PART XVII: WARM BACK HUG

2 0 0
                                    


[ ANGEL's POV ]

"HUH!" sigaw ko ng magising sa pagkakatulog
"Ahhhh aray ang sakit ng ulo ko!" imbit ko dahil sa sakit ng ulo ko diko inakala na malalasing ako sa wine.
"Hayyyyyy" usal ko
"Ha!" sigaw ko ng napansin kong wala ako sa kwarto ko
"Tama si Heirisha, pero.... di naman ito ang kwarto ni risha ehh. Nasan ba ako! " pagtatakang kong sabi
Agad kong tinignan ang damit ko pero iba nasuot ko. I am now wearing a over size plain white t-shirt and a jogger gray pants.
"Hala! Kaninong bahay bato? Ano bang nangyari kagabi?" usal ko at pilit na inalala kong ano ang nangyari kagabi. Pero wala akong maalala.
Nalungkot tuloy ako mg maalala ko ang dahilan kung bakit ako naglasing. Di ako makapaniwala na si Miss Yeelen at Devi ay may relasyon. Kaya pala wala siya sa school nung humingi ako ng gamot dahil may leave siya at siguro ng mga oras na yun ay magkasama sila.
Nang maalala ko ang sinabi ni Miss Yeelen kagabi kay Devi....
--------- FLASHBACK --------
"Please Devi!"
"Hindi ko kaya... hindi ko kayang mag-isa....kailangan ko ng tulong mo. Lalo pa't alam mo kung ano ang nangyari sa akin sa atin."
"Please Devi....mag-usap tayo.Pag-usapan natin"
-----------------------------
Nang maalala ko iyon ay napahiga nalang ako ulit sa kama at hinayaang pagaanin ang loob ko at nang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang minuto pa ay inayos ko na ang sarili ko. Hinanap ko ang damit ko sa party pero diko makita kaya napagdesisyon ko na ito nalang ang isusuot ko at umuwi na. Dahil baka hinahanap na ako ng pamilya ko.
Agad na akong lumabas sa kwarto na hindi pamilyar sa akin. Pilit ko talagang inalala ang nangyari sa akin pero wala parin.
"Hayyyy hindi kaya iniwan lang ako ni Heirisha ng lasing kagabi at sumama ako sa taong diko kilala? Paano naman kaya kong sumama ako sa lalaking diko kilala kagabi?" sabi ko sa isip habang tahimik na bumababa sa hagdanan. Two story building kasi ang bahay. Maliit lang pero maganda at napakaspacious pa nito.
"Wag naman sana!" dagdag kong sinabi sa isip ko
Nang makababa na ako ay tahimik ang bahay at walang tao. Sa isip-isip ko baka umalis na ang may-ari ng bahay. Nang nakita ko bigla ang isang maliit na puting bowl na may takip na nakalagay sa table ng sala.
Napatingin-tingin ako saking paligid kung may tao ba pero wala naman. Kaya lumapit ako sa may sala at tinignan ang bowl. Nang makita ko ang isang stick note na nakadikit dito na may nakasulat na,
"Inumin mo itong soup. Ako mismo ang gumawa niyan para sayo. Pampatanggal yan ng hang-over. "
"Huh?" tanging usal ko dahil sa pamilyar sa akin ang sulat kamay ng nah-iwan ng sticky note
"You're awake" usal ng isang pamilyar na boses na nasa aking likuran at dahan dahan akong humarap sa kanya
"De.....devi?" usal ko sa kanya na ngayon ay nakatayo saking likuran. Tumutulo ang pawis niya marahil ay kagagaling niya lang magjogging dahil basang-basa ang manipis niyang plain white t-shirt na kung saan ay maaaninag mo na talaga ang six packs abs niya. He's also wearing the same pants with me. Gray jogger pants.
"Yes it's me. Mukang nabigla ka yata?" cold niyang tanong sa akin
"Anong ginawa mo dito!?" inis kong sabi
"Huh?" tanging sumbat niya
"Maybe... because this is my house?" usal niya sa akin dahilan na ikinatulala ko
"Right! This is my house. Kaya nandito ako. At ikaw.....?" usal niya sabay turo sa akin
"Nandito ka kasi nalasing ka kakainom ng wine kagabi sa party. " he explain
"At dahil mabait ako, dito kita dinala dahil alam kong hindi kapa pinapayagan ng parents mo na uminom. Amd I don't know why you drink that much." he said coldly
"Pero wag kanv mag-alala I have already told your friend what to tell to your parents. " he said and smirk
"Anong ibig sabihin? Pinagsinungaling mo si Heirisha"
"Bakit? Ano pa bang dapat kong gawin?"
"Kahit na! Hindi mo dapat ginawa to! Dapat hindi mo ako pinakialaman!" sigaw ko
"Wow! Parang kagabi lang iyak ka ng iyak sa gitna ng kalsada at nag-mamakawa na isama ka sa pag-uwi ko?" he said and laugh
"Wha----what do you mean by that?" pagtataka kong tanong
"Don't know?" he said and just smirk
Nang maalala ko na ang nangyari kagabi nung matapos akong mawalan ng malay ay nagising ako at mas malala pa ang ginawa ko kaysa sa paghiga ko sa kalsada.
----------- FLASHBACK ---------------
"Angel gumising kana! Umuwi na tayo!" pagmamakaawa ni Heirisha sa akin
"Oo na! Sige umuwi na tayo" usal ko at bumangon sa pagkakahiga ko mula sa kalsada at lumakad papunta sa gitna ng kalsada at dun natulog
"Hayyyyy salamat at nakauwi na ako!" sigaw ko habang nakahiga sa gitna ng kalsada
"Hoy! Angel! Ano bang ginagawa mo? Umis ka jan! Baka masagasaan ka!" sigaw ni Heirisha pero di ako nakinig.
Nang may isang itim na kotse ang papalapit na sa akin. Ay bumangon ako at agad napahinto ang sasakyan. Lumabas ang driver nito. Isang matipunong lalaki. Mukang may trabaho na dahil maganda ang kotse niya at maayos ang pananamit niya.
"Ano bang problema mo Miss? Magpapakamatay kaba?" usal ng lalaki
"Hahaha" tawa ko
"Mr. Pogi... pwede ba? pwede mo ba akong pasagasaan? Gusto ko n kasing mamatay ehhh" lasing kong sabi
"Nakuuuuu kuya pasensya na sa kaibigin ko lasing kasi siya eh" patakbong sabi ni Heirisha
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng lalaki
"Ewan ko po. Hindi ko alam eh" sagot ni Heirisha
"Sige na! Pasagasaan mo na ako?"
"Ano ba Angel tama na!" sigaw ni Heirisha
"Teka? Galing ba kayo sa party? Hahaha kaya pala lasing kayo" inis na tawa ng lalaki
"Hahaha tama ka! BINGO! Alam mo pinagbawalan ako ng parents ko na uminom pero------" putol kong sabi ng takpan ni Heirisha ang bibig ko
"Pasensya napo talaga kuya" usal ni Heirisha at sabay pinipilit na hilahin ako papunta sa tabi ng kalsada
"Ayaw ko! Ano ba!"usal ko
"Sabi nang ayaw ko ehhh. Huuuuuuuuuuhuuuuuuhuhuhu" iyak ko na parang bata at umupo sa gitna ng kalsada samantalang ang mga nagsisidaan na sasakyan ay siyang umiiwas na sa amin.
"Ano ba! Magpapakamatay ba kayo!"
"Ano bang ginagawa niyo! "
"Sino ba kayo sa akala niyo!"
Sigaw ng mga driver ng nagsisidaan na kotse
"Ganito nalang Miss..ahmm Angel tama diba?" usal ng lalaki
"Pwede bang tumabi kana jan at umuwi kana lang. Para makaalis narin ako dahil nagmamadali ako eh?" pakiusap ng lalaki
"Sino kaba sa akala mo! Ang laki kaya ng kalsada tapos ako ito nakaupo lang dito paaalisin mo pa ako! Hindi niyo mo ba alam na sobrang sakit ng puso ko ngayon. Kahit ngayon lang naman hayaan niyo akong ganito!" sigaw ko
"Okay sige. Alam mo hindi ko alam kung ano ang dahilan mo... kaya naman...kung gusto mo sumama ka nalang sa akin... may ipapakita ako... at tiyak na magugustuhan mo. At hindi mo na iisipin na magpakasagasa dito. Ang bata bata mo pa para mag-isip ng ganito"
"AYAW KO! Ayaw kong sumama sayo o sa kahit na sino. Pare-pareho lang naman kayong mga lalaki eh. Sinungaling mga mapanakit!...Ahh hindi pala lahat... kasi yung papa ko kahit bulag ang mama ko hindi niya kami iniwan. Kaya ibahin niyo ang papa ko!" sigaw ko
"Angel... ano kaba? Tayo na... " usal ni Heirisha
"Ang lungkot lungkot ko ngayon kung alam niyo lang.... Kasi yung taong gusto ko hindi ako gusto... huhuhu... akala ko gusto niya ako pero hindi... pinaasa niya lang ako... huhuhuhu" hikbi kong sabi
"Hayyy nag-aalala lang naman ako sa iyo Miss baka masagasaan ka kapag mananatili ka dito marami naring nagagalit." usal ng lalaki
"Huhuhuhu"
"Ano bang dapat kong gawin para umalis kana at tumabi na?"
"Dun!" iyak kong sabi sabay tinuro ang mataas na hotel na pinagdausan namin ng party kanina.
"Bakit? Anong meron dun? " he asked
"Dun sa tuktuk ng building na yan. Pababain mo ang lalaking gusto ko! Yung lalaking napakasama. Yung lalaking nagpapaiyak sa akin ng ganito. Yung lalaki na nakakalito."
"Sino ba kasi ang lalaki na yan? "
"Devi. DEVI LEX LIAM KYORSCH! Yan ang pangalan niya. Sa kanya lang ako sasama. " usal ko
"Angel.... " tanging sambit Heirisha
"Sige pupuntahan ko siya... pero tumabi kana muna... "
"Ayaw ko... tsaka na ako aalis kapag nandito na siya... "
"Hoooooooo" buntong hininga ng lalaki at lumakad na papunta sa Hotel
"Teka... bakit mo ba sinabi sa kanya na sa tuktuk siya ng building pumunta eh nasa 5th floor lang naman ang venue ng party natin diba?" lasing na sabi ni Heirisha
"Oo nga... bakit mo ba sinabi yun?" ika ko
"Ako...? oo nga bakit ko ba sinabi yun? " usal naman ni Heirisha
"Hay naku halika na kasi. Eh.. mauna na ako sayo dun nalang ako maghihintay" dagdag niya pa tsaka pumunta sa tabi ng kalsada
"Dito lang ako maghihintay sayo okay?" sigaw niya
"Okay!" masaya kong sigaw at tumayo na
"Papunta na ako jan" dagdag ko at tumakbo papunta sa kanya
Nang bigla nalang mag malaking sasakyan na paparating dahilan na natigil ako sa pagtakbo at tulalang nakatingin sa malaking sasakyan.
"Awwwwww" sigaw ko nang natumba ako sa kalsada dahil sa lalaking mabilis na tumakbo papunta sa akin at sinagip ko.
"Ahhhhh" pag-aaray ng lalaki na nagligtas sa akin habang nakahiga ako sa kaliwang braso niya
"Ano ba! Magpapakamatay ba kayo! Kung gusto niyo wag dito sa kalsada dun kayo sa lugar na walang makakakita sa inyo. Mandadamay pa kayo! Gag*!" sigaw ng driver at mabilis na nagpaharurot ng sasakyan niya.
"Haisttt" imbit ko at bumangon na samantala nakahiga pa ang lalaki
"Okay ka lan..... " putol kong sabi ng nakita ko ang lalaking nagligtas sa akin na namimilipit sa sakit ng kaliwa niyang braso na kanina'y hinihigaan ko dahilan na napaiyak ako ng husto
"Huhhhuhuhu Devi anong gagawin kouuhhhhhh... huhuhu... sorry... " hikbi kong sabi
"Ano ba kasing trip mo! " sigaw niya nang nakabangon na siya samantalang nakayuko ako ngayon at umiiyak
"Kung gusto mo talagang mamatay siguraduhin mong wala kang taong maaagrabyado! You're so careless!" sigaw na at tumayo na
"Isama mo na ako sa pag-uwi mo please?" pagmamakaawa ko sa kanya na parang aso
"May bahay ka diba?"
"Ayokong umuwi! Gusto ko sumama sayo. Please...pagod na ako... pagod na pagod...iuwi mo na ako huhuhu" iyak kong sabi nang bigla nalang lumuhod si Devi sa harap ko
"Sige na. Sumakay kana sa likod ko" sabi niya habang nakatalikod sa akin offering his back for me to ride on
Masaya akong umangkas sa likod niya at agad naman siyang tumayo ng nakaangkas na ako sa kanya at medyo napansin kong umaray siya sa sakit ng kaliwa niyang braso.
"Bakit ang bilis mong dumating? Eh bago palang naman umalis yung lalaki kanina eh para puntahan ka?" I ask curiously
"Para pala siyang si Flash ehh ang bilis tumakbo ha...hahaha" tawa ko
"Sira!" cold niyang sabi at nawalan na ako ng malay
----------END OF THE FLASHBACK------------
Nakatayo lang ako ngayon matapos ko maalala ang nangyari kagabi. Nang tinignan ko ang kaliwang braso ni Devi ay puno ito ng bandages. Umiinom siya ngayon ng tubig na kinuha niya sa refrigerator niya.
While I am looking at him ay nakaramdam ako ng kirot saking puso. Sa diko namalayan ay agad akong tumakbo patungo sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya dahilan na nabitawan niya ang bottle of water na iniinom niya.
"Thank you! Thank you for saving life... again." hikbi kong sabi
"And I'm very sorry... for always causing you a trouble... " dagdag ko pa habang si Devi ay hindi kumikibo
Ngayon ramdam na ramdam ko ang init ng likuran ni Devi at amoy na amoy ko ang pawis niya. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng kilig bagkus I feel warm. Kabit hindi ako ang yakap niya parang naramdaman kong ako ang niyayakap niya. That is why I feel very warm.
"Huhuhuuuu Maraming salamat. Devi Lex Liam Kyorsch for always being on my side. Before and until now." hikbi kong sabi at mas hinigpitan ang aking pagkakayakap sa kanya.

~ TO BE CONTINUED ~

When Angel Run Into the Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now