga kilala na siya nito. Ano kaya ang pinagpaalam niya sa family ko.
Wala akong nagawa kundi linisin nalang lahat ng kalat sa bahay niya. Diko inakala na magkakaroon siya ng bahay na ganito kaganda at sarili niya pang pera ang pinambili niya.
Matapos kong linisin lahat ng kalat at alikabok ng bahay niya ay nagluto na ako ng pananghalian dahil ang oras ay 11:16 am na. Binuksan ko na ang refrigerator niya at kaunti lang ang laman nito. Mukang nambili ata siya ng pagkain na sakto lang sa dalawang araw na pagisstay namin dito.
Nang naisip ko na para pala kaming bagong kasal na nakatira sa iisang bahay ay diko mapigilan na mapangiti at kiligin.
"Hahaha" tawa ko mag-isa sa kitchen at sinimulan na ang pagluluto
Nagluto ako ng buong manok na may gata at masarap na masarap ito. Nagprito din ako ng hotdog at meet loaf. Tapos ay nagluto narin ako ng kanin. Ilang minuto pa ay tapos na akong magluto. Kaya naman ay pinuntahan ko na si Devi sa kwarto niya pero wala siya rito.
"Huh? Nasan naba ang taong yun?" pagtataka kong sabi
Dalawa lang kwarto ng bahay Devi kaya naman tiyak ko na nasa kabilang kwarto siya. Pinuntahan ko siya sa kabilang kwarto at nang kumatok ako rito ay walang sumagot kaya binuksan ko na.
Nang buksan ko na ito ay agad bumungad sa akin ang malaanghel na mukha ni Devi na tinatamaan ng sikat ng araw. He's shiny face right now is so attractive. Lalo pa't nakikita ko talaga ang pawis na tumutulo mula sa kanyang mukha papunta sa leeg niya at nababasa narin ang plain v neck white tshirt niya. Dahilan na naaaninag ko na naman ang abs niya. Diko alam pero parang ang hilig niyang mag-suot ng mga damit na kulay puti. Pero okay lang... dahil ang gwapo parin naman siya kahit anong suotin niya. 
Nakaupo siya ngayon sa isang upuan at tiyak ko na siyay nagpipinta. Habang may headset na nakalagay sa tenga niya. Kaya pala di niya ao marinig nang kumatok ako kanina. Ilang minuto pa ay pinagmamasdan ko lang siya.
"Hehehe" diko alam pero bigla nalang akong napangiti nang naalis ko ang tingin ko sa kanya ay tsaka ko napansin na puno ng mga paintings ang kwarto niya.
Iba-iba ang mga ito. May mga Abstract painting at Concrete painting at ang gaganda nitong lahat.
"What are doing here?"
Natigil ako sa kakatingin ng marinig ang malamig na boses ni Devi. He still sitting on the chair while holding his brush.
"Huh?Ahh kasi... " usal ko at agad akong lumapit sa kanya
"What?" he said at tinago ang pinipainting niya kanina pinaharap niya ito sa wall dahilan na diko ito nakita
"Ahhh yayain na sana kitamg kumain ng tanghalian kaso nung pinuntahan kita sa kwarto mo wala ka dun. Ehh nakita ko kasi na may isa pang room dito kaya naisip ko na baka nandito ka... kaya" paliwanag ko habang nakaharap sa kanya na ngayon ay nakaupo parin.
"Bakit dika kumatok?" he ask and looked at me daringly
"Kumatok ako nuh... pero dika sumagot" paliwanag ko at tsaka niya napansin na nakaheadset pala siya
"Nagpapainting ka pala?" I ask
"Yes!" ikli niyang sagot
"Alam mo.. ang ganda ng mga paintings mo. Pero bakit doctor ang kinuha mo?" I asked curiously
"Hahaha" he laugh
"Nakakatawa ba ang tanong ko?" usal ko
"No. It's me. Natatawa lang ako sa sarili ko. Hahha bakit nga ba ako nagdodoktor kung pagpepaint naman talaga ang gusto ko" he said and smile pero napansin kong malungkot siya
"So pagpepaint talaga ang pangarap mo?"
"Bakit nga ba ako magdodoctor? Hmmmm. Siguro dahil may gusto akong patunayan sa isang tao" he said seriously
"Haaaaaaaa" sigaw ko nang hilahin niya ako dahilan na nakaupo ako sa hita niya ngayon at tinititigan ako ng malagkit na tingin
"Ano ba!" sigaw ko at pilit na tumayo pero hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa aking beywang
"Bakit ba ang daldal mo?" he said seriously
"Ah... eh.. kasi.. ano eh... ah" utal kong sabi while turning my eyeballs thinking kung bakit ang daldal ko
"Alam mo bang naiinis ako sa taong madaldal" he said cold while still looking at me dahilan na di ako mapakali at di makatingin sa kanya
Nang bigla nalang dahan-dahan niyang hinawakan ang aking chin at pinatingin ako sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumingin nalang din sa kanya. He then cupped his right hand on my face and smile seductively.
"Yan. Ang ganda mo na. Diko inakala na mas maganda palang pintahan ang mukha ng isang tao keysa sa---------"
"What did you do?!" sigaw ko and he just laugh. He put paint on my face
Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya sakin at tumayo pero mas hinihigpitan niya pa ito. Nagpumiglas ako ng nagpumiglas ng bigla nalang natumba ang upuan na inuupuan ni Devi. Dahilan na natumba kaming dalawa sa sahig kung saan nahigaan namin ang painting niya kanina. Pati ang mga paint niya ay nagkalat narin sa sahig.
Nasa ibabaw ako ngayon ni Devi dahil sa pilit akong tumayo kanina at nahila ko siya at dahilan na natumba kami pero sinalo niya ako kaya siya ang tumama sa sahig kaya't nasa taas niya ako ngayon nakahiga sa chest niya kung saan dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso. Habang ang kamay ko ay napasandal sa kanyang dibdib at ang dalawa niya namang kamay ay nakahawak saking likuran na para bang niyayakap niya ako.
Agad kong binangon ang aking sarili pero hinigpitan niya ang hawak sa akin kaya nanatili ako sa ibabaw niya.
"Ba't ba kasi ang kulit-kulit mo?" he said
"So---sorry" utal kong sabi
Nang nakita ko ang painting na pinaint niya kanina. It was really beautiful. It was a girl. A girl na nakaside view. At mas lalo akong namangha nang nakita ko ang signature niya.
- Angel -
"Ikaw ba yung sikat na painter?" I asked curiously and he let go of me
Bumangon na kaming dalawa sa pagkakahiga. And he just looked at me and then he leave me alone. Naiwan akong mag-isa sa kwarti nato at agad kong tinignan ulit ang painting niya at ang signature niya.
"Hmm" I smiled knowing that he used my name as signature in his painting
Dun ko narealize na talagang mahal niya ako. Pero diko lang mabatid yung tungkol sa kanila ni Miss Yeelen. Pero knowing that Devi really likes me ay nagiging okay na ako.
Agad na akong lumabas sa kwarto na iyon na may ngiti at bumaba na. Para saluhan si Devi na kumain. Habang kumakain kami ay diko mapigilan na mapangiti. Habang si Devi naman ay di makatingin sa akin at mabilis na kumakain. Dahilan na nabilaukan siya at agad ko naman siyang binigyan ng tubig pero di niya ito tinanggap at kumuha ng sarili niyang tubig. Dahilan na mas lalo akong natatawa dahil nahahalata ko na nahihiya siya at it just that he's being cute right  now.
Ilang minuto pa ay natapos na siyang kumain at agad na tumayo tumayo pagkatapos ay lumakad na. Maya-maya pa ay bumalik siya.
"Yah!" he said coldly
"Ano yun?" kalma kong sabi
"After mong kumain magbihis ka.. may pupuntahan tayo" he said cold at umakyat na sa kwarto niya
Nang makaakyat na siya ay agad akong napatawa dahil sa kacutan niya. I think we will be having a date. Kaya masayang-masayang ako.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now