PART XI: SLOW MOTION

2 0 0
                                    


[ ANGEL's POV ]

"Hay kainis!" usal ko nang mabasa ko ang text ng Devi the devil na kaninang hapon pero wala akong magawa dahil nga pumayag ako na maging slave niya.
It's almost seven pm na kaya naman sigurado akong nasa bahay na ang Devi na iyon at di nga ako nagkamali nakauwi na siya. Dahil bukas ang gate ng bahay niya at may kotse narin pero nagtataka ako dahil ibang kotse ang narito. Pero I know sa kanya rin ito dahil nga mayaman sya eh.
"Wow" usal ko nang nakapasok na ako sa bahay niya
"Ang ganda naman ng bahay na ito. Grabe kahit ilang taon na akong nakatira dito sa neighborhood nato, ngayon lang ako nakapasok sa bahay na ito.Talagang maganda nga ang bahay na ito simula labas hanggang loob" mangha kong sabi
Nang may narinig nalang akong isang malaking boses na nasa kusina na ang pagtatantiya ko ay hindi ito boses ng Devil na iyon. Dahil sa nataranta na ako ay agad akong umakyat sa may itaas na kwarto ng bahay. At maya-maya pa ay dumating na nga si Devi.
Narinig ko lahat ng pinag-usapan nila dahil sa hindi ako pumasok sa may kwarto. Nang marinig ko ang lahat ng pinag-usapan ni Devi atnng Dad niya ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit naging masama si Devi.
Nang matapos na silang mag-usap ay nakita kong umiyak si Devi.
"Marunong din palang umiyak ang lalaking to eh" sabi ko sa isip
Nang bigla nalang siyang tumayo dahilan na nataranta ako at pumasok sa may malapit na kwarto. Nang agad kong binuksan ang kwarto ay nag-ingay pa ito dahilan na mas ikinakaba ko kaya naman hindi ko na ito naisara pang muli dahil sa kaba.
"Anong gagawin ko? " taranta kong sabi ng makita ko ang isang white cabinet na sa pagkakaalam ko ay lalagyan ng mga damit.
----------------------------
"Tinatanong kita kung ano ang narinig mo sagutin mo ako!" sigaw niyang sabi dahil sa inis dahilan na napapaiyak ako
"La.. La.. Lahatlahat... I'm so sorr-----" putol kong sabi dahil sa agad niya akong hinalikan ng madiin habang tumutulo ang luha ko dahil sa diko maipaliwanag na dahilan.
Nang matauhan ako ay agad ko siyang sinampal at abay na tinulak dahilan na napajiha siya sa kama niya.
"Ito ba ang paraan mo para makatakas sa mga problema mo?! Para makatakas sa lungkot na nararamdaman mo ngayon!? " sigaw kong sabi habang umiiyak na nakatayo habang siya ay nakaupo na sa kama niya
"Kung may problema ka wagkang mandamay ng ibang tao! Kaya walang may gusto sayo at kinakatakutan ka ng lahat! "dagdag ko pa
"Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan! You're just my slave!  I think you just cross the line!" he said coldly
"No! I'm sayjng this,  because I quit! Ayaw ko na sa kalokohan na ito! I don't want to be your slave anymore! Kaya naman wag mo na akong tatawagan pa!" inis kong sabi sabay na tumalikod
"Ahh tsanga pala, kung wala kang respeto sa Dad mo, respetuhin mo naman ang ibang tao para di ka nila tawagin na Devil. At isa na ako sa tao na dapat mong respetuhin. Kasi di tayo close." dagdag ko sabay na umalis.
----------------------------------
"Tama lang yung ginawa mo Angel! Kaya naman matulog kana at kalimutan na ang tao na iyon" sabi ko sa sarili habang nakahiga sa kama
"Tama! Bukas na bukas maghahanap na ako ng ibang part time work para makapag-ipon ng pang-opera ni Aedelle at magpapatuloy ako sa pagbebenta ng mga cosmetics pandagdag ko rito"
"Kaya naman Angel Euphoria Cassedaine! Laban lang kaya mo ito" pagpapalakas kong sabi sa sarili
---------------------------------
"Papasok na po ako pa" paalam ko kay papa
"Sige anak mag-ingat ka"
"Opo pa" ngisi kong sahot kay papa sabay na lumakad na.
Nang nakalabas na ako sa gate ng bahay namin ay napatingin ako sa gate ni Devi at naalala ang mga sinabi ko sa kanya kagabi.
"Hindi kaya sumubra lang ako kagabi" sabi ko sa isip
"Hayssss!" usal ko nang bigla nalang bumukas ang automatic gate nila Devi kaya agad akong naglakad ng mabilis.
Habang mabilis akong naglakad ay dumaan na si Devi sakay ng black sport car niya ng diko sinasadya na mapatingin sa kanya sa loob ng car niya na umaandar. Nakikita ko lang siya dahil nakabukas ang window ng car niya. Kaya kitang-kita ko siya na seryosong-seryoso na nagmamaneho ng car niya na hindi man lang ako nilingon.
Nang nalampasan niya na ako ay tila ba parang nagslow motion at diko alam parang medyo may kumirot sa puso ko ng makalayo na ang kotse niya.
"Ano kaba Angel! Hahaha" sabi ko sabay pinukpok ang aking dibdib at nagpatuloy na sa paglalakad.
------------------------------
Gaya ng dati bago ako pumapasok ay pumunta muna ako sa likod ng school namin para maitawid ang aking mga paninda.
"Yosh! Fighting Angel! " imbit ko sa sarili
Matapos ko itong itapon papasok sa school namin ay agad na akong pumasok sa campus na walang sabit.
Pumunta na ako ngayon sa may lugar kung saan naroon ang aking bag pack na may laman ng paninda ko kung saan mau maraming cherry blossoms tree. Nang papunta na ako ay may nakita akong isang lalaki na papaalis sa may bench kung saan nakalagay ang aking bag pack nakatalikod sya at papalayo na, nakauniform sya ng aming school uniform na gray suit at gray pants.
"Jaeven! " tawag ko pero nakaalis na siya
Yes, I know it was Jaeven because he's the only one who always helped me. Kaya naman ay napangisi ako napaisip na sana ay mas makilala ko pa siya at maging malapit na kainigan. Kaso nga lang ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kanila lalo na kay Devi at dahil magkaibigan sila sigurado ako na di ko maiiwasan na makita si Devi pagnagkataon kaya mas mabuti ng iwasan ko narin si Jaeven.
--------------------------------
"If we substitute this x variable to the y variable------" patuloy na pagdidiscuss ng aming Pre-Calculus teacher.
CRINGGGGGGG CRINGGGGGGGG CRINGGGGGGG
Ring ng school bell namin hudyat na snack time na.
"Ouh Angel bakit wala atang utos sayo ang Devi the devil na iyon sayo? " tanong sakin ni Heirisha
"Ano ba, wag mo nang banggitin ang pangalan nayan kasi simula ngayon ayawnko ng marinig ang pangalan nayan at tsaka isa pa hindi na niya ako slave. I already quit! " paliwanag ko sa kanya
"Really? Naku naman kung tsaka ko pa sana makikilala si Darwel ehh" simanhot niyang sabi
"Hay nakuu makakahanap karin ng iba ok. Tara magsnacks na nga lang tayo" pagyaya ko sa kanya.
Nang makarating na kami sa canteen ay marami na ang mga tao. Nang nakapili na kami ni Heirisha at hahanap na sana ng mauupuan ay aksidenteng nakasalubong ko si Devi. Just like nung una ko siyang nakita bigla na namang lumakas ang tibok mg puso ko. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya. He never looked at me and just pass by na parang hindi ako nakikita dahilan na parang may nanunusok na naman sa aking dibdib. Diko alam kong bakit ganito lang nararamdaman ko eh.
"Ouh Angel bakit nakatayo kalang diyan! Halika na rito" tawag sakin ni Heiresha na ngayon ay nakaupo na sa isang table kaya agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya.
"Okay kalang?" tanong sakin ni Heirisha
"Oo naman hmmm" ngisi kong sagot
Natapos na kaming magsnack at nang hinanap ko si Devi at ang mga kaibigan niya ay wala akong nakita niisa sa kanila.Siguro nasa rooftop sila ng squad niya.
"Iniiwasan niya kaya ako" sabi ko sa isip habang naglalakad na kami ni Heirisha pabalik sa building namin
"Dahil ba sa mga sinabi ko? Kailangan ko bang humingi ng sorry sa kanya?" tanong² ko sa isip ko
"Naku! Hindi! Mas mabuti na nga to eh kasi walang didistorbo sakin." dagdag ko pa
"Hoy! Angel!" sigaw ni Heirisha sakin nang dahil nalampasan ko na ang classroom namin
"Talagang okay kalang? May problema ba? Parang kanina kapang wala sa isip mo huh?" pag-aalalang tanong ni Heirisha sakin. Ewan ko ba, ano bang problema ko? bakit parang wala ako sa isip ko?
Natapos ang klase namin at lunch time na. Ewan ko pero parang ang bilis ng takbo ng oras ngayon. Di gaya ng dati.
Matapos naming maglunch ay ganun lang din ang nangyari balik sa klase. Tila ba naging boring ang araw na ito para sakin. Ngayon ko lang narealize n ang boring pala ng lifestyle ko noon at natiis ko lang. Siguro dahil sa mga problema kaya nakakaligtaan kong ang boring ng buhay ko.
"Hay salamat at uwian na" usal ni Heirisha habang ako nanamlay sa pagod
"Ouh ba't para atang ang tamlay mo huh?" tanong niya sakin
"Anong matamlay!? Hindi noh ang saya ko nga kasi tapos na ang klase" ngisi kong sabi
-----------------------------
"Babye Angel! Kita nalang tayo next week" paalam na sabi ni Heirisha sakin habang pasakay na siya ng kotse nila dahil sinusundo lang sya
"Sige babye" paalam ko rin sa kanya
Naglakad na ako papuntang bus stop nang madaanan ako ni Devi pero gaya ng dati dinaanan niya lang ako. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakasara ang window niya pero alam kong siya yun dahil kotse niya yun eh.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto muna ako saglit sa may favorite book store place ko. At gaya ng dati nagbasa ako ng tungkol sa mga Eye book. Nang nakita ko ang brown wrist watch ko na 5:30 pm na pala ay agad na akong lumabas sa book store para makaalis na dahil baka maiwan ako ng 6:00 pm bus na byahe.
Habang naglalakad ako ay may napansin ako sa kabilang kanto na isang babae na nakasuot ng uniform na tulad ng aming school uniform na binububully. Tinulak siya ng isang lalaki na may maraming tattoo.
"Akala mo kung sino ka huh? Ano ka ngayon!?" usal ng isang babae na nakauniform din ngschool uniform namin
"Hahaha tama nga" dagdag din ng dalawang babae na sa tingi ko ay kaibigan din ng babae at nakauniform din.
"Wala kayong karapatan na itulak ako!" sigaw ng babae na itinulak kanina sabay tumayo at pilit na nilabanan ang isang lalaki na may maraming tattoo.
Pero wala siyang laban dito bagkus ay hinawakan siya nito ng mahigpit. Nasa likuran niya ngayon ang kanyang dalawang kamay habang hinahawakan ng lalaki samantala ang tatlong babae ay nasa harapan niya.
Nang nagtagal ay napansin kong kilala ko ang babaeng bininully. It was Zekailah ang babaeng palaging galit sa akin tulad lang ng kuya niyang si Devi. Siguro dahil sa magkapatid nga sila.
"Duwag pala kayo eh!" sigaw ni Zekailah
"Anong sinabi mo!" sigaw ng isang babae at akmang sasampalin sana siya nito pero pinigilan ko dahil sa ayaw kong tingnan lang na may isang babaeng binubully at wala akong ginawa.
"Tama na yan!" sigaw ko sabay na lumapit sa kanila
"Bitawan mo siya! Kalalaki mong tao pumapatol ka sa babae! At kayo ang duduwag niyo! Isa lang siya at tatlo kayo bakit kailangan niyo pang magsama ng mukhang Gorilla para lang kalabanin ang isang babae?" tapang-tapangan kong sabi
Nang bigla nalang hinila ng isang babae ang buhok ko at nagkarambula na nga kami. Pati si Zekaila ay nilalabanan ang lalaki.
"Aray ko!"
"Ano ba! Bitawan mo ang buhok ko!"
"Hayop ka!"
"Ano huh!Matapang ka?!"
"Aray...ha..."
Ingay naming lahat sa tabi ng kalsada. Ewan ko ba eh wala rin naman kasing maraming dumaan na tao para man lang awatin kami. Hanggang sa tinulak ako ng tatlong babae at nadapa pati si Zekailah ay nadapa rin ng itulak siya ng lalaki.
"Zekailah okay kalang?" pag-aalala kong tanong sa kanya
"Ano ba! Sino bang may sabi sayo na tulungan ako?Sino kaba sa akala mo huh!?" sigaw niyang sabi sakin maldita talaga
"Ano? Kaya niyo pa?"
"Humanda kayo pag nalaman ng kuya ko ang ginawa niyo saking to!" sigaw ni Zekailah na ngayon ay naiiyak na. Naalala ko na si Devi ang kuya na tinutukoy niya.
"Aba!Aba! Akala mo ba hindi namin alam? Hahaha" tawang sabi ng isang babae
"Tama! Sinong niloloko mo? Alam namin na walang pakialam ang kuya mo sayo?"
"At isa pa! Kahit ipagsigawan mo pa ang pangalan ng kuya mo di ka niya tutulungan. At kahit pa nandito siya ngayon di ka parin niya tutulungan dahil hindinka niya tinuturing na kapatid! Anak sa labas!" galit na sabi ng babae
"Wala kang silbi!tse!" dagdag ng isa pang babae
"Anong sinabi mo!!!!" sigaw ni Zekailah at sabay na tumayo at hinala ang buhok ng babae
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
Pagsisigaw ni Zekaila habang ako ay walang nagawa kundi ang tingnan lang sila. Naisip ko lang na kaya pala hindi ganun ka close si Devi at si Zekailah dahil nga sa anak sa labas si Zekailah. Magkapatid lang sila sa ama. At kaya ayaw ni Devi sa kanila dahil sa sila nga sumira sa pamilya niya. At tumagos yun sa puso ko. Sigurado akong kaya ganito si Zekailah dahil gusto niyang bigyan siya ng atensiyon ng kuya niya.
"Tama na yan ano ba!" sigaw ko
Nang bigla nalang tinulak ng malakas ng lalaki si Zekailah at nadapa ito katabi sakin.
"Huh!" sigaw ng lalaki ng makitang napunit ang tshirt niya
"A---anong ginawa mong babae ka!" dagdag ng lalaki ng agad niya nilapitan si Zekailah at hinila ang kwelyo ng inner long sleeve ng uniform niya dahilan na napatayo si Zekailah.
"Hindi mo ba alam na mahal ang bili ko sa tshirt na ito!" sigaw ng lalaki
"bitawan mo siya ano ba! Babae siya!" awat ko ng itulak niya ako ng malakas dahilan na nadapa ulit ako at nadagdagan pa ang sugat ko sa tuhod
"Sige! Saktan mo ako! Tama naman kayo eh! Wala nga akong silbi.Wala nga pakialam ang kuya ko sakin. Kaya kahit ano pang pagmamakaawa ko pansinin niya lang ako, ituring niya akong kapatid tanggapin niya akong kapatid alam kong malabo yun. Alam kong mag-isa lang ako at walang magtatanggol sakin. Kaya naman sige saktan niyo ako! Saktan niyo ako!" hikbing sigaw ni Zekailah dahilan na napatulo ang luha ko.
"Talaga lang!" sigaw ng lalaki sabay itinaas ang kanang kamay niya para sampalin si Zekailah at wala akong nagawa kundi ang pumikit.
"Aray ko!"
Sigaw ng lalaki. Nagtaka ako kung bakit siya sumigaw. Dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata ng nakita ko sa semento ang isang titus notebook na ang pagkakaalam ko ay pagmamay-ari ni Devi.
"Hayyyyyyy" malakas na buntong hininga ng isang lalaki dahilan na napatingin ako kung saan ito nagmula.
Naglalakad siya ngayon mula sa likuran ng tatlong babae. Nang makiata ko siya ay diko alam pero abot tenga ang ngiti ko. Habang naglalakad siya papunta sa amin ay para bang nag slow motion at nakalimutan ko na namang huminga ng ilang segundo.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now